CHAPTER 18

23 1 1
                                    

Chapter 18

"May pa 'I won't tell you' ka pang nalalaman, Amusement Park lang naman pala tong pinuntahan natin." Kunyareng inis na sabi ko nang makarating kami sa lugar kung saan niya ako dinala.

Haven Amusement Park

Ibinigay ko sa kaniya ang helmet at puting tela nang maiparada niya ang kaniyang motorcycle. Agad siyang lumapit sa tabi ko nang maiayos niya iyon.

"Why? Don't you like it here? You want somewhere else? Pwede naman tayong pumunta kung saan mo gusto." Sunod-sunod niyang tanong.

Tiningnan ko siya at natawa. Siguro kung nakakaramdam lang ito ng emosyon alam kong natataranta na ito base sa mga tanong niya.

Nakangiting tiningnan ko siya. "Nagbibiro lang ako. I actually like it here. First time ko makapunta rito." I said.

"I see." He coldly said. Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at marahang hinala papunta sa pilahan ng ticket ng amusement park para makapasok.

Agad na kumabog ang ng malakas ang puso ko at napatulala na lang sa kamay naming magkahawak. Napakainit ng kaniyang kamay na humahawak sa akin.

Sinubukan kong alisin ang kamay ko dahil alam kong namamawis iyon at nanlalamig, pero mas lalo niya pa iyong hinigpitan na para bang ayaw niyang bitawan.

Shet! Kalmahan mo, Isaiah! Kalma!

Tanginaaaaaaaaa!

Breathe in, breathe out. Relax.

Pero, bakit namana kasi kailangan hawakan ang kamay!? 'Di niya ba alam na ang lakas-lakas ng epekto niyon sa akin!? Shet!

"Hey."

Jusko naman. Akala ko kaibigan lang status namin sa isa't-isa pero bakit may pahawak ang beshy ko na to?

"Isaiah?"

Waaah! Relax lang, Aiah. Malay mo komportable na siya sayo. Normal lang yan sa kaniya. Relax.

Pero hindi 'to normal para sa akin!

"Hey, Are you okay?"

Hindi naman sinabi ni Ibarra na Physical Touch ang love language niya, edi sana nakapaghanda tong puso ko. Hindi iyong pabigla-bigla siya! Huhuhu.

Heart, please, calm down.

"Aray!" Daing ko nang may biglang pumitik sa noo ko. Masama kong tiningnan si Ibarra na nakatingin sa akin.

"Bakit ka naman namimitik!? Sapakin kaya kita riyan!?" Singhal ko sa kaniya.

Napailing naman siya. "I was calling you many times. I even asked if you're okay, pero tulala ka. Itatanong ko lang sana kung anong gusto mong ticket natin. Gusto mong sumakay sa lahat ng rides?" He asked. Bigla naman akong nahiya.

Napansin kong kami napala ang nasa unahan ng pila at hinihintay ng nagbibigay ng ticket ang gusto naming klaseng ticket. Nangingiti ito na para bang kinikilig sa amin.

"Sir, mukha ikaw daw po ang gustong sakyan ni Ma'am." Biglang sabi nito. Ramdam ko ang agad na pamumula ng aking pisngi.

"What do you mean?" Ibarra asked her.

No Feelings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon