dalawang pu

3.4K 11 0
                                    


"Isay!!" a thundering voice of a man roared in the entirety of mansion. His heavy footsteps made the maids tremble with fear, no one could even look at him on the eyes. Except for a certain woman.



"Isay! You useless woman. Do you realise what you've done?!"





Isang mabigat na kamay ang tumama sa mukha ni Isay. Nanlabo ang mata ng ginang dulot ng salpok nito, saglit din umikot ang kanyang paligid dahil sa pagkahilo. It was her husband who slapped her. Ngayon niya nalang ulit nakita ang asawa dahil ito ang unang beses na umapak ito ng mansyon sa loob ng isang buwan. Alam ni Isay na walang magandang nangyayari tuwing umuuwi ito, kaya matagal na siyang kuntento, patunay sa kanyang pinaniniwalaan ang nangyayari ngayon.





"Yes, Ade. I realised what I did. I trampled the abuser of my child!" sigaw pabalik ni Isay. Ngayon ang unang beses niyang pagtaasan ng boses ang asawa, ngayon ang unang beses niya magkaroon ng lakas loob, ngayon ang unang beses niyang tumayo sa sariling paa para ipaglaban ang alam niyang tama.





Isay never caused trouble for her husband. She's always been submissive, a good and understanding wife. But there are times like these that everything is exceedingly too much. Sunod sunod ang bigat ng mga kargong dumadating sa buhay niya. Sirang sira siya matapos makumpira ng sariling mata ang kababuyan na sinapit ng anak. Umamin na ang salarin pero wala padin siyang magawa, at ngayon ay tanging pagsigaw pabalik lang sa asawa ang paraan para ilabas lahat ng hinanakit sa loob bilang Ina. Mukhang tama nga ang asawa, wala talaga siyang kwentang babae at magulang, hindi man lang niya mabigyan ng hustisya at seguridad ang anak.





"Isay! Makinig ka nga sa sarili mo! You didn't trampled an abuser! You trampled an opportunity! A great opportunity!" Napasabunot si Ade sa ulo. Nakailang buntong hininga na siya ngayon. Matapos mabalitaan ang nangyari ay agad niyang niliban ang importanteng meeting para ayusin ang gusot na ginawa ng asawa.



Hinawakan ni Ade sa magkabilaang balikat si Isay, mahihigpit at mariin. "Isay..makinig ka. Makinig kang mabuti sa sasabihin ko. Apologize properly to Banessa Fernez and I'll do the business of getting her on our family's side. Malaking oportunidad ito, mukhang malapit ang loob ng babaeng iyon kay Isaah. We can propose them a marriage! Do you understand, Isay? Our family's reputation and wealth will be secured for centuries! Our family will benefit from it!" Nakangiti na ngayon si Ade na pinapaliwanag ang plano at gustong mangyari.





Patay ang mga matang nakatingin si Isay sa lalake, hindi asawa, hindi Ama ng mga anak, hindi kilala, isang lalake lang itong gahaman sa pera. Paano nakakayanan ng lalakeng ito sikmurain ang lahat ng nangyari? Parehas lang naman silang magulang, pero bakit si Isay lang ang tanging may pakialam at nag aalala sa kapakanan ng anak?





Isay didn't marry Ade for her own good, it was a marriage of convenience for the two families. Hindi naman bago ang ganitong sitwasyon sa mga mayayamang pamilya, napaka common nga at kung aakalain ay parang tradisyon na. Most rich people are practical, they treat marriages as investments and a way to strengthen business bonds, influences, connections, political reasons, and of course money. Knowing how Ade and her started and still going, Isay knew her place and doesn't really ponder how Ade treats her nothing close to a wife but a baby maker. Hindi naman naghahangad si Isay na mahalin ng asawa, naiintindihan niya kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Pero parehas lang naman sila na nakulong sa ayaw na sitwasyon, parehas din silang magulang ng dalawang bata, debaleng kasuklaman siya ng asawa pero pwede bang palagpasin man lang ang mga anak nila? Hiling ni Isay na kahit kakaunting pag-aalala man lang ay ipeke ni Ade para sa kanya at sa anak. Kahit kaunti lang.




salotWhere stories live. Discover now