Naglibot ako sa buong library para makahanap ng libro na kukuha sa atensyon ko. Nandito ako sa section na puno ng mga lumang libro. Naisip ko na mas marami ang makukuha naming impormasyon kapag may kalumaan na ang libro dahil lahat ng laman nito ay patungkol sa kasaysayan ng mundo. Kinuha ko yung ang pinakamakapal na libro na halos isang palad ko ang kapal at malaki rin ito. Dahan-dahan akong pumunta sa mesa na pinag-usapan namin kanina at nakita ko na nandoon na silang lahat.
"Akala namin kinain ka na ng mga libro dahil ang tagal mo." saad ni Sofie.
Umupo ako sa tabi nila at nilatag yung libro at nakita ko na nagulat silang lahat.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Grabe ka naman Claire, kaya mo bang basahin lahat ng iyan?" tanong ni Marie.
"Kaya naman siguro basta may makuha lang akong impormasyon." saad ko.
"Start reading your books at tulad ng pinag-usapan ay mag-sashare tayo pagkatapos." saad ni Wade.
Binuksan ko naman yung libro at ang nakasulat sa unang pahina nito ay 'The First War between Immortals'.
Mga ilang oras rin kaming nanatili dito sa library at nagbasa hanggang sa natapos kong basahin ang buong libro kaya tiniklop ko na ito at nakita silang lahat na tulog. Si Aira ay nakasandal ang ulo sa balikat ni Clarisse habang si Clarisse naman ay nakasandal sa upuan. Pareho naman nakamukmok ang ulo nila Jess, Sofie, at Marie sa mesa. Sina Wade at Cyd naman ay natabunan ng libro ang mga mukha at humihilik pa ang mga ito. Sina Alex at Nate ay nakasandal sa upuan habang hawak-hawak pa rin ang mga libro nila.
"Seryoso kayo?" tanong ko sa kanila na alam ko naman na hindi nila maririnig.
Napagdesisyunan ko na gisingin na lang silang lahat.
"Kamusta tulog niyo?" tanong ko ng nagising na sila.
"Maganda sana kaso dinisturbo mo eh." saad ni Clarisse.
"Tapos ka ng magbasa?" tanong ni Aira.
"Oo." sagot ko.
"Naubos mo?" tanong naman ni Sofie at tumango lang ako.
Halata ang gulat sa mukha nilang lahat ng tumango ako kaya napataas ako ng kilay.
"Mabuti naman kung ganun kaya share niyo na ang nalaman niyo." saad ni Cyd.
"Sa akin ay about sa mga mythical creatures sa mundong ito. Like pegasus, cyclops, fairies, gorgon, mermaid centaurs, griffin, dragons, pixies, unicorns, basilisk, phoenix, and gnomes and many more." saad ni Aira at inexplain ang tungkol sa lahat ng mythical creatures na nabasa niya.
"Ang sa akin ay about sa mythical creatures na sumisimbolo ng limang kaharian. Sa Sunlight Kingdom ay dragon with flame in the top of its head. Sa Flame Kingdom ay phoenix surrounded with fire. Sa Terra Kingdom naman ay isang fairy na may hawak na golden flute. Sa Wind Kingdom ay white pegasus. At sa Aqua Kingdom ay dalawang sirena na napapalibutan ng shells at pearls. So ang limang mythical creatures na ito ay galing daw sa limang gods na nangangalaga noon ng mundo. Kaya makikita lamang ang mga ito sa limang kaharian." saad ni Sofie.
"Iyan lang?" tanong ni Aira.
"Yup." sagot ni Sofie.
"And daya mo. Sa akin halos maubosan ako ng hiniga sa kakaexplain patungkol sa mga mythical creature na iyon tapos ang konti lang ng iyo." saad ni Aira na nakapout.
"Sino ba nagsabi sa iyo na iyon ang basahin?" tanong nito na nakasmirk.
"Ako na." saad ni Marie at nagexplain about sa mga lupain sa mundong ito.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyAnong gagawin mo kung ang buong akala mo ay simpleng tao ka lang na nabubuhay sa mundo pero hindi pala? Meet Claire Santos, a teenage girl who grew up alone and without any friends. Nanggaling siya sa bahay ampunan at umalis siya doon noong sampung...