(Francine's POV!)
"Good morning dad, good morning mom and good morning my little brother!" Masaya kong bati sa tatlong tao na masayang kumakain sa mahabang lamesa na yari sa salamin.
"Oh, nandyaan ka na pala! Umupo ka na dyan and join us here," sabi ni dad habang tinuturo 'yong isang upuan na malapit lang sa puwesto ko.
"Opo," tugon ko sabay upo.
Nang makaupo na ako, takam ko munang pinagmasdan 'yong laman ng plato ko bago ko nilantakan 'yong laman noon.
"Na-miss ko 'to! Fried egg, hotdog at mainit na fried rice. Minsan lang ako makakain ng ganito sa America kaya lulubus-lubusin ko na 'to hanggang meron pa," sabi ko habang sunod-sunod na sumusubo.
"Maghinay-hinay ka, Francine. Hindi ka naman mauubusan ng pagkain. Marami pa dyaan, oh!" Paalala sa akin ni mom.
"Kaya nga, ate!" Cute na wika ng kapatid kong si Francis.
Dahil sa pagsingit ng kapatid ko, mabilis akong uminom ng fresh milk para malunok ko kaagad 'yong mga pagkain na nasa bibig ko ngayon.
"Ayos, ah! You can now speak tagalog," manghang saad ko ng wala ng laman 'yong bibig ko.
"I tought him. Sabi ko kasi sa kanya, we are here in the Philippines so he need to learn how to speak tagalog," sabi ni mom habang pinupunasan ng puting towel 'yong bibig niya. "Anyways, balita ko anak na nagpunta ka sa bahay nila Zyke. Kumusta na sila ng mama niya?" Tanong sa akin ni mom.
Nang dahil sa tanong ni mom, tumigil muna ako sa pagkain at pagkatapos noon ay magalang kong sinagot 'yong tanong niya sa akin.
"Okay naman po sila. Doon pa rin sila nakatira. Single pa rin si Tita Jonnah. Mukhang hindi pa rin siya nakahahanap ng bagong asawa pagkatapos mawala ni Tito Dennis," sabi ko.
"Ahm, ganoon ba? Naiintindihan ko naman si Jonnah kung bakit hindi niya kayang mapalitan si Dennis sa puso niya. Mahal na mahal niya kasi 'yong lalaking 'yon. Pero 'yong anak nila, si Zyke? Kumusta na siya? Panigurado, binatang-binata na 'yon," tanong ulit ni mom.
"Siguro nga po. Baka hindi pa rin siya tuluyang nakaka-move on sa pagkamatay ni tito. Tungkol naman po kay Zyke, malaki na po siya. Grade 10 na siya ngayon katulad ko. At isa pa, pareho kami ng school na pinapasukan. Magkaklase rin po kami doon. Ang gwapo pa rin niya, mom and dad. Hindi pa rin siya nagbabago. Ang kulit niya pa rin at napakasungit niya pa rin sa ibang tao," masaya kong pagpapaliwanag sa mga magulang ko.
Dahil sa pagpapaliwanag ko, hindi ko namalayan na namumula na pala 'yong dalawang pisngi ko.
"Bakit kaya namumula 'yong panganay ko?" Tanong ni dad sa akin habang humihigop ng kape.
"H-hindi p-po," sabi ko habang nakayuko.
Pagkatapos noon, nagsimula na ulit akong kumain at pagkalipas ng ilang minuto, nagpaalam na rin ako sa kanila na maliligo na ako.
"Sana magustuhan niya 'to," sabi ko habang pinagmamasdan 'yong isang kahon na nakapatong sa ibabaw ng kama ko. "Hintayin mo ako, Zyke ko!" dugtong ko pa habang kinukuha 'yong uniform ko na nasa gilid lang ng kama ko.
--------------------
(Alicia's POV!)
Kasalukuyan akong nagbibihis habang pinagmamasdan 'yong isang kahon na nasa ibabaw ng study table ko. Kulay blue 'yon at sa tabi naman noon ay mayroon pang isang maliit na kahon na kulay black.
"Magugustuhan niya kaya 'yan?" Tanong ko sa sarili ko. "Sana nga. Sana kahit ganyan lang 'yong regalo ko sa kanya, sana tanggapin niya pa rin," sabi ko pa sabay tago ng mga 'yon sa bag ko ng tapos na akong makapagbihis ng uniform.

BINABASA MO ANG
Chaos World Online
Ciencia FicciónNang sumapit ang taong 2031, doon naman nabuo ang larong Chaos World Online na ginawa ng kompanyang, E-company INC. Ang Chaos World Online ay isang VR MMORPG o Virtual Reality Massive Multiplayer Online Role-Playing Game na kung saan ay ginagamitan...