KABANATA 4

2K 48 3
                                    

BIRHEN PA SI RAVEN (PART 4)
MATURE CONTENT⚠️

Raven's POV

Ito na ang unang araw ng pasukan kaya nauna pa akong nagising sa alarm clock ko. Hinimis ko muna ang higaan ko bago lumabas ng kwarto para mag-luto.

Nang makarating ako sa kusina ay nadatnan ko si Ninong na nagluluto. Hindi ko naiwasang akitin ang kaniyang atensyon kaya nabaling ito sa akin.

"Oh, Raven! Good morning!" bati nito sa akin.

Ngumiti naman ako at, "Good morning din po, Ninong!" tugon ko.

"Oh siya, maligo ka na! Ako na bahala dito."

Tanging ngiti na lamang ang nasagot ko kay ninong, gusto ko mag-thank you pero nahihiya ako.

Agad na lamang akong bumalik sa aking kwarto para kunin ang tuwalya at damit ko tapos ay lumabas na ako ng bahay para maligo sa banyo.

May banyo naman sa loob pero pinili ko itong nasa labas, nahihiya rin kasi ako kay ninong dahil baka sariling banyo niya yun.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo pero kusa itong bumukas. Halos mapatalon ako nang bumungad sa akin si Dexter. Nakatapis lamang ito kaya bumungad sa akin ang matipuno niyang katawan, agaw pansin din ang anim na pandesal sa kaniyang tiyan at sa dakong pababa naman ay ang malaking bukol sa gitna niya.

"Maliligo ka?" naputol ang pag-uusisa ko kay Dexter nang magsalita siya.

Binalot din ako ng hiya nang makita ang nakakalokong ngiti niya sa mukha. "U-uhm...Oo" tumungo ako at nahihiyang tumingin sa kaniya.

"Pasensya ka na Raven, di ko kasi alam na rito ka rin maliligo." Dispensa nito. "Kanina ka pa ba?"

"Kararating ko lang rin naman kaya ayos lang," tugon ko.

"Tapos na rin naman ako kaya pwede ka nang maligo." Kinuha niya ang maliit na balde at lumabas na sa banyo. Pumasok naman ako gaya ng inaasahan.

Bago ko isara ang pinto ay lumingon muna ako sa direksyon ni Dexter at saktong tumama ang mga tingin namin kaya agad kong sinarado ang pinto dahil sa hiya.

Kahit malamig ay naligo ako para naman mahimasmasan ako sa nakakahiyang tagpo na naganap sa pagitan namin ni Dexter.

Pagkatapos kong maligo ay umakyat ako sa kwarto para isuot ang uniform ko. Nag-ayos lamang ako ng kaunti at nang ma-satisfy na ako sa looks ko ay agad na rin akong bumaba.

Sa kusina ay naabutan kong nakaupo na si Ninong at ang isa pa naming kasama- si Dexter.

"Tara, Raven, kain na tayo!" masiglang anyaya ni Dexter. Hindi bakas ang pagka-ilang sa kaniya dahil sa tagpo namin kanina. Kaya rito ay nawala ang agam-agam ko sa pagitan namin.

Nakabihis si Dexter at tila may pupuntahan dahil sa suot niyang kulay blue na polo shirt at maong pants naman pa pang-ibaba. Samantala si nong naman ay tanging white sando at boxer lamang a suot.

Pumunta ako sa bakanteng upuan kung saan ay kaharap ko si Dexter, sa gilid naman naming pareho si Ninong naka-upo.

"Raven..." basag ni ninong sa katahimikang bumabalot sa amin. "Po?" magalang na tugon ko.

"Siguro kilala mo na rin naman na si Dexter." Tumungo naman ako sa sinabi ni ninong dahil totoo naman na kilala ko na si Dexter.

"Siya ang maghahatid sundo sayo sa pinapasukan mo. Bale, driver kumbaga. 'Wag kang mag-alala, marunong magmaneho yang si Dexter."

Natuwa naman ako sa sinabi ni Ninong, hindi lamang dahil makaktipid ako sa pamasahe, kundi dahil na rin sa poging driver ang makakasama ko sa biyahe araw-araw.

BIRHEN PA SI RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon