KABANATA 3

2.2K 37 1
                                    

BIRHEN PA SI RAVEN (PART 3)

Ilang araw na ang nakalipas nang tumira si Raven sa kaniyang ninong Carlos, sa loob ng mga araw na iyon ay wala namang ibang pangyayari maliban sa ilang mga pag-uusap tungkol sa kurso na kinuha ni Raven. Sa totoo nga ay pinuri pa ni Carlos si Raven dahil sa kurso nitong Business Administration. Samantala, hindi na rin muling binuksan pa ni Raven ang nakaraang tagpo nila ng kaniyang ninong Carlos.

Araw ngayon ng lingo at ito ang araw ng paghahanda ni Raven para sa unang araw ng pasukan na mangyayari na kinabukasan.

Abala ang binata sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit at sinisigurado niyang walang anumang bagay ang nakalimutan niyang bilhin. Matapos ang pagiging abala sa gamit ay naisipan na muna ni Raven na lumabas at magpahangin sa garden.

Ang garden sa bahay ng kaniyang ninong Carlos ang natatanging parte ng bahay na nagbibigay aliw sa kaniya. Minsan nga ay napapaisip si Raven kung ang ninong carlos ba niya ay isang 'certified plantito' dahil sa sobrang lalago at gaganda ng mga halaman dito.

Umupo si Raven sa isang bench na matagal nang nakatanim sa ilalim ng puno kung saan madalas siyang tumatambay at kung saan siya laging nahuhuli ni Dexter na nakatitig sa matipunong katawan nito.

Tulad ng nakagawian ay muli na namang napangisi ang binatang nagdidilig ng halaman habang tinitingnan ang binatang halos tunawin na siya sa titig. Agad na pinatay ni Dexter ang gripo at nirolyo ang hose matapos diligan ang mga halaman.

Lumapit ito sa binatang nakaupo sa lumang bench. Malapad na ngiti ang iginawad niya kay Raven na siya namang agad na gumanti ng matipid na ngiti.

"Kumusta ka dito? Alam ko naninibago ka pa rin." Tanong ni Dexter nang makaupo ito.

"Okay lang naman." Ngumiti si Raven at muling binaling ang tingin sa malalagong halaman. Ayaw niya kasing tumingin kay Dexter dahil natatakot siyang kumprontahin siya ng binata sa palagian niyang pagtitig sa kanya.

"Siguro mahilig ka rin sa halaman 'no?" usisa ni Dexter.

Alanganin namang tumango si raven sa tanong ng binata, kahit siya kasi ay di alam kung mahilig ba siya sa halaman o tanging gusto niya lang ang matipunong tanawin na laging nakatayo roon.

"Ako, hindi naman talaga mahilig sa mga yan. Simula lang nang pumasok ako rito kay sir Carlos ay tanging mga halaman lamang ang kinakausap ko." medyo natatawang saad ni Dexter.

"Baka pati mga panghuhusga ko sa halaman ng katabing bahay ni sir Carlos ay alam rin nila." Dugtong niya pa na siya namang naging dahilan ng pagtawa ni Raven.

Sa tawang iyon ay tila huminto ang oras ni Dexter, di niya alam na ang mga ganoong linya niya ay nakakatawa pa rin pala. Siguro ay naninibago lang siya dahil apat na taon na siyang nakikipag-usap sa mga halaman ni Carlos. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may binatang nakitira kay Carlos, pero hindi niya nagawang kausapin ang mga ito dahil ang iba sa kanila ay linggo lamang tinatagal. Maliban na lamang kay Russel, kagaya ni Raven ay dito rin nakitira ang binatang iyon at tumagal siya dito ng halos isang taon. Laging nakakulong ang binatang iyon sa kwarto ng sir niya.

"Matagal ka na ba dito kay ninong?" basag ni Raven sa namumuong katahimikan sa pagitan nila ni Dexter.

"Oo, apat na taon na." medyo nagulat si Raven sa sagot ni Dexter dahil hindi niya alam na ganito na pala katagal dito ang binata.

"Matagal na rin pala eh 'no?" ani Raven.

"Oo, ganyang edad pa lamang sa iyo ay dito na ako." Paglilinaw ni Dexter.

"Teka, ilang taon ka na ba?" usisa ni Raven sa binata.

"Twenty-two na ako." Nakangiting tugon ni Dexter.

BIRHEN PA SI RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon