Zakie pov.
Maaga akong na gising dahil may pasok pa ako. Syempre kahit basagulera ako may pake parin ako sa pag aaral ano. Naligo lang ako at nag ayus at saka bumaba.
"Ija nakapag luto na ako kumain ka na." naka ngiting bungad sakin ni manang Beth. Ngumiti lang din ako at naupo para mag umpisang kumain.
Si manang beth ang close ko sa lahat na katulong dito sa mansyon. Isa din kase sya sa mga naging kaibigan ni mama.subrang bait at maalaga si manang beth sakin.
"Manang sabayan mona po akong kumain." sabi ko habang ngumunguya.
"Nako huwag na tapos narin ako kanina pa." sabi nito habang busy sa pag lapag ng iba pang pagkain.
"Ah ganun po ba." sabi ko na tinanguan nya.
Nang matapos kumain ay nag handa na ako para pumasok."Manang aalis na po ako!" sigaw ko at lumabas na.
Nagpa hatid lang din ako kay manong shano."Kie!" Sigaw nila habang papalapit sakin.Napapailing nalang ako habang naka ngiti dahil sa pag salubong sakin ng mga kaibigan ko.
"Good morning!" bati ko sakanila nang makalapit na sila sakin.
"Morning din" balik nila at sabay sabay kaming nag lakad papasok.
"Alam mo ba kie kanina may nag wawala dito yung anak ng governor,na dulas kase siya sa katangahan nya sinisi pa yung janitor." checka ni Elli. Napaka chismosa talaga nito.
"Kawawa naman pala yung janitor sinisi pa nya sa katangahan niya." ani ni lusha.
Habang nag lalakad at nag kekwentuhan kami ay biglang may humila kay nacia.
"Aray!" daing nya habang nag pupumiglas.
"Bitch mang-aagaw!" sigaw ng isang babae.pinag titinginan na sila ng ibang student na napapadaan.
"Huy bitawan mo siya tangina mo!" awat ni lusha sa babae pero hinawakan sya ng ibang kasama nito.
"Tama na huy mahiya naman kayo!" sigaw ni Elli at nakikiawat nadin pero hinaharangan siya ng ibang aliporis ng babaeng ito.
Tumingin silang tatlo sa akin kaya tumango ako.agad akong tumalon sa isang bench na malapit sa pwesto nila at saka lumambitin sa sanga ng puno na malapit sa bench at walang pag aalinlangan na tumalon sa gitna kung nasaan ang babae at si nacia.
Kasabay ng pag apak ko sa simento ay kasabay din ng pag tili ng babaeng humila sa buhok ni nacia.
"Ahhhh!!" daing ng babae. Nabitawan na nya si nacia habang sya ay naka higa na sa simento.
Agad kong nilapitan si nacia na magulo na ang buhok."Nacia!" yumakap ito saakin. ramdam ko ang panghihina nya.
Nang ilibot ko ang aking paningin ay lahat ng alipores ni jammy ay naka tingin na din. Agad din na lumapit saamin sina Elli at lusha.
"Masakit ba?" tanong ni lusha kaya agad syang binatukan ni Elli.
"Tanga ka ba malamang ikaw ba naman hilahin ang buhok!" Asik nito. Pero inirapan lang siya ni lusha. maldita talaga to.
"Tara na sa clinic." Aya ko na ikinatango ni nacia.
"Alam mo bilib talaga ako sayo kie pano mo napa tumba agad ang bruhang yun?" pag dadaldal ni lusha.
Kanina payan daldal ng daldal, napaka ingay.
"Excuse me lang ha hindi po ito tambayan!" Sita sa amin ng doctor dito sa clinic.
Aba napaka yabang naman ng doctor nato teka ngalang."Wala naman pong nag sabing tambayan ito nandito lang kami dahil nandito ang kaibigan namin!" sagot ko.
Nanlaki naman ang mata nitong tumingin sa deriksyon namin.
"Aba loko ka ah!" asik nito."Aba gago ka ah!" balik ko na halatang kinainis nito.
"Umalis na nga kayo dito kung ayaw nyung isumbong ko kayo sa mga professor nyo!" anito saamin.
Aba napaka yabng talaga akala nya naman ma dadala kami sa pananakot nya."Ayaw nga namin masyado kang disisyon." sagot ko. Na mas lalo nitong kinainis.
"Kie tama na." Suway saakin ng mga kaibigan ko.pero hindi ko ito pinansin.
"Siguro kasalanan mo kung bakit na bugbog ang kaibigan mo napaka pasmado kase ng bunganga mo." ani ng doktor.
Aba ako pa ang sinisi nito eh wala nga akong alam."Huy panot na doktor wag mo nga akong sisihin dahil wala akong alam at wala ka rin alam sa nangyari umayos ka kung ayaw mong sabunutan ko yang b*lbol mo!" sabi ko at mag sasalita pa sana ako nang takpan ni Elli ang bibig ko.
"A-ah hehe pasensya na po kayo sa kaibigan ko nawalan nanaman kase ng filter ang bungnga nya kaya masyado nang maingay hehe... Alis na po kami!" sibi nya at kinaladkad nako palabas.
Uwian na kaya andito ako ngayun naka sakay sa taxi. Tahimik lang ako sa beyahe ng tumunog ang phone ko.
Tumatawag si papa."Hello?" sagot ko sa tawag.[Anak dumeritso ka sa V&C company bilisan mo hihintayin ka namin.] ani papa bago mamatay ang tawag.
"Manong sa V&C company po tayo" sabi ko sa driver.
Bakit naman kaya? saka namin?... Hindi ko alam ang company na iyon pero alam naman siguro ito ng driver dahil hindi ito nag tanong.
"Manong ahm ano poba ang V&C?" tanong ko dahil gusto kong malaman kung tanong meron duon.
"Hindi nyo po ba alam?" tanong nito na ikina ngiwi ko.
"Malang mag tatanong ba ako kung alam ko?" sagot ko at umirap.
"Aba hindi nyo nga alam,V&C ay ang pinaka sikat at pinaka mayaman na companya kung saan ang pinaka mayamang tao ang nag mamayari nito." saad nito.
Syempre manong mayaman ang may ari alangan namang mahirap?
Kung ganun ano naman kaya ang gagawin ko duon?
"Nandito na po tayo ma'am." Sabi nito. Nag bayad na ako at saka bumaba na. At namangha ako sa bumungad saakin napaka taas building.
Nag lakad ako papasok at agad na may sumalubong saakin na babae.
"Hi ikaw po ba si Ms.Vertalia?" tanong nito na tinanguan ko."Ah dito po tayo." Anito kaya sinunod ko lang sya.
Pumasok kami ng elevator at pinintod nya ang 35 floor.Tahimik lang kami sa loob kaya naiinip na ako. Tumunog na ang elevator hudyat na bubukas na ito.
Lumabas ang babae kaya sumunod lang din ako sakanya. Huminto kami sa malaking pinto na kulay itim.
"Pasok na po kayo ma'am." Sabi nito at yumuko muna bago rumampa paalis.
Humarap ako sa pinto at daham-dahang pumasok.At parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa o mawala ng parang bula dahil lahat ng nasa loob ay na pa tingin sakin.
OA mo naman kie!
BINABASA MO ANG
I SEE NOTHING BUT REVENGE
RandomPag hihiganti ang tanging na kikita ni zakie para sa pagka matay ng kanyang pinaka mamahal na ina.