CHAPTER 36

5 1 0
                                    

Chapter 36

Kirot sa aking ulo ang bumungad sa akin nang magising ang aking diwa. Amoy ko ang agad ang pamilyar na amoy ng aking kwarto.

Napamulat ako nang maalala ang nangyari kagabi. Nagkausap kami ni papa at nag-iyakan, tapos biglang sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang umupo. Napahawak na lamang ako sa aking ulo dahil sumasakit pa rin ito.

Huwag ngayon, please lang.

Akmang babangon na ako mula sa kama, nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok roon si kuya Israel.

Mukhang nagulat pa ito nang makita akong gising. "Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdan mo?" Agad ako nitong nilapitan sa kama.

"Ayos lang. Medyo masakit lang yung ulo ko." Ngumiti ako nang tipid sa kaniya at sinuklay ang aking buhok. Napansin kong suot pa ang kahapon kong damit.

Agad na gumuhit ang pag-aalala aa kaniyang mukha. "Masakit na naman yan ulo mo? Napapansin kong napapadalas yan nitong mga nagdaang linggo ah." Saad nito. I sighed deeply at pinalawak ang aking ngiti.

"Ano ka ba, kuya? Ang aga-aga ang OA mo. Sumasakit to kasi di kinaya ang mga sinabi ni papa sa akin kagabi." Kita kong di siya naniniwala pero hindi na lang umusisa pa.

"So, you forgive papa, already?" Pag-iibang usapan nito. Bumaba ang aking mga mata sa aking mga kamay na nasa ibabaw ng aking hita.

"I-I don't know." Sagot ko. "B-but, I know I will. Hindi pa kasi masyadong sumi-sink in ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Parang... parang ang hirap paniwalaan."

I am trying my best to digest all of the truth papa told me, however hindi iyon ganoon kadali. Mahirap ibalik ang tiwalang meron ako sa kaniya na sinira niya noon.

He sighed. "Papa will understand." Sabi ni Kuya. Napataas naman ako ng tingin sa kaniya.

"Kagabi mo rin ba nalaman ang lahat, Kuya?" I asked. Ngumiti naman siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"I actually knew what happened this past 3 months. Bumibisita naman ako sa kanila noon pa. Alam ko rin na nakulong si mama at ang mga ginawa niya kay papa." Kita ko ang pangingilid ng luha niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay ng mahigpit.

"Galit ka ba kay mama?" Tanong ko.

Umiling siya at ngumiti ng malungkot. "Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya eh. Nanay ko pa rin siya. Pero siguro ngayon, kailangan ko rin muna ng oras para matanggap ang mga nagawa niya sa ating hindi magaganda." Sabi niya sa akin kaya napangiti ako.

"And actually, binibisita ko rin siya sa kulungan niya. Pinagsisisihan niya na ang kaniyang nagawa. Let's just hope that everyone will be healed from all the pain she caused, lalo na sa'yo." Sabi nito sa akin at hinaplos ang aking ulo.

"Kahit naman na ganoon siya, kuya." Tumanaw ako sa bintana ng kwarto ko. Sikat na ang araw roon at mukhang magtatanghali na.

"Mahal ko pa rin naman si mama. Kahit may ginawa siya sa atin. Pero, masakit p-pa rin." Pinigilan ko na lamang maiyak dahil pagod na ang mga mata kong magbuhos ng luha. Kotang-kota na ako kagabi eh.

"I know. It will takes time to heal. Magiging maayos rin ang lahat." Niyakap ako ni kuya Israel kaya ibinalik ko iyon.

Ilang minuto kaming nagyakapan nang kumalas si Kuya Israel roon at ginulo ang buhok ko.

"Tama na nga itong kadramahan natin. Maligo ka na, ang baho-baho mo na eh. May pahima-himatay ka pang nalalaman ah. Alam mo bang nag-aalala kami sa'yo?"

No Feelings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon