una

14.9K 37 4
                                    


Malawak ang mundo.



Puno ito ng mga taong may sari-sariling pananaw, buhay, desisyon, at higit sa lahat, naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may tinatagong mga sikreto. Isa na ako 'don.



"Miss Fernez, how's the documentations?" tanong ni Mrs. Rodriguez, sakto naman na sinisinop ko na ang mga papeles kaya ilang saglit pa ay inabot ko ito sa kanya.



"Tapos na po."




Nginitian ako ni Mrs. Rodriguez, isang ekspresyon na madalang niya lang ginagawa. Strikto at palagi kasi siyang seryoso. Ewan ko ba kung dahil ba ito sa edad niya o matagal na siyang ganyan. "Good job Miss Fernez. As expected of you. Hindi katulad ng iba diyan na patamad tamad." sambit niya, may pinariringgan. Nakita ko naman na sumilip ang iba kong kasamahan, while the others just completely ignored her taunt, pagod na sila sa trabaho at masyadong busy para pansinin ang pagsisimula ni Mrs. Rodriguez.




"Oh, by the way, don't also forget to monitor the clubs Miss Fernez. I'm counting on you." sambit nito bago naglakad paalis. Tumango lang ako sabay sagot ng "Yes Ma'am." bago umupo sa swivel chair at muli nanamang tumipa sa laptop. Sinusuri ko ang grades ng mga estudyante ko, so far naman ay maayos, may iba nga lang na bagsak kaya napapailing nalang ako. Binigyan ko naman na sila ng chance para mapasa ang mga kulang na activities pero wala padin. Nagpa project nadin ako pero may iilan padin na hindi nakahabol. Lalo na ang isang estudyante na'to...


Isaah Castro.



I leaned on the swivel chair and stretched my legs. Kailangan kong makausap ang batang ito mamaya, isa pa naman siyang member ng Basketball Club. Ang pagkakaalam ko ay may nalalapit din silang laro next month.




"Hindi ko alam kung paano mo natitiis ang gurang na iyon." biglang salita ni Sir Dion sa gilid ko. He's talking about Mrs. Rodriguez na kakaalis lang.



"Oo nga! Ay nako Banessa sinasabi ko sayo. Masyado kang mabait kaya inaabuso niya na ngayon! Tignan mo, di mo naman trabaho 'yon pero sayo padin pinagawa." giit din ni Carla. Naki usyuso nadin ang iba pa naming kasamahan na teachers para ilabas ang sama ng loob kay Mrs. Rodriguez. Most of them begin foul mouthing her, napabuntong hininga nalang ako.




"Wala iyon, ayos lang naman sa akin, atsaka para sa mga bata nadin." sambit ko. Kalkulado ang bawat salita na sasabihin.



"You're a good teacher Banessa, pero pagpahingahin mo din ang sarili mo minsan.."



A good teacher huh.. Napangiti ako sa narinig.



Sa paningin ng lahat, isa akong babaeng marangal. Palaging nakangiti, masipag, maintindihin at mabuting guro. Disenteng tao hindi lang sa mga estudyante kundi pati nadin sa pakikisama sa mga tao, loob o labas man ng trabaho.



Pero sabi ko nga...



Lahat ng tao, may tinatagong sikreto.




"Class dismissed. Mag iingat kayong lahat pauwi!" matamis kong ngiti after ng klase. Sabay sabay namang nagsitayuan ang mga estudyante para batiin ako pabalik.



"Goodbye Ma'am! Thank you for teaching us!"



Hapon nanaman, uwian ng mga estudyante. Pinanood kong magsialisan ang mga ito hanggang sa dalawang tao nalang ang naiwan sa loob ng silid aralan. Ako at isang binata na may balingkinitang katawan, maputi at medyo matangkad para sa edad na kinse.




"Ma'am, bakit niyo po pala ako pinaiwan?" nagtataka nitong tanong, medyo nakakunot ang kilay.




Umupo ako sa silya at ipinagkrus ang binti, pansin ko ang mabagal na paglandas ng tingin niya dito, nang makita na inoobserbahan ko siya ay agad naman itong nag iwas ng tingin. Ihinarap ko sa kanya ang laptop, letting him see his grades.




salotWhere stories live. Discover now