Chapter 5: Unexpected Boss!

1 1 0
                                    

(Someone's POV!)

"Ilang oras na akong naglalakad dito sa Forest of Death pero wala pa rin akong nakikitang mga mubs o kahit isang boss," reklamo ko sa sarili ko habang maingat na pinapakiramdaman 'yong paligid kung may nagtatago bang mga kalaban.

After a few minutes of walking, finally, nakakita na rin ako ng isang Uncommon Beast. Isa 'yong Demon Wolf na nasa level 20 na.

"Okay na siguro 'to kaysa sa wala akong mapala sa gubat na 'to," bulong ko sa sarili ko habang hinahawakan na 'yong hawakan ng kulay blue kong espada.

"Sword Slash!" Cast ko sabay wasiwas ng tatlong beses sa direksyon ng Demon Wolf.

Nang dahil sa atake ko, nabawasan ng 5% 'yong HP ng hayop na 'yon kung kaya, 95% na lang 'yong buhay niya ngayon.

"ROAR!"

Dahil sa ginawa ko, malakas na umatungal 'yong lobong 'yon kasi baka sobra siyang nakiliti sa skill na pinakawalan ko. Pagkatapos niyang umatungal ng pagkalakas-lakas, ngayon, nanlilisik na siyang nakatingin sa akin na para bang gusto niya akong gawing pulutan.

"Uy! Grabe ka namang makatingin. Parang may pagnanasa ka sa katawan ko, ah? 'Wag ganon! I am still a vergin at isang lalaki lang 'yong gusto kong makakuha ng purity ko as a woman, noh!" Sabi ko sa lobong naglalaway. "Luh! Siya, oh? Ayaw mo talagang tumigil sa pagtitig sa'kin ng ganyan, ah? Oh, ito kainin mo!" Sigaw ko sabay pakawala ng isang one hit skill.

"Silent Sword Slice!"

Isang matalim na enerhiya ang kumawala sa espada ko at mabilis naman 'yong tumungo sa manyakis na demonyong lobo. At nang tumama na sa katawan ng Uncommon Beast Demon Wolf 'yong atake ko, nagkandapira-piraso 'yong katawan niya at pagkatapos noon ay kasalukuyan na akong nakatingin sa mapa ng relo ko para makapaghanap na ng bagong mapupuntahan.

"As of now, may dalawang player ang paparating sa Forest of Death. Siguro, magbo-boss hunt din sila? At isa pa, 'yong dalawa ay kabilang sa lahi ng mga White Fairy at lahi ng mga tao," wika ko habang seryoso kong tinitignan 'yong screen ng relo ko. "Kung sumama kaya ako sa kanila? Baka kapag sumama ako sa kanilang dalawa, baka mapatay namin 'yong boss ng gubat na 'to." sabi ko pa sa isip ko.

--------------------

(Andromeda's POV!)

--------------------

Hi mga tropapips! Ako nga pala si Andromeda. Roll Name ko dito sa CWO. But, if you want to know my real name in real world, ang pangalan ko po ay Kathyrin Tolintino. Isa akong Math teacher sa isang public school. Secondary level 'yong mga tinuturuan ko. Grade 10 to be exact. 29 years old na rin ako ngayon. Single and ready to mingle. Chowz! At alam niyo ba, kamukha ng kasama kong binata 'yong isa kong estudyante sa Divine National High School which is 'yong school na pinagtatrabahuan ko. SKL! 'Yon lang! Short introduction lang naman 'to para sa inyo, eh!

--------------------

"Nandirito na tayo, Zax. Talasan mo 'yong pakiramdam mo kasi magaling magtago ng presensya 'yong mga hayop dito sa forest of Death," paalala ko sa kasama kong ggwapo.

"Hmmm, okay!" Simple niyang sagot.

"Hmmm, sungit naman nito! Pasalamat ka, gwapo ka!" Pagtataray ko sa isip ko.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng gubat, bigla na lang bumigat 'yong grabidad kung kaya, hindi namin magamit 'yong 100% naming pandama.

"Kaya pala tinawag na Forest of Death 'tong gubat na 'to kasi pagkapasok na pagkapasok mo pa lang, bigla-bigla na lang bumibigat 'yong gravity na parang gusto kang ibaon sa lupa ng buhay," sabi ni Zax habang alerto na tumitingin-tingin sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chaos World OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon