KABANATA 1

3.1K 63 1
                                    

BIRHEN PA SI RAVEN (PART 1)

⚠️MATURE CONTENT⚠️

"Para po!" huminto ang jeep sa harap ng isang kulay pulang gate. Iniluwa nito ang isang Ale at ang isang binata na siya namang may dala sa mga bagahe na dala ng mag-ina.

"Ito na ba 'yun, ma?" tanong ni Raven sa nanay nitong abala sa pagcheck sa bag na dala nila.

"Oo, kaya kumatok ka na para lumabas na ang ninong Carlos mo at nang makapasok na tayo." Utos nito sa kaniyang anak na siya namang agad na sinunod nito.

"Tao po!" sabay kumatok ito nang tatlong beses.

Ilang minuto lamang ay binuksan ng isang lalaki ang gate at ngumiti ito kay Raven. "Oh, Raven!?" medyo gulat nitong bati sa binata. Ngumiti lamang si Raven sa lalaking hindi naman nito kilala.

"Oh, ba't parang nakakita ka ng ahas d'yan? Magmano ka sa Ninong Carlos mo!" Doon lamang napagtanto ni Raven na ang lalaking kaharap niya ay ang kaniyang Ninong Carlos. Medyo nahihiya itong nagmano at tinawanan lamang ito ng kaniyang ninong Carlos.

"Binata na pala 'tong si Raven, mare." Sagot ni Carlos sa babaeng kasama ng inaanak.

"Anong binata? Dalaga na ang inaanak mo." Sabay malakas itong tumawa at siya namang sinabayan ng kumpare. Napakunot noo na lamang si Raven dahil sa inasta ng kaniyang ina pero wala naman itong magawa kundi ang makitawa na lamang.

"Oh, siya pasok kayo!" paanyaya nito sa mag-ina at malugod namang pumasok ang mga ito.

"Bale ito ang magiging kuwarto mo, pinalinis ko na 'yan sa houseboy kong si Dexter kaya pwede ka nang matulog d'yan mamaya." Paliwanag ni Carlos sa binatang kausap nito.

Agad namang pumasok sa loob si Raven at tiningnan ang kwarto. Malinis nga ito, pero walang mga gamit maliban sa isang malaking cabinet, double size bed at isang maliit na lamesa na katabi ng kama. Walang sariling CR ang kwarto ngunit ayos na ito para sa kaniya. Humiga ito sa kama at naramdaman niya ang lambot nito, mabango rin ito at tila di pa nagagamit.

"iniwan ko muna si raven sa bago niyang kwarto, mukhang magugustuhan ng inaanak ko yun ah." Saad ni Carlos habang bumababa sa hagdan patungo sa sala kung saan nakaupo si Linda-ang nanay ni Raven.

"Salamat talaga pare huh, alam mo naman na simula noong namatay ang kumpare mo eh ako na lamang ang tumataguyod d'yan sa inaanak mo." Saad ni Linda na siya namang ikinalungkot ni Carlos. Limang taon na rin kasi simula noong mamatay ang matalik nitong kaibigan na si Roel-ang tatay ni Raven.

"Akong bahala sa inaanak mo, magiging maayos siya dito." Kampanteng tugon niya kay Linda.

"Oh, siya aakyat muna ako sa kwarto ni Raven para magpaalam." Suhestiyon ni Linda na sinangayunan naman ni Carlos.

12:00 na ng tanghali nang matapos magluto si Carlos para sa kanila ng kaniyang inaanak kaya nagpasya itong punatahan si Raven sa kwarto nito para ayaing kumain. Pagbukas niya sa pintuan ng kwarto nito ay nakita niya ang inaanak na natutulog at tila napagod sa mahabang biyahe.

Nang makalapit ito ay doon lamang niya napansin ang kabuuan ng inaanak. Maputi ito at sadyang makinis ang balat. Kulay pink ang palad nito at ang talampakan na sa tingin niya ay napakalambot kung hahawakan. Napadako ang tingin niya sa mukha nito na siyang tunay na napakaganda. Mula sa mapula nitong labi, matangos na ilong, singkit na mga mata at maging sa bagsak nitong buhok. Tunay na nabighani si Carlos sa tanawin na kaniyang nasisilayan. Ngunit agad rin namang nabalik siya sa kaniyang katinuan nang gumalaw si Raven. Napamulat ang binata at medyo nagulat dahil sa ninong nito.

"Pinuntahan kita dito para sana gisingin at yayain kang kumain, pero buti na lang at kusa kang gumising." Medyo natawa si Carlos sa sinabi niya.

"Parang sobrang pagod ka 'ata eh. Ano sasabay ka ba?" alok niya sa binata at matipid namang tumango si Raven.

BIRHEN PA SI RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon