CHAPTER 25

17 1 0
                                    

Chapter 25

Mabigat ang loob na nakapalumbaba ako sa aking mesa habang nakikinig sa lecture ng aming teacher sa last period namin. Hindi ko maituwid ang aking noo dahil kusa itong kumukunot kapag bumabalik ang eksena sa canteen. Ibarra left when he saw me and drag his Mirida palabas. Para bang ayaw niya akong makita roon! May pasulat-sulat pa siyang nalalaman na namimiss niya ako. The heck!

"Psst." Napalingon ako sa katabi ko sa upuan na si Aldrin, ito 'yung kaklase ko na mayaman sa papel kaya lagi ako sa kaniya nahingi.

"Oh?" Hindi ko napigilan ang naiirita kong tono. Basta badtrip ako!

"Okay ka lang?" Tanong niyang pasimple nang hindi nakatingin ang teacher namin.

"Oo, bakit?" Hindi ako okay! Naiirita ako!

"May LQ kayo?" Tanon pa nito.

"LQ? Nino?"

"Ni Ibarra." Napalingon ako bigla sa kaniya. "Kayo ah, galing-galing niyong magtago. Kayo na pala?" Mas lalong kumunot ang noo ko. Chismoso to ah.

"Anong kami? Walang kami! Magsama sila ng malandi na 'yun!" Hindi ko na napigilang magtaas ng noses dahil naalala ko na naman 'yun. Hinawakan pa talaga sa kamay! Kairita!

"Miss Alvares, Mister Berdin, is there any problem? Can you share to us what you're talking there?" Natigilan kaming dalawa nang tawagin kami ng teacher namin. Ito kasing Berdin na to eh!

Yumuko ako at pasimpleng inapakan ang paa ni Aldrin sa ilalim ng mesa na mahina niyang ikinadaing "Wala po ma'am. Nagtanong po kasi siya about sa lesson niyo, 'di niya po kasi maintindihan." Sagot ko sa guro. Hindi ko na sila pinansin nang ipaliwanang ng teacher namin kay Aldrin mismo ang lesson.

Hanggang sa hindi ko namalayang dismissal na kaya kaniya-kaniyang tayo at ingay na ang mga kaklase ko. Patamad naman akong tumayo at pinigilan ang sarili sa tumingin sa bahaging likuran, kahit ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. Bahala siya diyan.

"Isaiah!" Walang gana akong humarap sa kaklase kong si Rizsha, yung auditor namin. Kailangan nito?

"Bakit?" Tanong ko habang inilalagay ang mga gamit ko sa bag.

"Hindi ka pa raw kasi nabayad sa contribution para sa booth natin sa upcoming Science Month Celebration, di ba required tayong mga grade 12 na gumawa? So kung may extra ka today, pwede mo na bang bayaran?" She kindly asked then smiled.

"Sige. Magkano ba?" Tanong ko at kinuha ang wallet ko.

"Three hundred." Kunot noo ko siyang tingnan. Ang mahal naman!

"Three hundred?! Ano bang klaseng booth gagawin niyo? Amusement park Booth? Ang mahal ah!" Reklamo ko rito. Natawa naman siya.

"Wala eh. Gusto kasi ni ma'am na manalo tayo, contest na rin kasi 'yun." Paliwanang niya. Wala naman na akong nagawa kasi mukhang required. Pasalamat siya't may extra money pa ako.

"Oh—"

"Teka!" Akmang iaabot ko na ang pera nang sumingit naman si Marky na may hawak na walis tambo, siguro ay sweeper ngayong biyernes. Siya yung treasurer namin.

"Bakit na naman? Maniningil ka rin?" Kunot noo kong tanong rito. Ngumiti ito at umiling.

"Huwag ka nang magbigay." Sabi nito.

"Ha?" Tanong namin si Rizsha.

Mas lalong lumuwag ang ngiti ng lalaki. "Huwag ka ng magbigay, kasi nilibre ka na."

"Nino?" Tanong ko. Sino naman kaya manlilibre sa akin eh lahat ng kaklase ko kuripot? Unless, si—

"Ibarra. Binayaran niya na 'yung contribution mo." Malaki ang ngiting ani ni Marky. I knew it.

No Feelings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon