Pagdanak ng dugo

38 5 0
                                    

Karahiang nyebe

Nang makabalik na si casilda ay agad syang pumunta sa silid kung nasaan nakakulong ang kanyang kapatid, sa mukha pa lang ay napaka putla na ng bathaluman, at napakadami na nitong sugat sa katawan niya galing sa pagpapasakit sakanya ng mga kawal nyebe

Cassiopeia, mahal kong kapatid ba't tila nawala ang iyong tapang?, sarkastikong pagbati ni casilda

Agad naman syang tinignan ng bathaluman

Hindi pa sapat lahat ng parusa na ibibigay sa iyo ng mga bathala upang pagbayaran mo ito casilda, wika ng nanghihinang bathaluman

Ngunit sino sa ating dalawa ang naghihina ngayon cassiopeia? Hindi ba't Ikaw ito? Wika ni casilda

Kahit Ako ay nanghihina na ay hindi ko ibibigay sa iyo Ang iyong nais, hinding Hindi Ako susuko, wika ng bathaluman

Kung Yan Ang iyong nais kapatid, tignan natin kung ano ang mangyayari sa iyo at sa nga tinatawag mong mga kakampi mo, wika ng kanyang kapatid bago ito lumabas

Nawa'y mahanap nyo na Ako emre, wika ng bathaluman sa kanyang isip

Devas

Nang makabalik na ang mga bathaluman ay di maiwasan ni emre na mag alala at magalit ng labis

Emre! Wag kang magpadala sa galit, mahahanap natin si cassiopeia, sigaw ni ether

Nang kumalma na si emre ay tila napansin ni keros na iba ang galaw ng Isang bathaluman

Aalis muna ako, at ako'y may pupuntahan lamang , sabi ni haliya

Saan ka paparoon haliya? Tanong ni keros na may halong duda

Wag kang mag alala, may gagawin lamang ako, sabi ni haliya

Nang umalis na si haliya at huminahon na si emre, ay di maiwasan na magduda ng mga bathala sapagkat Hindi umalis si haliya ng Hindi sinasabi ang rason niya

Ako lang ba ang nagtataka kay haliya? Tanong ni keros at arde

Kami rin ay nagdududa sa kanyang kinikilos,dagdag Nina emre at ether

Susundan ko muna sya, sabi ni keros

Sige ngunit mag ingat ka, wika ni emre

Agad naglaho si keros, at nang nasundan niya ay nakita nya si haliya sa karahiang nyebe na tila may hinahanap

Hindi mo ba alam na napakadelikado ng iyong ginagawa?, bulong ni keros kay haliya

Ano't narito ka? Tanong ni haliya

Hindi bat ako dapat ang magtanong sa iyo niyan? Sagot ni keros

Hinahanap ko lamang kung saan niya kinulong si cassiopeia, sabi ni haliya

Ngunit alam mo na sa ginagawa mo ay maaaring gumawa ng kagulohan si casilda, sabi ni keros

Poltre ngunit masama ang aking kutob, sagot ni haliya

Habang nag mamanman ay lumabas si casilda, agad namang ginamit ni haliya ang kanyang kapangyarihan upang Hindi sila Makita at maramdaman nito

Itapon nyo na sya sa lireo, sapagkat alam Kong hinahanap na sya ng mga pashneyang diwata at Lalo na ng mga bathaluman at bathala, sabi ni casilda sa mga kawal nyebe

Sino ang itatapon nya? Tanong ni haliya sa kanyang isip

Agad na silang naglaho papuntang devas

Lireo

Habang nagpupulong ang mga diwata ay biglang nagpakita ang mga kawal nyebe dala dala  Ang bathalumang si cassiopeia, laking gulat ng mga ito at mas nagulat Ang mga sanggre

sacrificeWhere stories live. Discover now