huli

3.9K 36 15
                                    


Sampung taon na nakalilipas...

Mountain of papers not leaving any space on the wooden table, smell of ink mixed with coffee, the sound of ticking clock, and me waking up from my one minute sleep because of a call. Pagod kong sinagot ang tawag nang mabasa kung kanino ito nanggaling. Hindi pa man nakakapagsalita ang kabilang panig ay bumangon na ako para ayusin ang sarili.

I fixed the unevenness of my noir cashmere silk top I bought from Louis Vuitton and pulled down the short pencil skirt even lower. Pinatungan ko ng leather jacket ang suot and searched for my slingback Prada. While doing so, I listened intently to what the other line has to say. It was just my mother, disputing how late I was for the important family gathering.


"Nessa! Where on earth are you? Nagmana ka talaga sa Papà mo, kayo nalang ang wala dito."



Nagmana? Hindi ba pwedeng kami lang talaga ang pinaka busy at inaasahan sa business ng pamilya? A lot of things happened within those ten years that passed. Ipon na ipon ang stress sa katawan ko dahil sa kagagawan ni Blade at hanggang ngayon ay hindi padin ako nakakarecover. Ang daming dapat linisin, ang daming dapat ayusin.



Minadali ko na ang pagreretouch. I put my favourite light plum shade of lipstick on my lips and fixed my coffee brown hair. Pinanatili ko padin ang kulay nito kahit ilang beses na akong dinemonyo ni Issadora magpakulay. Mahaba padin naman pero naka butterfly cut na ngayon kaya nagkaroon ng layers at mas lalong bumagay sa hugis ng aking mukha.



"Greetings, Lady."

"Have a good day, Boss!"




Nginitian ko pabalik ang mga employees na bumabati sa akin pagkalabas ko palang ng office. Dumiretso ako sa private elevator at tinahak ang labas ng building. I drove my Bugatti Chiron to the exact location of our main mansion. Pinagbuksan naman ako ng mga guards. I hummed in satisfaction after seeing the well groomed landscape, the three fountains are also being managed properly, I can see it from the sprinkling water flowing. Kumaway sa akin ang ilan kong kamag anak na nakatambay dito matapos dumaan ang sasakyan ko sa kanila.




Ngayon nalang din ulit ako nakauwi sa bahay. Ilang years akong naka shut in sa company since may sarili naman akong place doon, iyon na nga ang kinoconsider kong bahay eh. Almusal, tanghalian, at hapunan ko ba naman ang walang katapusan na trabaho.



Pagkapasok sa loob ay sumalubong sa akin ang malaking pagbabago ng interior. The chandeliers and carpet had been all replaced with something more luxurious and new. Madami ding bulaklak at estatwang naka dekorasyon sa tamang pwesto. Talagang pinaghandaan ang family gathering na nangyayari lang tuwing death anniversary ng aming huling pumanaw na lolo at lola. We hold great importance when the couples of main family dies, this is our own way of thanking them for their hard work.



Ang main family na tinutukoy ko ay ang pinaka sentro ng pamilyang Fernez. Which turned out to be us, kaya dito isinasagawa sa mansyon na aming tinitirahan ang pagpupugay dahil ito ang lugar na pinagtulungang itayo ng aming mga ninuno. If my father, the favoured son of our Grandpa dies, siya naman ang papalit, kumbaga anniversary naman niya ang magiging rason sa family gatherings na magaganap. After that, pretty sure that it will be my death anniversary next. Karaniwan ay mga panganay na nanggaling sa main family. The cycle will go on for the next generation.




"Thought you wouldn't come." A woman with short bob cut approached me, unang mapapansin dito ay ang napaka pula niyang labi na maihahalintulad sa dugo. Freida gave me a kiss on a cheek. Sabay kaming pumunta sa dining hall.




salotWhere stories live. Discover now