"Did someone died and they forgot to bury?" tanong ng kasama ko habang nakatakip ang kamay nito sa ilong niya.
"Are you asking me?" tanong ko rito at masamang nakatingin sa kanya.
Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko na nakatabon sa ilong pero agad ko rin itong binalik dahil napakabaho ng paligid. Hindi naman naaamoy ng mga kasama namin dahil may takip ang mga ilong nila pero kita sa mukha nila na nalulubgkot sila.
"Sa tingin ko may namatay nga." saad ko.
Napatingin ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga sirang bahay pero may nakatira pa rin dito. May mga bata rin na naglalaro pero may iba rin na mukhang nanghihina. May nakahiga pa nga sa lupa at mukhang hindi an kayang tumayo. Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng malaking bahay kaya binaba ko na ang kamay ko. Akala ko ay wala na ang masamang amoy pero nandyan pa rin. Magtatakip na sana ako bg ilong ng biglang may nakataling itim na tela sa mukha ko na nagsisilbing panakip sa ilong.
"Masama naman kapag ikamatay mo ang baho dito." saad ng kasama ko kaya napairap ako ng mata.
"Whatever." saad ko at sumunod sa mga hunters na pumasok ng bahay.
Umupo ang lider nila sa isang malaking upuan habang inilatag naman ng iba ang sugatan nilang kasamahan.
"Ngayong nandito na kayo ay maaari niyong simulan ang paggamot sa mga kasama ko. Dalhin sila sa silid pagamutan." saad nito at hinila kami ng mga kasamahan niya papasok sa isang silid at mas lalong lumakas ang amoy kahit na may takip na ang ilong ko.
"What the hell is this place?!" mura ng kasama ko kaya napatingin sa kanya ang mga nasa loob.
"Pwede bang huwag kang magmura." saad ko na ikinatingin niya ng masama sa akin.
"We are only here to heal those wounded hunters. Why do we have to be put here in there excuse of a clinic or hospital room full of sick people." galit na saad nito.
"Kaya nga tinatawag na clinic or hospital room eh" saad ko at inirapan ito.
Napatingin ako sa mga pasyente at mukhang nahihirapan sila sa lagay nila. May mga umiiyak at ang iba naman ay mukhang nawalan na ng pag-asa.
Pinahiga nila ang mga sugatan sa bakanteng kama kaya agad akong lumapit dito para matapos na ito kaagad at makalabas na kami.
"Since kapangyarihan mo naman ang nakasugat sa kanila, bakit hindi ikaw ang gumamot." saad ko rito at napataas lamang siya ng kilay.
"Ikaw kaya nagsuggest na gamutin sila so bakit ako ng inuutusan mo ngayon." saad nito kaya hindi ko napigiling batukan ito.
"Kasalanan mo rin naman kung bakit sila nasaktan. Wala ka bang konsensya o ayaw mong umalis sa lugar na ito ng ligtas?" galit na tanong ko sa kanya pero ang gago inirapan lamang ako.
"Kung nakipaglaban lang sana tayo edi sana tapos na." saad nito.
"Pero hindi mo naman masisigurado na talagang ligtas tayo." saad ko.
"Wala ka bang tiwala sa akin? Me? The Dark Prince? One of the powerful person in the world?" tanong nito habang nakataas ang kilay na para bang hindi siya naniniwala.
"At sa tingin mo pagkakatiwalaan kita? Hell! Hindi ko nga mapagkatiwalaan ang sarili ko ikaw pa." saad ko at inirapan ito.
"Kung sakali man na magkamali tayo rito sana lang ay maliligtas tayo ni Prince Jasper." saad ko at gago mukhang hindi naniwala.
"At ng kasintahan mo." dagdag ko na ikinangiti niya at tinalikuran ko na lang siya at nagsimulang tingnan ang sugat nila.
Mukhang hindi naman masyado malala ang sugat nila pero dark magic ang natama sa kanila kaya paniguradong iba ang epekto nito sa katawan nila. Kinuha ko ang maliit na pouch na dala ko dahil baka may healing potion doon. Binigay lamang ito ni Dahlia sa akin kanina kaya hindi ko alam kung ano ang laman nito.
"You have the most famous inventions of Terra Kingdom." saad ng prinsipe kaya napatingin ako sa kanya.
"That is what we call 'pouch of emergency' lahat ng kailangan mo ay makukuha pero sa panahon lang na kailangan mo talaga. Kung mag inilagay na gamit jan then yun lang ang makukuha mo kung hindi ka nasa delikadong sitwasyon." paliwanag nito.
Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya pero hindi ko na lang ito pinansin at tiningnan kung may healing potion akong dala. Pagkapasok ko ng kamay ko ay may naramdaman akong enerhiya kaya mabilis kong inilabas ang kamay ko. Una kong nakuha ay isang malaking gold stone kaya kumuha ako ulit at ngayon naman ay isang pares ng damit kaya napatingin ako sa kasama ko na mukhang nagpipigil ng tawa.
"Sige tumawa ka lang jan dahil mamaya ay puputulan kita ng hininga." saad ko pero hindi pa rin ito tumigil at mas lalong tumawa kaya hindi ko na siya pinansin.
Kumuha ako ulit at ang nakuha ko ay isang malaking tinapay kaya agad ko itong binalik. Naiinis na ako dahil ilang beses na akong kumuha ulit pero wala pa rin akong makuhang healing potion. Inis kong tiningnan ang tumatawang prinsipe sa tabi ko. Kanina pa siya tawa ng tawa dahil sa nakukuha. Sino ba naman kasi ang hindi matawa dahil imbes na potion ang gusto mo ang lumalabas ay kung ano-ano na hindi naman kailanagn tulad ng sapatos, pantali ng buhok, candies, at kung ano-ano pa.
"Can you please stop laughing and help me here." inis na saad ko at mabuti na lang dahil tumigil na rin siya.
"Here, I have a healing potion." saad nito sabay bigay sa akin ng isang bottle.
"Sana kanina mo pa sinabi." saad ko at kinuha ito.
It has a bluish with a tint of purple liquid inside.
"Paano ba to gamitin? External of internal?" tanong ko.
"That has to be drank by a wounded person. Don't worry it is not a poison." saad nito ng makita na mukhang hindi ako naniniwala.
"But that is just a normal potion so mga sugat lang ang magagamot niya. Huwag kang mag-expect na magagamot niya ang kahit na ano." saad nito kaya mabilis kong pina-inom sa mga sugatan ang potion at hinintay ang epekto nito.
Ilang sandali ay dumating na ang pinuno nila at tiningnan ang lagay ng mga kasamahan niya. Nakita ko na may pag-alala niyang tiningan ang mga ito kaya napalunok ako habang ang katabi ko ay nakataas ang kilay.
Napabuntong-hininga ito at walang ekspresyon na tumingin sa akin.
"Salamat dahil sila ay inyong nagamot kaya maaari na kayong umalis at ipangako niyo na hindi na kayo babalik dito." saad nito.
"Ipinapangako po namin iyon." saad ng katabi ko.
Hinila niya ako palabas pero napatigil ako ng muli kong matingnan ang nga nakahiga sa kama na may sakit. Naawa ako sa kalagayan nila dahil mukhang hirap na hirap na sila.
"Sandali lang po." saad ko kaya napatigil ang kasama ko.
"Ano na naman ang pumasok sa isip mo?" tanong nito.
"Pwede bang magtanong kung ano ang nangyari sa kanila at mukhang nahihirapan sila?" tanong ko sa pinuno nila.
"Hindi mo na kailangang malaman iyon sapagkat wala naman kayong kinalaman dito." saad nito.
Magtatanong pa sana ako ng hinila ako ng kasama ko palabas ng silid kaya wala na akong magawa kundi ang sumunod.
"Ligtas na nga tayo ipapahamak mo naman ang sarili mo." galit na saad nito.
"Isn't it obvious that this place is plague with some unknown illness." dagdag pa nito.
"I just want to know." saad ko.
"To know what?"
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyAnong gagawin mo kung ang buong akala mo ay simpleng tao ka lang na nabubuhay sa mundo pero hindi pala? Meet Claire Santos, a teenage girl who grew up alone and without any friends. Nanggaling siya sa bahay ampunan at umalis siya doon noong sampung...