Devas
Habang nagpapahinga ang bathalumangcassiopeia ay may nagpakita sa kanyang Isang pangitain.
Sa PANGITAIN
Tinignan ni cassiopeia ang kanyang paligid
Ang 3 sanggre na nilalabanan ang mga masamang kawal
Sina Mira at paopao ay nilalabanan ang iba pang kaaway, habang ang mga bathaluman at bathala ay pilit na nilalabanan ang masamang nilalang
Cassiopeia tulong!! Sigaw ng Isang nilalang ngunit nahuli na sya sapagkat patay na Ang nilalang
Wag! Sigaw ni cassiopeia nang syay nagising, hindi napigilang tumangis ng bathaluman, at di nito namalayan na meron na palang naglaho sa kanyang likuran
Cassiopeia bakit ka tumatangis? Tanong ng nilalang
Wala ito, wag kang mag alala e correi, sagot ni cassiopeia
Cassiopeia alam kong meron kang itinatago, hindi mo maaaring itago sa akin, sabi ng nilalang na tila hindi natutuwa sa kanya
ayoko lamang na ika'y mag alala emre sagot ni cassiopeia
Cassiopeia mas lalo akong mag aalala kung ganyan Ang iyong kalagayan, sagot ni emre
Alam ko naman mahal ko, poltre kung itinatago ko sayo ito, sagot ng bathaluman
Wag kang mag alala mahal ko di naman ako galit sagot ni emre sabay halik sa pisngi nito
E correi diu, Emre
E correi diu CassiopeiaHabang nagyayakapan ang dalawa ay biglang yumanig ang devas, dali daling lumabas ang dalawa at laking gulat nila sa kanilang nakita,nilalabanan ni ether at haliya ang kambal ni cassiopeia na si casilda
Cassiopeia aking kapatid! sarkastikong pagsabi ni casilda
Ano na naman ito casilda?! hindi pa ba sapat ang pagsira mo sa aking tahanan?! Galit na sambit ni cassiopeia
Ganyan ka ba makipag usap sa iyong kapatid? Sambit ni casilda
Wala akong kapatid! noong trinaydor mo ako at muntik mong paslangin ang mga kaanib natin ay trinato ko nang patay ang aking kambal! Sigaw ng Cassiopeia
Tangnakreshna! sigaw ng casilda
Agad na binato ni casilda si cassiopeia ng kapangyarihan, sa lakas nito ay nawalan ng malay ang bathaluman
Cassiopeia!! Sigaw ni haliya at ether
Lapastangan! Anong karapatan mo upang saktan ang isang bathaluman, sigaw ni ether
Binato ng enerhiya ni haliya si casilda na agad namang naglaho, habang si cassiopeia ay wala pa ring malay ngunit agad namang sinaklolohan nina ether
Haliya ikaw muna ang mag alaga kay cassiopeia sapagkat may patutunguhan pa ako, Galit na sambit ni emre
Susundan ko muna sya haliya sapagkat masama ang aking kutob, sambit ni ether
Agad naman naglaho sina ether at emre
Sa kagubatan malapit sa kakariang yelo
Casilda magpakita ka!! Galit na sigaw ni emre
Emre huminahon ka, sabi ni ether
Paano ako hihinahon?! Sigaw ni emre
Alam kong galit ka ngunit hindi ito sapat na rason upang isumpa mo sya, sa digmaan mo na sya parusahan emre, at sa ngayon ay unahin muna natin si cassiopeia, sabi ni ether
YOU ARE READING
sacrifice
Fanfictionwhat would happen if cassiopeia had to choose between her life and encantadia