Hindi ako mapakali sa nabasa ko kanina kaya hindi ako makatulog ngayong gabi. Mahimbing namang natutulog si Dahlia kaya tiningan ko kung ano ang oras at nakita ko na alan onse na pala ng gabi kaya dahan-dahan akong bumangon. Nagsuot ako ng black hoodie at black pants para hindi ako makita sa labas. Tahimik akong lumabas ng kwarto at doon ko isinuot ang sapatos ko para hindi marinig ni Dahlia.
Maingat at tahimik akong naglalakad pababa ng dorm. May nakita akong mga kawal na nakabantay at ang iba ay naglalakad pa at mukhang mahihirapan akong makapunta sa gubat. Nakita ko na umalis sa pwesto nila ang tatlong kawal na nakatayo sa harap ng dormitories kaya mabilis akong tumakbo papuntang field. Pumasok ako sa gubat at ang tanging ilaw ko lang ay ang liwanag ng buwan. Ng makarating ako sa dulo ng gubat ay may nakita akong ilog kaya lumapit ako rito. Habang nakatingin ako sa buwan ay nakaramdam ako ng presensya sa likod ko mabilis kong nilabas ang dagger at tingnan kung sino ito.
"Who are you?" tanong ko.
Isang lalaki ang nakatayo hindi malayo sa akin. Nakasuot ito ng itim na balabal at hindi ko makita ang mukha niya pero masasabi ko na lalaki siya dahil sa tindig niya.
"I thought you won't come." saad nito at lumapit sa akin.
"So this is the girl who almost killed my owl." saad pa nito na ikinataas ng kilay ko.
"That owl of yours bit me." saad ko ng ikinangisi niya.
"You can just simply pet it." saad nito at lumapit sa ilog.
"Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang kailangan mo at bakit pinapunta mo ako rito ngayong gabi?" tanong ko rito.
"Simply because I just want to know kung sino ang makakalaban ko bukas. And also to know kung sino ang babaeng pinapahalagahan niya." saad nito.
"Kung sino man iyang tinutukoy mo wala akong pakialam." saad ko na ikinatawa niya.
"You know what, you're the only one who doesn't fear me except my girlfriend." saad nito.
"I just wanna say goodluck to you for tomorrow's competition. I hope I won't be disappointed." saad nito at umikot ng mabilis at naging itim na usok.
"I will do my best to prove to him that I am stronger than him in this world." huling sabi niya na narinig ko.
"I just wasted my time for something that is not important." saad ko at galit na pumasok sa gubat.
Nasa gitna ako ng gubat ng bigla akong nakarinig ng salita.
"You should always take good care of yourself and avoid dangers"
"You know you can't trust everyone in this world"
"Not all people you know are trustworthy"
"Be mindful of those you trust"
"Welcome back"
"Princess"
Napalinga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang ibang tao. Tanging nakikita ko lang ay ang liwanag ng buwan kaya medyo kinilabutan ako. Mabilis akong tumakbo pabalik ng dormitory at umiwas na rin sa mga nakabantay. Nagulat ako ng makita kong gising si Dahlia at mukhang hinihintay ako.
"Saan ka galing?" tanong nito.
"Uhm sa labas nagpapahangin lang." sagot ko na ikinataas niya ng kilay.
"Malamig kaya sa labas. Matulog ka na ulit dahil kailangan mo ng pahinga para bukas." saad nito kaya napatango na lang ako at nagbihis at bumalik sa pagtulog.
-----
Nandito kami ngayon sa field at nakasuot ako ng red armour at nasa tabi ko si Prince Jasper na nakared armour din.
"I saw you sneaking out last night." saad nito.
"Nagpahangin lang naman ako." sagot ko.
"Inside the forest?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.
"You should not do that next time. You don't know him." saad nito at bumalik ang tingin sa harap.
Lumapit sa amin si Dahlia na nakasuot ng green dress at army green na boots. Niyakap niya ako at ilang beses na sinabihang mag-ingat na tinatanguan ko lang at nginitian ito.
"Always remember na alam namin ang ginagawa ninyo." saad nito at umalis na rin para pumunta sa pwesto niya.
"Good morning everyone, I am Harriston Lancaster your head of the council. Today we will be celebrating an event here in the Sunrise Academy together with the Black Academy."
Pagkasabi niya nun ay pumasok ang halos isang daan na kawal at mukhang handang makipaglaban kaya naging alerto naman ang mga kawal na nakabantay. Nakasunod sa kanila ang isang matangkad na lalaki na may suot na itim na korona at sa likod nito ay isang babae at lalake na nakasuot ng black armour at black cloak.
"Welcome, Your Majesty." saad ng head ng council at yumuko rito at napayuko rin ang iba.
Pumagitna ang dalawa na nakasunod sa hari habang pumunta naman sa gilid ang hari at mga kawal nito.
"I am requesting for the competitors of the Sunrise Academy to please come forward." saad nito kaya pumagitna na rin kami at pumantay ang tayo sa dalawa pero malayo naman ang distansya namin sa kanila.
"Now that the four competitors are all here I will officially start the event. This is not just a simple competition but this is where we will witness the strength, bravery and power of the most strongest students of the academy." saad nito.
May lumapit sa kanya na isang lalaki at nakahawak ng scroll na may lamang sulat. Binuksan niya ito at binasa.
"The competition will include hunting and solving problems. They only have one target, that is to get the important treasure of the world. It is the yin and yang necklace owned by the two great goddesses. They are only allowed to take one necklace. All of this will take place outside the academy. All audience can watch through the projective screens." saad nito.
"I know that all of them are all ready but I want to know their messages to one another." saad pa nito at lumapit sa amin kaya kinuha ni Prince Jasper ang mic at nagsalita.
"Goodluck, I hope you lose." saad nito at binigay sa akin ang mic.
"Ahm goodluck." saad ko at binalik ang mic.
Binigay naman niya ang mic sa dalawa.
"Well, goodluck to all of us." saad ng babae at binigay sa lalaki ang mic.
"Sorry, but we will win and goodluck to my love." saad nito at napangiti na lang ang babae.
"And Jasper, keep an eye to your girl." saad pa nito na ikinasama naman ng tingin ng katabi ko.
"Thank you your Highnesses and Ladies. Please all of you stand in the platform where you see your names." saad nito kaya ginawa naman namin.
"The competition starts now!" saad nito at may mga pasabog at biglang humilo ang paningin ko hanggang sa natumba ako.
Dahan-dahan akong tumayo at nakita ko na nasa loob pala ako ng isang gubat.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyAnong gagawin mo kung ang buong akala mo ay simpleng tao ka lang na nabubuhay sa mundo pero hindi pala? Meet Claire Santos, a teenage girl who grew up alone and without any friends. Nanggaling siya sa bahay ampunan at umalis siya doon noong sampung...