Chapter 3: Sign UP!

3 2 0
                                    

(Zyke's POV!)

"Kung tatay mo nga talaga 'yong may-ari ng E-company, edi marami kang Ultimate Microgame Chip?" Tanong ni Francine ky Alicia.

Dahil sa tanong ni Francine, bigla namang napangiti 'yong best friend ko ng sobrang lapad na halos umabot na sa langit 'yong ngiti niya. Sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung bakit siya nakangiti ng ganyan.

"Nababaliw na yata 'to sa'kin, eh? Char!" Sa isip ko.

"Hmmm, hindi naman. Dalawang Ultimate Microgame Chip lang 'yong binigay sa akin ni dad. 'Yong isa, gamit-gamit ko na samantalang pagmamay-ari naman na ni Zyke 'yong isa ko pang Ultimate Microgame Chip," sagot ni Alicia sa kababata kong si Francine.

Nang dahil sa sagot ni Alicia, napatango-tango na lang si Francine at pagkatapos noon ay agad niya na akong tinuruan kung paano ba ginagamit 'yong regalo niyang Chaos World Game Watch.

"Zyke, makinig ka ng maigi, ah?" Panimula niya. "Ang Chaos World Game Watch ay binubuo ng limang pindutan. 'Yong unang pindutan ay makikita mo sa pinakagitna ng relong 'yan. Ang function noon ay para mabuksan o mapatay 'yong device. In short, ang button na 'yan ay ang on and off ng CWG Watch. Kapag umilaw na 'yan ng kulay green, ang ibig sabihin noon, naka-on na 'yan at pwede mo ng sabihin 'yong magic word na, start. Pagkatapos mong mabanggit 'yong magic word, hihigupin na 'yong kamalayan mo papunta sa mundo ng ZZenfrah. After naman ng unang pindutan, 'yong pangalawang pindutan naman ay nasa may upper right side ng relo mo. Ang function naman noon ay para mabuksan 'yong Inventory Slots mo. Doon mo makikita 'yong Character Status, Bag, Golds, Diamonds, Materials, Skills, Equipment and etc. Ang sunod namang pindutan ay ang pindutan para tuluyan mong makita 'yong mga World Message, Personal Message, System Message, Duel Invitation,  Clan Invitation at Friend Request. Para ma-access mo 'yong mga 'yon, kailangan mong pindutin 'yong pindutan na nasa lower right side ng CWG Watch mo. Next, the forth one. Sa upper left side ng relo mo, doon mo naman makikita 'yong pindutan para tuluyan mong mapalabas 'yong mapa ng Chaos World Online. 'Yon lang 'yong gamit ng pindutan na 'yon. At syempre, 'yong panghuling pindutan. Ang pindutan para mabuksan 'yong setting ng CWO. Matatagpuan mo 'yong pindutan noon sa may lower left side ng relo mo," mahabang pagpapaliwanag ni Francine sa akin.

"Ah, sige! Tatandaan ko lahat ng 'yan. Ako na rin 'yong bahalang tumuklas sa iba pang features ng laro. Pero, paano ko naman 'to ilalagay sa Chaos World Game Watch ko?" Tanong ko sa dalawa kong kasama habang pinapakita 'yong Ultimate Microgame Chip na hawak-hawak ko.

"Ah, tungkol ba sa paglalagay niyan? Halika dito sa tabi ko. Tuturuan kita kung paano 'yan ilagay at kung paano rin 'yan aalisin sa CWG Watch mo," sabi ni Alicia habang nakalahad 'yong kaliwa niyang kamay sa katabi niyang bakanteng upuan.

Nang dahil sa sinabi ng kaibigan ko, dahan-dahan na akong tumabi kay Alicia at pagkatapos noon ay binigay ko na sa kanya 'yong relo pati na rin 'yong chip na ilalagay sa CWG Watch ko. Nang makuha niya na 'yong inaabot ko, kaagad niya ng pinakita sa akin 'yong likod ng Chaos World Game Watch at tinuro niya 'yong isang butas kung saan doon daw ilalagay 'yong Ultimate Microgame Chip na regalo niya sa akin.

"Mas maganda kung ikaw 'yong maglalagay nito, Zyke?" Suggestion niya sabay balik ng mga gamit na pinahawak ko sa kanya kanina.

"Ahm, sige. Dito, hindi ba?" Pagkukumpirma ko kung doon ba talaga ipapasok 'yong Ultimate Microgame Chip.

Pagkatapos kong banggitin 'yong mga salitang 'yon, binigyan lang ako ni Alicia ng thumbs up. Palatandaan na tama lang 'yong gagawin ko. Maya-maya pa, maingat ko ng ipinasok 'yong chip sa lagayan noon at makalipas lang ang ilang sandali, nagulat ako ng biglang umilaw 'yong relo nang tuluyan ko ng mailagay 'yong chip sa loob.

"Ano 'yon?" Gulat kong tanong kay Alicia.

"Wala lang 'yon. Kaya umilaw 'yong relo mo,  kasi, naglagay ka ng chip. 'Wag kang mag-alala, Zyke. Hindi naman nasira 'yong CWG Watch mo. Sign lang kasi 'yon na gumagana 'yong Ultimate Microgame Chip na ibinigay ko sa'yo. Hayaan mo, naging ganyan naman din ako noong baguhan pa lang ako," natatawang tugon ni Alicia habang kinukurot ng malakas 'yong kanang pisngi ko.

Chaos World OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon