CHAPTER 17

21 1 0
                                    

Chapter 17

"Ano namang naisip ninyo ba't kayo nandito? Ang aga-aga ah." I asked Jude and Mitch na feel na feel na nakaupo sa aming sofa habang kumakain ng sliced fruits na nakuha—I mean kinuha nila ng walang paalam sa ref namin.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Balak ko sanang matulog maghapon, kaso bumisita ang dalawang ito.

Mabuti nga at wala si mama, sigurado akong hindi gugustuhin niyon na nandito ang dalawa. Hate niya na nga ako, pati ba naman ang mga kaibigan ko.

"Bakit? Bawal na bang tumambay rito? Wala naman yung mudrakels mo." Jude asked back habang ngumunguya. Tumango naman si Mitch at nilunok ang kinakain bago nagsalita.

"Oo nga. At isa pa, alam naming mag iku-kwento ka sa amin. Jusko day! May nasagap kaming chismis tungkol sa'yo!" Mitch excited said. Kumunot ang noo ko. Wala akong alam sa chismis na yan.

"Anong chismis? Tungkol saan?" Tanong ko. Kumuha na rin ako ng kinakain nila.

"Tungkol sa inyo ni Ibarra. Omg kayo—"

"Did I heard the name of that Ibarra?" Napatigil kami't napatingin sa hagdanan nang marinig namin ang boses ni Kuya Isarael. Kasama nito si Ismael na hawak ang Ipad nito.

"Papi Isarael!" My two friends exclaimed at agad na tumayo at patakbong sinalubong si Kuya ng yakap. Napairap na lang ako.

Feeling close talaga ang dalawang iyan pagdating kay Kuya Israel. Palibhasa, crush nila ang baliw na iyan. Hindi naman gwapo. Nauntog ata ang dalawa.

"Hi girls." Nakangiting bati ni Kuya Israel sa dalawa. Muntik na akong masuka nang kiligin si Jude. "Kamusta na kayo? Ba't nabisita kayo?"

Malandi namang tumawa ang dalawa.

"Binibisita lang namin si Isaiah pati ikaw." Sagot ni Mitch at Pabebeng ngumiti kay Kuya Israel.

Napailing na lang ako at kinuha ang Tupperware ng sliced fruits at kumain nito habang nakatingin sa kanila.

"Papi, ba't parang pagod na pagod ka? Gusto mo bang imassage kita? Magaling ako doon, titirik ka sa sarap, ehe!" Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang biglang lumiit ang boses ni Jude. I bit my lower lip to stopped myself to laugh.

Tumawa naman si Kuya at umiling, "I'm good. Medyo puyat lang kasi maraming plates akong tinapos." Sagot ni Kuya Israel. He's 3rd year na sa course na Architecture, sobrang stressed na nga raw siya pero wala namang ginawa kundi magcellphone maghapon.

"Ang galing mo naman, Papi. Kaya crush kita eh!" Sabi naman ni Mitch na ikinatawa lang ni Kuya.

"Puro talaga kayo kalokohan. Sige na. Kumain na ba kayo?" Tanong nito sa dalawa. Mabilis na tumango ang dalawa.

"Sige. Gagawan ko na lang kayo ng miryenda. Sige na at baka naiinip na si Isaiah, mainipin pa naman yan." Napairap na lang ako sa kaniya.

"Thanks Papi!" Humalik ang dalawa sa pisngi ni kuya na ikinangiwi ko. Ew.

Kinulit pa ng dalawa si Ismael na halatang kakagising pa lang. Passed 9 na pero kakagising lang ng dalawa. Mga feeling senyorito eh.

No Feelings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon