CHAPTER 21

20 1 0
                                    

Chapter 21

"Hindi mo pa rin ako papansinin?" Bulong na tanong ng kasama ko sa akin tabi, ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nanatili akong nakatitig sa labas ng bintana ng jeep na sinasakyan namin.

Bahala siya diyan!

Mula nang hilahin ako na Ibarra at pinasakay sa jeep na ito na hindi ko alam kung papunta saan ay hindi ko siya tinapon ng kahit anong tingin o kinausap man lang.

Basta! Nagtatampo ako sa kaniya. I'm just concern about him! Tapos parang mamasamaib niya pa iyon?

"Isaiah." Tawag nito. Hindi ko siya pinansin.

"Hey." Kinalabit niya pa ako. Bahala siya diyan!

Gusto mo lang naman na magpasuyo eh.

Huminto siya sa pagtawag sa akin pero patuloy pa rin sa pagkalabit. Hindi ko maiwang mainis dahil ang kulit niya.

Hindi na ako nakatiis at akmang sisigawan siya nang matigilan ako.

"Ate, pasuyo po, kanina pa kita kinakalabit. Dalawa, isang estudyante at senior, diyan lang sa kanto." Halata ang inis sa boses ng isang ale at inabot ang kaniyang bayad.

Wala sa sariling inabot ang bayad niya at ibinigay sa driver.

Ramdam ko ang pamumutla at panlalamig ko sa hiya. Nakatingin pa naman sa akin lahat ng pasahero.

Nakita kong nasa kabilang upuan na si Ibarra at nakatingin sa akin, agad ko siyang tinaliman ng tingin. Pano siya napunta riyan!? Muntik pa ako mapahiya! Hindi muntik, napahiya na talaga ako!

Hindi ko maiwasang mas mainis, hindi kay Ibarra kundi sa sarili ko. Tangina talaga! Tanga ang hayop.

"Agan Bay! Sino baba?" Sabi ni manong driver. Nagulat pa ako nang magpara si Ibarra at naunang bumaba, agad naman akong sumunod.

Naghintay siya sa baba ng jeep at akmang aalalayan ako, ay agad kong iniwas ang aking kamay at lumundag pababa. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Hindi ko na siya hinintay at agad na naglakad.

Hindi ko inaasahang rito niya ako dadalhin. We're here at the Agan Bay, malawak na side walk siya sa gilid ng dagat.

Maraming tao ang nandito at nagkalat ang mga nagtitinda ng kung ano-ano. Isa rin kasi ito sa tourist destination ng City namin. Because of the beautiful sunset. Tumatama ang ang papalubog na araw sa dagat at sobrang ganda niyon.

Wala sa sariling lumapit ako sa sea wall, na humaharang sa dagat at sidewalk, at nakangiting pinagmasdan ang medyo mataas pa na araw, dahil hindi pa ito nalubog sa dagat, pero napakaganda pa rin nito.

Ngunit nahigit ko ang aking hininga nang may mga braso na pumalibot sa akin mula sa likuran ko. Agad na kumabog ang puso ko.

"I-I'm sorry." Bulong ni Ibarra sa tenga ko. Wala akong maramdaman kundi ang kaba sa puso ko at mga paro-paro sa aking tyan.

"I-ibarra-"

"I know you're still upset, but I can't bear it na hindi mo ako pinapansin. Forgive me, please?" Hindi ko alam pero ang lambing ng kaniyang boses nang sabihin niya ang mga iyon.

Kinilabutan ako. Hindi ako nakasalita dahil sa pagkabigla at sa kakaibang init na dala ng yakap niya. Mabilis na nagrambulan ang nga paro-paro ko sa tiyan.

Gawain pa ba to ng magkaibigan? Shet. Ang landi naman nitong friend. Gusto mo rin naman.

"Still ignoring and don't talking to me? Fine. At least tell me why are you mad at me?" He asked. Hindi ako kumibo sa tanong niyang iyon.

No Feelings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon