pangatlo

6.2K 21 2
                                    




"Banessa, nagka boyfriend ka na?" tanong ni Carla. Nakapila kaming dalawa ngayon sa coin coffee machine, humihigop siya ng kape habang hinihintay ko pa ang akin.



"Oo naman. Bakit mo natanong?" ngiti ko. Kinuha ko ang cup at hinipan ang mainit na milk choco.




Co-teacher ko si Carla. Parehas kaming bente singko at hindi naman siya mahirap pakisamahan kaya mabilis kaming nagkasundo. Siya ang nakakausap ko madalas tuwing breaktime, pag may itatanong, o pag may kailangan. But this is the first time she asked me a question about my lovelife.




"Eh girlfriend ba?" tanong niya muli. Umiling naman ako.




"Nope, straight ako Carla." tawa ko, "Bat mo nga natanong?"




"Wala lang. Ang swerte lang siguro ng mga naging nobyo mo. Like-ang ganda mo kasi, simula talampakan hanggang dulo ng buhok walang imperpekto. May narinig nga akong chismis na baka hindi ka daw totoo." pagpapatuloy nito, kinumpas niya pa ang kamay sa ere at parang gumagawa ng coca cola shape, "Lalo na yung katawan mo."




Hindi totoo? Tumaas ang kilay ko sa narinig. Kung ang ibig sabihin nila ay retokada, I'll take that as a compliment.




"Ang exaggerated naman nyan.. May imperfections din naman ako." makahulugan at makatotohanan kong sabi. Pero dahil likas na mas pinaniniwalaan ng mga tao kung ano ang nakikita, hindi na ako nagulat nang hindi naniwala si Carla.




"Imposible.. Maganda ka na nga at sexy pa, ang bait bait mo din. Kung ang imperfections na tinutukoy mo ay ang paminsan minsang pagkakamali sa aksyon o desisyon, natural lang naman iyon. Baka nga kahit anong kasalanan ang gawin mo, kahit hindi ka magsorry papatawarin ka padin." she chuckles. Halatang nagbibiro lang siya sa huling sinabi pero napatawa padin ako nito.




Papatawarin sa mga pagkakamali dahil lang sa pagiging maganda.. talaga lang ha.




Siguro sa maliliit o simpleng bagay ay tama siya. Pero paano nalang kung sobrang laki na ng kasalanan ko? Mapapatawad padin ba ako ng kagandahan ko?





May mga tao pa bang kaya magbulag bulagan sa mga pagkakamali kong parati inuulit?




Parents at mga kamag anak ko, pwede.




Pagkatapos 'non ay wala na.





Salot ako sa lipunan. Tirador ng mga inosente at hindi pa hinog na isipan. Predator ang tawag nila. Alam kong mali ang ginagawa, pero wala akong pakialam, kasi kaya ko naman. Pera, koneksyon na umiikot sa aking daliri. Malaya akong gawin ang mga gusto nang hindi natatakot sa mga posibleng consequences. Lahat ay madali pag may pera.




Marami akong kilalang mga sikat na artista, katulad ko din sila. Lalake o babae, kahit na anong edad. Mga taong kakapiranggot ang moral at konsensya na may baluktot na kaluluwa at pantasya. Hindi namin kailangan ng kapatawaran. Kasi ano bang papatawarin? Kung nalugmok at nabura naman na ng salapi ang mantsa.




Hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Abala kasi sa ginagawa. Tambak na paperworks at teaching hours. Halos wala kaming break time. Sa oras ng recess o lunch time ay ilang minuto lang kakain tapos balik nanaman sa trabaho. Yung mga co-teachers ko ay napapadukdok nalang sa lamesa dahil sa pagod, ako naman itong hindi makarelate. I was trained at a very young age for this kind of stuff. Maliit na bagay lang ito sakin. Nakalimutan ko na pero I was thirteen kasi ata noong first time ko mag handle ng isa sa mga company namin.




salotWhere stories live. Discover now