Chapter 11

379 13 0
                                    

Maaga akong nagising para maghanda sa pagsasanay. Alas-kwatro pa lang ng umaga kaya dahan-dahan akong kumuha ng damit at nagligo para hindi magising si Dahlia. Nakasuot ako ng red hoodie tsaka reap jeans at white rubber shoes. Bago ako lumabas ay nag-iwan muna ako ng sulat sa mesa ni Dahlia dahil baka mamaya ay mag-aalala ito kapag hindi ako nakita pagkagising niya.

Eksaktong wala pang alas-singko pagkarating ko sa hall at sina Raven, Ava, at Mike ay nandito na.

"Good morning Claire!" bati nila sa akin.

"Good morning rin! Wala pa si Prince Jasper?" tanong ko.

"Wala pa kaya upo ka muna rito at kumain." saad ni Raven kaya lumapit ako sa kanila.

Binigyan nila ako ng isang plato na may laman na chocolate pancake na may whip cream tsaka isang tasa ng kape.

"Thank you." saad ko.

Tumango lang sila at kumain na rin ako at sila ay may ginagawa habang kumakain.

"Ano iyang ginagawa niyo?" tanong ko.

"Utos ni Prince Jasper at bawal ipaalam sa iyo." saad ni Raven kaya hindi na ako nagtanong pa.

"Sabi niya before five eh alas-singko na wala pa rin siya." saad ko.

"Minsan talaga siya yung late." saad ni Mike.

"Tsaka nagmamadali ka bang pahirapan niya." saad ni Ava.

"Hindi naman." saad ko.

Ilang minuto ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto ng malakas at pumasok si Prince Jasper na gulo ang buhok.

"Mukhang napa-aga ata ka ng gising Prince Jasper." saad ni Raven.

"Oh shut up Raven. Claire follow me to the field." saad nito at lumabas habang inaayos ang buhok.

Nagpaalam na ako sa kanila at mabilis na sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa field ay nagulat ako dahil sa dami ng mga obstacles na nakalagay dito.

"Run 500 laps around the field." saad nito na nagpanganga sa akin.

"What?!" tanong ko pero tinapunan lang niya ako ng maliit na fire ball kaya wala na akong magawa kundi ang magsimulang tumakbo.

-----

Matapos kong tumakbo ng 500 laps ay pinasubok rin niya sa akin ang mga obstacles kaya maliban sa pagtakbo ay tumatalon ako para maiwasan na masakatan ako ng obstacles at minsan ay napapahiga pa ako. Mukhang madali lang naman ang mga obstacles dahil kailangan mo lang namang umiwas sa mga kamay na hahampas sa iyo pero masyadong mabilis ang galaw nito. Kapag natatamaan ako ay bumabalik ako sa umpisa at ilang ulit rin itong nangyari sa akin at sumasakit na rin ang katawan ko.

"Take a break." saad nito at umalis kaya napahiga ako sa ground.

Malapit na ring mag-lunch kaya tumayo ako at bumalik ng dorm pero medyo mabagal ang paglakad ko dahil sumasakit ang paa ko. Pagkarating ko sa dorm ay wala si Dahlia kaya naisip ko na maligo muna pagkatapos kong magpahinga ng ilang minuto.

Matapos kong maligo ay nagsuot ako ng white blouse, black joggers, at white rubber shoes at lumabas ng dorm. Pumunta ako sa cafeteria at para bumili ng pagkain.

"Hey Claire!" tawag sa akin ni Jess pagkatapos kong bumili.

Kumakaway ito na para bang gusto niyang lumapit ako sa kanila. Magkasama silang lahat kaya lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Sofie.

"Kamusta ang pagsasanay mo?" tanong ni Aira.

"Hell." saad ko na ikinatawa nila.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Binabawi ko na Claire, ayoko ng mapunta sa group mo." saad ni Sofie.

"Nakita ka namin kanina habang nagsasanay." saad ni Clarisse.

"Grabe yung pahirap sa iyo ah." saad ni Wade na natatawa.

"Sige tawa pa. Kayo kaya ang tumakbo ng 500 laps at ang mas malala pa eh ang lawak ng field." saad ko na nakasimangot.

"Ayoko ko na." saad ko na mas lalo nilang ikinatawa.

"Kaya mo yan Claire. May tiwala kami sa iyo." saad ni Marie.

"Huwag niyo akong pagkaisahan sa araw ng event ah." saad ko.

"Ano ka ba naman Claire, kaibigan ka namin no." saad ni Aira.

Kumain na kami at pagkatapos ay nagsipuntahan na sila sa hall nila kaya bumalik ako sa field para magpatuloy sa pagsasanay.

"I want you to train with weapon this afternoon and tomorrow morning you will train with your magic. At the afternoon, I will give you something to study." saad ni Prince Jasper at wala na ang mga obstacles sa field.

"Except for daggers you have, you should also bring a bow and arrow with you." saad nito.

Kinuha niya ang isang mahabang box na mula sa ground at binuksan ito kaya lumapit ako ng konti sa kanya. May inilabas siyang pana at binigay ito sa akin.

"Do you know how to use it?" tanong nito.

"Uhm hindi." sagot ko.

"Come here I'll teach you." saad nito kaya lumapit ako sa kanya.

"Hold it like this, then dapat siguraduhin mo na pantay yung balikat tsaka kamay mo." saad nito at agad ko naman sinunod.

Hinahawakan niya yung kamay ko na may hawak sa pana pati na rin sa palaso. Binitawan ko ito at tumama ito sa gitna ng target board.

"Good." saad nito at binitawan ako kaya ako na mag-isa ang nagsimulang nagsanay.

Minsan hindi tumatama sa target ang palaso pero sabi niya ay gagaling rin ako kaya pinagpatuloy ko lang ang pagsanay. Minsan ay gumagawa siya ng maliliit na fire balls na titirahin ko. Sunod na weapon na sinanay ko ay ang dagger ko at siya ang kalaban ko.

"Remember to always aim on the fatal part of the body of your enemy." saad nito.

"And never lose your focus during the fight dahil sinasabi ko sa iyo mag-isa ka lang." dagdag pa nito.

"Okay sir." saad ko at tinanguan siya.

"Same time tomorrow. You still have to run for 500 laps around the field." saad nito bago ginulo ang buhok ko at umalis kaya napasimangot ako.

"Ahh shit nakakapagod." saad ko sa sarili ko bago umupo sa ground.

Pagkatapos kong umupo ng ilang minuto ay bumalik na ako ng dorm at naabutan ko doon si Dahlia na nakaupo sa sala.

"How's your training?" tanong nito.

"Ayos lang naman." sagot ko.

"Sofie told me na tumakbo ka raw ng 500 laps." saad nito na ikinatango ko.

"Well for that you have to eat dinner na para makapagpahinga ka ng maaga." saad nito kaya pumunta kami ng cafeteria.

Pagkatapos naming maghapunan ay bumalik na kami ng dorm para magpahinga.

'Sana madali lang ang training bukas'

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now