BIRHEN PA SI RAVEN (PART 5)
"Kumusta ang unang araw ng pasukan?" tanong ni Dexter sa kaniyang kasama habang minamaneho niya ang sasakyan pauwi.
Bumaling naman ang atensyon ni Raven kay Dexter. "Maayos naman, di gaano kabigat ang mga Gawain." Malumanay na sagot nito.
"Pero malay natin bukas, baka puno na ng mga gawain yung schedule ko." dugtong pa ni Raven.
"Ano ka ba, kaya mo yan." Ngumiti ito, "diba sabi ko naman sayo, ang pag-aaral ay para sa masisipag?"
Kumunot ang noo ni Raven kay Dexter dahil naguguluhan ito kung ano ang nais iparating nito sa kanya.
"Eh?" yun na lamang ang naging reaksyon ni Raven sa lalaking kausap niya. Oo, gets naman niya ang katwiran nito kanina pero hindi ibig-sabihin ay sobrang sipag niya para hindi dapuan ng katamaran.
"Kung may pangarap ka talaga, kahit gaano pa man ito kahirap ay kakayanin mo diba?" makahulugang litanya ni Dexter.
Ito na naman si Raven at tila na-bobo sa kung ano ba talaga ang nais ipahiwatig ng lalaking ito.
Minsan ay kasi aakalain mo na sobrang inosente ni Dexter para sa mga seryusong bagay kung kaya't puro lamang ito biro at tawa, pero ngayon ay tila may pinagmumulan ang mga katagang lumalabas sa kaniyang bibig.
"Huy!" suway ni Dexter kay Raven na ngayon malalim ang iniisip.
"B-bakit?" utal na sagot ni Raven, hindi kasi nito napakinggan ang mga sinasabi ni Dexter.
"Wala." Sumimangot si Dexter at nag-focus na lamang sa pamamaneho.
Agad namang naalarma si Raven sa inakto ng lalaki kung kaya't nag-panic ito. "H-huh? S-sorry, di kasi nakikinig. Ano nga ulit yun?" utal-utal na paglilinaw ni Raven.
Tinapunan naman siya ni Dexter ng tingin na may halong pagkadismaya. Nakaramdam naman ng hiya at guilt si Raven dahil sa naging asal niya sa binata.
"Siguro ay iniisip mo yung crush mo kaya malalim yang iniisip mo." Napantig ang tenga ni Raven sa naarinig.
"Wala akong crush ano!" mabilis na katwiran ni Raven.
"Weh?" tumaas ang kilay ni Dexter na wari mo'y di naniniwala sa rason ni Raven.
"Wala nga." Pinipigilan ni Raven na tumaas ang boses sa lalaking kaharap nito. Hindi dahil sa naiinis ito, kundi dahil baka madulas ang kaniyang dila at masabi nitong may gusto siya sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan.
"Mag-drive ka na nga lang baka mabunggo pa tayo." Suway ni Raven na nababakas ang pagkailang. Napangisi na lamang si Dexter pilit na tinikom ang bibig upang di makagawa ng ingay dagil sa pagtawa, gusto pa sana niyang kulitin at inisin si Raven dahil parang bata ito kung mabagot pero nag-aalala ito na baka napagod ang binata sa mga naging klase nito ngayong araw.
Makalipas lamang ilang sandali ay narating na nila ang bahay, bumaba si raven sa sasakyan upang pagbuksan ng gate si Dexter upang makapasok ang sasakyan.
Pagkarating nila sa loob ng bahay ay naroon ang Ninong Carlos niya at nagluluto ng panghalian. Sakto talaga ang dating niya dahil kanina pa kumakalam ang sikmura niya sa gutom.
Umakyat na muna si Raven para pumasok sa kwarto upang makapagbihis na ng pambahay. Saktong ipipihit na sana niya ang doorknob nang may isang tunog ang umagaw sa pansin niya.
May gamit na nahulog mula sa isang silid, nilingon niya ang direksyon ng tunog at napako ang tingin niya sa kwarto ng kaniyang Ninong Carlos. Akmang pupuntahan niya ang kinaruroonan ng tunog nang isang matipunong lalaki ang niluwa ng silid na iyon.
BINABASA MO ANG
BIRHEN PA SI RAVEN
RomancePAALALA! Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga eksena na maaring hindi angkop sa lahat ng mambabasa. Ipinapayo ang pag-iingat sa pagbabasa, lalong-lalo na sa mga kabataan at sa mga hindi komportableng sa tema ng sekswalidad. Ang pagpapatuloy sa pagb...