BERHEN PA SI RAVEN (PART 7)
Nang maiwan sa sasakyan si Dexter ay hindi pa rin ito makagalaw dahil sa gulat na naramdaman nang halikan ito ni Raven.
Napahawak na lamang siya sa kaniyang pisngi at malapad na napangiti dahil doon niya lamang napagtanto na hinalikan siya nito.
“Ahhhhhh! Yes! Yes! Yes!” sa hindi mapigilang saya na naramdaman nito ay di niya namalayang kanina pa tumutunog ang busena ng sasakyan. Kung kaya’t naagaw nito ang atensyon ng mga tao at mga estudyante.
Kulang na lang siguro ay tumalon siya sa loob ng sasakyan ngunit hindi niya magawa dahil sa liit ng espasyo kumpara sa laki ng katawan niya.
Nang maka-recover siya sa mga pangyayari ay doon niya lamang naisipang magmaneho pauwi. Sa parehong wisyo ay nakangiting umalis si Dexter ng paaralan at sinasariwa ang pangyayari kanina lamang.
Samantala, habang naglalakad si Raven ay isang pamilyar na lalaki ang umakbay sa kaniya. Sa amoy nito ay hindi siya magkakamaling hulaan kung sino ang lalaking ngayon ay nakalingkis na sa braso niya.
“Mukhang maraming iniisip, sissy huh?” usisa ni Angelo nang mapansin nitong tila wala sa maayos na katinuan itong si Raven.
Sa mga puntong ito kasi ay naglalaro pa rin sa isipan ni Raven ang kahihiyang nagawa niya kay Dexter.
“Hoy!” napahinto si Raven sa paglalakad nang tumigil ang kaibigan at nakapamewang ito sa kaniyang harapan.
Napapikit na lamang si Raven at lumakad patungo sa kaibigan upang hagkan ito.
“Teka ano bang nangyari?” usisa ni Angelo ngunit simangot lamang ang naging tugon ni Raven.
Nahihiya kasi itong sabihin sa kaibigan kung anong kahihiyan ang ginawa niya. Gayunpaman, bilang magkaibigan ay di niya ito naitago dahil parang bubuyog itong si Angelo kung mag-usisa.
“Ano!?!?” hindi makapaniwalang tugon ni Angelo.
Napahawak pa ito sa braso ni Raven at inalog-alog.
Tumango naman si Raven bilang pagsang-ayon kung kaya’t napahawak na lamang sa bibig si Angelo sa tinuran ng kaibigan.
Hindi niya lubos akalain na ang pinakamahinhing tao na nakilala niya ay magagawa ang bagay na iyon. Ngunit agad naman niyang na-realize na mas mababaw pa ang nagawa ng kaibigan sa mga bagay na nagawa niya.
“Hindi ko naman sinasadya yun. Hindi ko napag-isipan.” Patuloy pa rin sa pagpapaliwanag si Raven sa kaibigan nito hanggang sa hagdan ay bukam-bibig niya pa rin ang katagang ito.
Hanggang sa pagpasok sa loob ng silid.
Ngunit nagulat ang dalawa nang makita ang sitwasyon sa loob. Napatingin sila sa kanilang mga wristwatch at doon nila napagtanto na late na pala sila ng sampung minute.
Inagaw naman nilang dalawa ang atensyon ng gurong nasa harapan, si Sir Harold. Ang titig nito na tila lalamunin silang dalawa ang siyang nagbigay ng pangamba kay Raven. Samantalang ang anyo naman ng sir Harold nila ngayon ang siyang nagpa-init sa pagkasabik ni Angelo sa kanyang guro.
Kung ano man ang init na ito ay siguradong siyang nagkukubli sa isang pagkataong hindi pa alam ni Raven.
“Mr. Javier and Mr. Fuentes?” tumaas ang kilay ni Harold sa dalawa. Ang matipunong boses nito ay tila kuryente kay Raven na nagbibigay ng takot, ngunit kiliti naman kay Angelo.
Walang sagot na nakuha si Harold sa dalawa dahil hanggang ngayon ay tila mga estatwa ang magkaibigan sa pinto. Kung kaya’t sumenyas na lamang ito sa dalawa na maupo.
BINABASA MO ANG
BIRHEN PA SI RAVEN
RomancePAALALA! Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga eksena na maaring hindi angkop sa lahat ng mambabasa. Ipinapayo ang pag-iingat sa pagbabasa, lalong-lalo na sa mga kabataan at sa mga hindi komportableng sa tema ng sekswalidad. Ang pagpapatuloy sa pagb...