Devas
Nang marating ang devas ay agad na nagtungo ang bathalang emre sa silid ng kanyang pinakamamahal
Hindi naging patas Ang iyong laban mahal ko, hindi ka kinampihan ng tadhana, nawa'y matahimik ka na at nawa'y hinding hindi ka masasaktan kung nasaan ka man ngayon, wika ng bathala habang tumatangis
Hindi namalayan ni emre na naroon Pala sina ether sa pintuan at lumapit ito sakanya upang yakapin sya
Hindi man patas Ang naging laban emre, at nawalan man kayo ng bathaluman na labis nyong minahal ay matutuwa rin ito kung nasaan man sya, sapagkat naipanalo natin Ang laban emre, wika ng tumatangis na ether
Tama si ether emre, kung nasaan man si Cassiopeia ay tiyak akong matutuwa ito sa naganap na panalo natin, wika ni arde
Hindi na nagsalita si emre at iniwan muna sya ng mga bathaluman at bathala, habang sa lireo naman ay tila nawalan ng Buhay Ang lahat ng naroon
Lireo
Hindi Ako makapaniwala pirena, Wala na sya, Wala na si mata, wika ni alena
Ni ako'y Hindi rin makapaniwala Alena, hindi basta bastang sumusuko si mata at nakakahanap ito ng paraan ngunit tila itinadhana na talaga ito sa kanya, wika ni pirena
Habang sa silid naman ng mga sanggre ay hindi natatahan si lira
Ang unfair ng mundo sayo lola cassy parang ayaw nila kayong maging masaya, wika ng tumatangis na lira
Lira, Hindi mo ito kasalanan, alam kong sinisisi mo Ang iyong sarili ngunit hindi mo ito ginawa, si mata na Ang gumawa ng paraan upang iligtas ka, at lahat ng naroon, wika ni mira
Ngunit bes Ang unfair ng mundo sa kanya, hindi na sya pinasaya, kahit kaunti man lang, wika ni lira
Habang tinatahan ni mira si lira ay pumasok Naman si alira naswen sa silid ni Cassiopeia upang kausapin si emre
Devas
Mahal na emre, wika ni alira naswen
Ano iyon? Tanong ng bathala
Mayroon akong sulat na ibibigay sa inyo ni lira, wika ni alira naswen
Anong sulat? Nagtatakang tanong ni emre
Isa itong kasulatan na iniwan ng bathalumang cassiopeia sa akin at nais nyang ibigay ko ito sa inyo sa panahon sya ay namaalam na, wika ni alira naswen
Avisala eshma alira naswen, ngunit wala si lira rito, Ako lamang Ang narito, maaari bang Ang sulat para sa akin Ang iyo munang ibigay? Tanong ni emre
Hindi ho maaari mahal na emre, kailangan ho na sabay ko itong ibigay, wika ni alira naswen
Kung ganon ay intayin mo muna na dalahin ni haliya dito si lira, wika ni emre
Ang bathalang haliya naman ay agad dinala si lira upang nabasa na Ang kasulatan na iwinan ni cassiopeia
Devas
Mahal na emre, Ako raw ay ipinatawag nyo? Wika ni lira
Oo sapagkat narito Ang kasulatan na iwinan ni cassiopeia para sa iyo lira, wika ni emre na pinipigilang umiyak
YOU ARE READING
sacrifice
Fanficwhat would happen if cassiopeia had to choose between her life and encantadia