Prologue

1K 14 1
                                    


Nag lalakad ako habang sinasalubong ang malakas na ulan. simula pa kanina ay malakas na ito...pero mas lumakas pa ito nang gumabi na.

Nang maka pasok sa bahay ay agad akong nagulantang nang makitang magulo.

'Anong nangyari? Bakit ang gulo?'
agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na hinanap si mama.

"Ma?!" sigaw ko habang papalapit sa kwarto nya.

Walang sumagot...

Kinakabahan akong pumasok sa kwarto ni mama at halos ma baliw ako sa nakita ko.

Si mama naka gapos habang duguan!

"M-mama!" lumapit ako sakanya at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko at niyakap ang kawawang ina ko.

"M-mama sino gumawa sayo nito!" umiiyak kong sabi.

Panay ang hagulhul ko habang yakap si mama na wala nang buhay.

Habang naka yuko ay napa tingin ako sa isang bagay na kuminang... Isang patalim na may dugo at may simbulo na naka ukit dito.

Tumayo ako at na nginginig na kinuha ang patalim.

Nakita kona ito dati pero hindi ko matandaan kung saan.habang naka titig sa patalim ay bigla akong nakaramdam ng galit.

Mag babayad kayung lahat,kung sino man ang gumawa nito humanda kayo!

I SEE NOTHING BUT REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon