Ilang araw dumaan sa newsfeed ko ang isang post tungkol sa "I found a beautiful bible verse" habang ang verse na nakalagay sa picture ay:
"When the time is right, I, the Lord, will make it happen." (Isaiah 16:22)
Kayâ napaisip ako kung ang pagdaan ba ng post na iyon sa newsfeed ko ay sinasadya ng Panginoon para ipaalala sa akin na Siya ang may kontrol o sadyang marami lang talaga ang nag-share ng post na iyon. Kalaunan, napaisip ako at tinanong ko ang Diyos.
"Lord, is it You speaking to me through this? If it is you, please let me understand Your message."
Makalipas ang ilang araw, dinalaw ako ng anxiety at ilang araw din akong naging balisa, lutáng at halos walang ginawa sa bahay kundi mag-ML at magsayang ng oras. Hindi ito ang sagot na inaasahan ko pero hindi ko na rin naman naalala sa mga panahong ito ang itinanong ko sa Diyos. Hindi na rin dumaraan sa newsfeed ko ang post tungkol sa Isaiah 16:22. Halos gabi-gabi ay nag-o-overthink ako dahil kasalukuyan akong unemployed at hindi rin enrolled. Nasa punto rin kami na halos walang makain. Noong isang araw, toyo na may mantika ulit ang ulam namin. Nasa senaryo na naman kami na hiráp na hiráp kami at wala akong ibang maisip gawin kundi ang magmukmok.
Hanggang isang araw, nag-chat sa akin ang dáting coordinator ng agency kung saan kami nag-apply noon. Sinabi niya na may job vacancy sa dating kumpanyang pinasukan ko dahil nag-resign na ang isa sa mga empleyadong hawak nila. Tinanong niya ako kung interesado pa raw ba ako pumások ulit kayâ kaagad kong sinagot na interesado pa ako at puwede akong magsimula kaagad kung kailan nila gusto. Sa kabutihan ng Diyos, matapos ang ilang minutong pag-uusap, tinanggap ulit ako. Muli, nabuhayan ako ng loob. Naisip ko ulit na puwede na kaming makakain ulit ng masasarap at makakapagsimula na ulit akong mag-ipon.
Dito ko ulit naalala ang bible verse na ilang beses dumalaw sa newsfeed ko. May plano ang Diyos bukod pa sa plano ko. Hindi ko ito alam pero, sa tamang panahon, makukuha ko ito.

BINABASA MO ANG
KRUS
Spiritual"Ganun din, kung hindi mo papasanin ang krus mo at di ka susunod sa akin, hindi ka deserving na maging disciple ko." (Mateo 10:38, New Testament Pinoy Version) July 2, 2023, nitong nakaraang Linggo lang, may kung anong tumulak sa akin para magsimba...