panglabin-apat

5.1K 16 1
                                    


The crowd is buzzing from loud noises of people shouting, band instruments, and cheerleaders of different schools. Sa dami ng mga taong dumalo para manood sa gaganaping laro, sari saring ingay ang mayroon sa paligid. Ngunit may isang boses ang nangibabaw sa lahat.



"Dude! What the hell is wrong with you?!" Jonah made his way to Isaah with a scowl imprinted on his face. Hindi lang siya ang naguguluhan ngayon at may masamang timpla, karamihan sa mga teammates nila ay hindi nagugustuhan ang karaniwang takbo ng laro.



10-16




Isaah is supposed to be the ace of the team, the most valuable player, and the most reliable when it comes to earning a score. Kaya ang mga previous pass na nangyari ay ipinagkatiwala sa kanya subalit sa kung anumang rason, puro daplis at palpak ang mga tira nito. Malinaw na hindi ang grupo nila ang nagle-lead ng game, malaki ang anim na puntos nilang ikinulang sa kabilang panig. Even the coach questioned himself if it was right for him to entrust Isaah who didn't even get a proper practice the previous month because of his extra lessons. Kinokonsidera niya nang ibench muna ito para sa kapakanan ng grupo. Looks like he overestimated the boy too much..




"You're being useless. Might as well consider sitting your ass on the bench or something." Matthew rolled his eyes. Ang reklamo nito ay nasundan pa ng ibang mga teammates. Lumapit nadin si Jacob sa kaibigan para harapin ito. Subalit sa kalagitnaan ng ingay at daing, ni isang pahayag nila ay walang pumapasok sa kokote ni Isaah. Pasok sa isang tainga, labas sa kaliwa. Abala nitong sinusuyod ang madla, kanina pa kunot ang noo at may hinahanap.



"She's not here.." Isaah grunted, gripping the gatorade so hard.




"Bro, sino bang hinahanap mo? She's here! Your girlfriend is fucking here! Look, hindi mo ba nakikita yung malaking poster na'yon?" duro ni Jacob kay Rose. Tama nga siya, nandito ang magandang nobya ni Isaah. Kahit nagkakalabuan silang dalawa, isinantabi muna ni Rose ang lahat para suportahan ang mahalagang araw ngayon ng boyfriend. Ngumiti ang dalaga nang mapagawi sa kanya ang atensyon ng boyfriend, kumaway ito at ngumiti ngunit ni isang tango man lang ay hindi siya sinuklian nito. Isaah's eyes continue to search the crowd.




Jacob did not failed to noticed his friend's strange demeanor. Sa pagkakataong iyon, bumalik ang memorya nung madaling araw na tinawagan siya ni Isaah. Narealize nito na hindi si Rose ang hanap ng binata. Jacob clicked his tongue.



"Naloko na.." tahimik nitong iling. May ideya na siya na may ibang babaeng umaaligid kay Isaah bukod kay Rose. Kung sino 'man ito, walang kaalam alam si Jacob. At wala muna siyang pakialam doon dahil ang mas importante ngayon ay ang magiging result ng match nila. Jacob grabbed Isaah's collar and forced him to pay attention. Dahil sa marahas niyang aksyon ay naging alarma ang ibang kasamahan, mabilis na lumapit sa kanila si Jonah at Davis para pigilan kung ano man ang gulo na posibleng mangyari.




"Tol umayos ka naman! Wag mong idala so court yung pambababae mo! Importante sa amin ang larong 'to, kung magpapabigat ka lang, mas mabuti pang wag ka nalang mag laro!" asik ni Jacob. Kahit pa matalik niya itong kaibigan, hindi niya padin mapigilan ang mainis lalo na't wala pang ambag si Isaah sa grupo. Ni isang point wala.




Isaah frowned and didn't like Jacob's way of toning it down for him. Ang sagwa pakinggan ng 'pambababae' at mas lalong hindi niya nagustuhan ang pagpapamukha nitong wala siyang kwenta sa laro. Mahirap sikmurain, but deep down, Isaah knows that Jacob was right. Importante rin naman ang araw na ito sa kanya, pero aaminin niya na nagiging sagabal lang siya ngayon. He doesn't intend it to be that way though, hindi niya nga din alam kung bakit patanga tanga siya ngayon. He's too distracted with his thoughts to even focused on the game.




salotWhere stories live. Discover now