(Zyke's POV!)
Nang malaman ko kung ano 'yong nilalaman ng System Message, napatakip na lang ako ng bibig dahil sa labis na gulat.
--------------------
SYSTEM MESSAGE!
Because you possess the #1 Ultimate Microgame Chip, you will get valueable items. Please accept these gifts:
Equipment:
Common set!
Uncommon set!
Rare set!
Elite set!
Epic set!
Legend set!
Mythic set!
Artifact set!
Chaotic set!
Divine set!
Godly weapon!Skill book:
Skill Book of the Silent Killer Assassin!
Secret book of Lucifer! The Prince of Hell!
Secret Book of Krazon. The Seraphim of Heaven!Forbidden skill:
Light Devastation!
Punishment of the Holy Light!
Wrath of Almighty Angel!
Emferno Judgement!
Ultimate Darkness!
A thousand Spear of Hell!DNA Spirit:
Tithan, The Gardian of Time and Space!Gold:
1.5 Million!Refuse
Accept--------------------
Ayan ang mga nabasa ko sa System Message ko. Pagkatapos kong mabasa 'yong mga 'yon, syempre, masaya kong pinindot 'yong accept button at makalipas lang ang ilang sandali, tumunog ulit 'yong relo ko."TING!"
"SYSTEM MESSAGE!"Pagkakita ko sa mga salitang nakasulat sa screen ng relo ko, kaagad ko muling tinignan 'yong System Message Pannel ng CWG Watch ko. At nang makita ko na 'yong laman ng System message, napatango-tango na lang ako.
--------------------
SYSTEM MESSAGE!
WARNING!Do not use your Godly Weapon if your strength and your power are not enough. Avoid using it while you are currently weak. This might be the reason for your downfall and it might also be the reason for you to be chased by the other player in this world. This is just a reminder. It's still up to you whether you use it sooner or later.
--------------------
"Hmmm, tama naman 'yong mga sinabi ng System. Mabuti pa 'yong laro, may care sa'kin. Char! Kapag nasa level 120 na ako,doon ko na gagamitin 'yong Godly Weapon kong 'yon," bulong ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong banggitin 'yong mga salitang 'yon, kaagad ko ng isinara 'yong System Message Pannel at maya-maya pa, sunod ko namang binuksan 'yong Inventory Slots ko para tuluyan ko ng magamit 'yong Common set na nakuha ko mula sa Ultimate Microgame Chip na regalo pa sa akin ni Alicia.
--------------------
INVENTORY SLOTS!
EQUIPMENT!Common set!
Uncommon set!
Rare set!
Elite set!
Epic set!
Legend set!
Mythic set!
Artifact set!
Chaotic set!
Divine set!
Godly Weapon!--------------------
Nang makita ko na 'yong mga nakuha kong equipment, dali-dali kong pinindot 'yong Common set at pagkatapos kong ma-select 'yong mga susuutin kong armor, nagulat na lang ako ng biglang nagbago 'yong outfit ko. Kanina kasi, nakadamit lang ako ng pang-ordinaryo. Tapos ngayon, nakabihis na ako ng napakagarang kasuotan. Sa kasalukuyan, nakasuot na ako ng Color black goggles na may mga color blue na lines sa palibot noon. Tungkol naman sa lens ng goggles, transparent 'yon kung kaya, kitang-kita 'yong kulay royal blue kong mga mata. By the way, color royal blue nga pala 'yong napili kong kulay para sa mga mata ko at color gray naman 'yong kulay para sa buhok ko. Astig ba? Syempre! Si Zyke 'to, eh! Ang sunod ko namang ilalarawan ay ang color silver necklace ko. Kung titignan ninyo ng maigi, sa unang tingin ay normal lang 'to. Pero kapag nasuri na ninyo 'to ng malapitan, makikita ninyo na napakaganda ng kwintas ko dahil sa mga kakaibang disenyo ng item na 'to. Next! Ang suot-suot ko namang armor ay kulay black at yari ito sa isang napakatibay na bato na saa mundo lang ng Zenfrah matatagpuan. Ang batong 'yon ay tinatawag na, Dark Stone Lahv. Ang sunod ko namang idi-describe ay ang suot-suot kong pantalon. Kulay black din 'to na may kulay puting kadena na nakalagay sa may bandang kaliwa ng pantalon kong 'to. Nang dahil sa kulay ng mga suot ko, mas lalo pang bumagay sa akin 'yong sapatos ko na kulay black na nahahaluan naman ng kulay puti.

BINABASA MO ANG
Chaos World Online
Science FictionNang sumapit ang taong 2031, doon naman nabuo ang larong Chaos World Online na ginawa ng kompanyang, E-company INC. Ang Chaos World Online ay isang VR MMORPG o Virtual Reality Massive Multiplayer Online Role-Playing Game na kung saan ay ginagamitan...