KABANATA 6

1.4K 32 0
                                    

BIRHEN PA SI RAVEN (PART 6)

Raven’s POV

“Dex…ter…” mahinang usal ko. “Yung alaga mo…” kahit medyo nahihiya ay pilit kong ipinarating sa kanya iyon.

“Huh? Saan?” nagtatakang tanong ni Dexter.

“Dito…” halos di na marinig ang boses ko dahil sa higpit ng yakap niya sa akin. “Tumitigas siya…” napapikit na lamang ako sa hiya nang maramdaman ko ang pagtigas ng kahabaan niya sa hita ko.

Napansin naman niya ang tinutukoy kong alaga kung kaya’t agad na naghiwalay ang aming katawan, ako ay napatayo samantalang napaupo naman sa kama si Dexter.

Sabay kaming napatingin sa malabundok na bukol sa pagitan ng mga hita niya kung kaya’t sabay ring umangat ang tingin namin sa isa’t isa.

Dali-daling hinablot ni Dexter ang unan at tinabon ito sa alagang niyang gustong kumawala sa telang bumabalot doon.

Napakagat labi na lamang ako sa di inaasahang pangyayari samantalang napakamot batok si Dexter sa kahihiyang naganap.

Sandaling binalot ng katahimikan ang silid tila ina-absorb pa namin ang pangyayaring ito.

“S-sorry… Raven!” pilit na ngumiti sa akin si Dexter at ramdam pa rin doon ang kahihiyang nagawa niya.

Hindi ko rin alam ang gagawin ko kaya’t tumalikod na lamang ako at tinungo ang pintuan palabas ng kwarto.

Di pa man ako nakakalayo sa silid ay isang kamay na ang agad na humablot sa braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.

“Sorry, Raven. Di ko sadya. Pasensya na.” tumingin ang nakikiusap na mata niya habang humihingi ng dispensa si Dexter. Bakas doon ang pinaghalong hiya, pagka-ilang, at guilt.

Nakaramdam ako ng awa kay Dexter, alam kong pareho naming di inaasahan ang mga naganap kaya’t hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

“Wala iyon.” Pagpapakalma ko sa kanya. “Di rin naman natina inasahan ang mga pangyayari kaya wag mo nang isipin yun.” Dugtong ko pa.

Di pa rin maalis ang hiya sa mukha niya, “Galit ka ba?” tanong niya gamit ang mababang tono.

“Di ko talaga sinsadyang bumagsak ka—” di ko na pinatapos pa si Dexter at dinikit ko ang hintuturo ko sa mapupulang labi niya.

“Magagalit ako kung sisisihin mo ang sarili mo.” Ani ko na nagpatigil sa kaniya.

“Bumalik na tayo sa silid mo. Di ba sumasakit yang tiyan mo?” pagpapaalala ko sa kanya.

“Ah, Oo!” mabilis na sumagot si Dexter at kinapa ang tiyan nito. “Hatid mo ko?” singit pa nito.

“Tsk.” Yun na lamang ang naging sagot ko at nauna nang maglakad patungo sa silid ni Dexter.

‘Kung hilahin niya ako kanina ay sobrang lakas, kaya niya naman na siguro maglakad.’ Rason ko sa aking isipan.

Rinig ko naman na sumusunod siya kaya di na ako nag-abala pang lingunin siya bagkus ay pumasok na ako sa loob ng silid.

Umupo ulit siya sa kama at naghihintay ng susunod kong gagawin o sasabihin. Inikot ko naman ang paningin ko para maghanap ng first aid kit kaso wala akong matagpuan.

“May gamot ka ba?”  tanong ko sa kanya nang lingunin ko ulit siya.

“Wala eh…” napakamot ulit ito sa batok niya. “Pero may pamahid ako.” Dagdag pa niya kaya’t agad kong tinanong kung saan ito nakalagay.

“Yun naman pala eh, nasaan?”

Tinuro niya ang maliit na cabinet gamit ang nguso niya. “Nandoon sa loob, may maliit doon na bote. Pamahid yun.” Paliwanag niya sa akin.

BIRHEN PA SI RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon