Kumatok ako sa pintuan at ilang sandali ay dahan-dahan itong bumukas at lumabas ang isang babaeng dark green ang kulay ng buhok at kulay berde ang mata.
"Oh! Hi miss." saad nito at ngumiti.
"Uhm hi din po. Ito kasi yung dorm number ko so ikaw yung ka dormmate ko." saad ko rito na mas ikinalaki ng ngiti niya.
"Hello, hello, hello, pasok ka." masayang saad nito at hinila ako papasok.
It was a beautiful room. May dalawang kama na pareho ang kulay which is light pink at may naka-palibot na puting kurtina. May naka-hang rin na mag bulaklak na kapareho ang kulay sa kama. Meron ring mini kitchen sa gilid. May isang walk in closet at tabi nito ay ang banyo. May dalawa ring study table sa harap ng bintana at meron ring drawer sa tabi nito at ang dalawang kama ay may sariling bedside table. Bale ang buong kulay ng kwarto ay light pink at white.
"What's your name?" tanong nito.
"Ahm Claire Santos." sagot ko.
"I am Dahlia Angeline Floria by the way and this is your bed." pakilala nito sabay turo sa kamang nasa kanan.
"Kailangan mo ba ng tulong sa pag-aayos ng gamit mo?" tanong nito.
"Kaunti lang naman ang gamit ko kaya hindi mo na kailangang tumulong." saad ko.
Nilagay ko na yung damit ko sa closet at may nakita ako na may nakalagay doon na limang uniform na iba-iba ang kulay.
"Ahm bakit ganito yung uniform?" tanong ko.
"That represents the five kingdom. Green on monday, blue on tuesday, white on wednesday, gold on thursday, and red on friday." saad nito.
"Our training uniform depends on the magic you possess." saad pa nito.
"Red if it is fire, blue if it is water, gold if it is air, and green if it is nature." saad nito at ipinakita ang training uniform niya na kulay green.
"So nature yung mahika mo." saad ko at tumango lang ito.
"Since sabado ngayon lalabas tayo ng academy at mamili ng gamit para sa klase like notebooks pati na rin mga damit." saad nito.
"Wala akong pera at hindi ako sigurado kung nagagamit dito ang pera na galing sa mundo ng mga tao." saad ko.
"Ililibre na lang kita." saad nito.
"Huwag na, nakakahiya naman kung ganun." saad ko.
"Ano ka ba, ngayon lang ako nagkaroon ng kasama dito sa kwarto kaya huwag ka ng mahiya." saad nito at hinila ako palabas pero pinigilan ko siya.
"Sandali lang kasi hindi pa ako nakapagligo." sabi ko at mabilis na nagtungo banyo para maligo.
Nakasuot lang ako ng pastel green na hoodie at loose pants tsaka rubber shoes.
"Tara na." saad nito at lumabas na kami ng dorm.
Nakipagkuwentuhan lang siya sa akin habang palabas kami ng academy at masasabi ko na madali siyang pakisamahan. Sumakay kasi sa isang kalesa papunta sa sinasabi niyang village na tinatawag nilang Sun Villa na sakop daw ng Sunlight Kingdom.
Pagkarating namin ay marami akong nakita na katulad naming estudyante na namamasyal. Ang iba ay kakilala pa niya kaya hindi maiwasan na makipagkuwentuhan pa siya at pati ako ay sinasali nila.
Pumasok kami sa iba't-ibang shop at hinahayaan ko lang siyang bumili ng gusto. Marami suyang biniling mga notebook at kung ano pang gamit.
"Tara bili tayo ng mga damit." saad nito at hinila ako papalapit sa isang malaking boutique.
Nilagay niya ang mga pinabili niya sa isang mesa at hinila ako papaunta sa section ng mga dress.
"Halika sukatin mo ito." saad nito sabay pakita sa akin ng isang dress.
"Bakit ako?" tanong ko.
"Basta sukatin mo na lang." saad nito at tinulak ako papasok ng fitting room.
Matapos ko itong suotin ay lumabas na ako.
"Oh god you're so pretty!" saad nito habang nakatingin sa akin at sa damit ko.
Kumuha pa siya ng ibang damit at sunod-sunod na pinasuot sa akin. Lahat ng sinukat ko ay binili niya at bumili rin siya ng mga sapatos, sandals, at heels.
"Tara, maglibot pa tayo." saad nito kaya tinulungan ko na siya sa pagdala ng nga pinambili niya.
Naglibot kami sa buong village at kung ano nakita niya na maganda ay binibili niya.
"Hey let's by this one." saad nito sabay pakita sa akin ng dalawang rose gold ring na may maliliit na diamonds at dahon yung design.
"Maganda di ba kaya bilhin na natin." saad nito.
"Mukha bang may pambili ako niyan. Kung gusto mong bilhin edi bilhin mo may magagawa ba ako." saad ko.
"Tsaka bakit dalawa?" tanong ko.
"Kasi sa'yo yung isa." saad nito at binili na ito at isinuot yung isa.
"Ilagay mo sa middle finger mo huwag sa ring finger kasi para iyan sa singsing na ibibigay sa iyo ng magiging asawa mo." saad nito at sinunod ko naman.
"Huwag mong iwala ha." saad pa nito kaya tumango lang ako.
"Gutom na ako kaya kain na muna tayo bago umuwi." saad nito at hinila ako papunta sa isang kainan.
'Ang hilig naman nitong manghila'
Siya na ang nagpili ng makakain kain dahil wala naman akong pili sa pagkain.
"Nga pala hindi ko pa alam kung ano ang mahika mo." saad nito.
"Wala naman akong ganun." saad ko.
"What? Imposible naman niyan." saad nito.
"Baka hindi mo pa naipalabas. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita." saad pa nito at sumubo ng pagkain kaya kumain na rin ako.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami dahil marami na raw siyang binili. Palabas na kami ng village ng biglang may tumawag sa kanya. May lumapit sa amin na tatlong lalaki at isang babae.
'Wait familiar' Di ba sila yung tatlong lalaking sumama sa akin papunta sa office ni headmaster'
"Your highness." saad ni Dahlia at nag-bow kaya napataas ako ng kilay.
"Ano ka ba naman Dahlia, kaibigan ka namin mula pagkabata kaya hindi mo kailangang yumuko tuwing nakikita kami." saad ng babaeng light green ang kulay ng buhok.
"Hello!" bati nito sa akin kaya ngumiti lang ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako yumuko sa kanila pero feeling ko hindi dapat ako yuyuko sa kanila.
"This is Claire my dormmate." pakilala ni Dahlia habang nakaturo sa akin.
"Claire this is Princess Isabelle, Prince Jasper, Prince William, and Prince Jeff." saad nito.
Prince Jasper is the red haired guy. Prince Jeff is the one who has a blue colored hair. And Prince William is the one with golden colored hair.
"Hello po sa inyo." bati ko pero hindi pa rin ako yumuko.
Tumango lang ang mga ito sa akin.
"Nga pala mukhang andami mong pinambili ah." saad ni Princess Isabella kay Dahlia.
"Ah yeah 'cause I'm treating my new friend." masayang saad nito.
"Tinawag lang naman kita dahil next week ay magsisimula na ang klase pero may ibinigay kasing gawain si headmaster sa amin kaya ikaw na muna ang mag-handle sa group natin." saad nito.
"Sige ako ang bahala." saad ni Dahlia at nagpaalam na rin ang mga ito at kami naman ay umuwi na.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyAnong gagawin mo kung ang buong akala mo ay simpleng tao ka lang na nabubuhay sa mundo pero hindi pala? Meet Claire Santos, a teenage girl who grew up alone and without any friends. Nanggaling siya sa bahay ampunan at umalis siya doon noong sampung...