simula ng bangungot

83 7 0
                                    

Devas

Habang nagpapahinga ang bathalumangcassiopeia ay may nagpakita sa kanyang Isang pangitain.

Sa PANGITAIN

Tinignan ni cassiopeia ang kanyang paligid

Ang 3 sanggre na nilalabanan ang mga masamang kawal

Sina Mira at paopao ay nilalabanan ang iba pang kaaway, habang ang mga bathaluman at bathala ay pilit na nilalabanan ang masamang nilalang

Cassiopeia tulong!! Sigaw ng Isang nilalang ngunit nahuli na sya sapagkat patay na Ang nilalang

Wag! Sigaw ni cassiopeia nang syay nagising, hindi napigilang tumangis ng bathaluman, at di nito namalayan  na meron na palang naglaho sa kanyang likuran

Cassiopeia bakit ka tumatangis? Tanong ng nilalang

Wala ito, wag kang mag alala e correi, sagot ni cassiopeia

Cassiopeia alam kong meron kang itinatago, hindi mo maaaring itago sa akin, sabi ng nilalang na tila hindi natutuwa sa kanya

ayoko lamang na ika'y mag alala emre sagot ni cassiopeia

Cassiopeia mas lalo akong mag aalala kung ganyan Ang iyong kalagayan, sagot ni emre

Alam ko naman mahal ko, poltre kung itinatago ko sayo ito, sagot ng bathaluman

Wag kang mag alala mahal ko di naman ako galit sagot ni emre sabay halik sa pisngi nito

E correi diu, Emre
E correi diu Cassiopeia

Habang nagyayakapan ang dalawa ay biglang yumanig ang devas, dali daling lumabas ang dalawa at laking gulat nila sa kanilang nakita,nilalabanan ni ether at haliya ang kambal ni cassiopeia na si casilda

Cassiopeia aking kapatid! sarkastikong pagsabi ni casilda

Ano na naman ito casilda?! hindi pa ba sapat ang pagsira mo sa aking tahanan?! Galit na sambit ni cassiopeia

Ganyan ka ba makipag usap sa iyong kapatid? Sambit ni casilda

Wala akong kapatid! noong trinaydor mo ako at muntik mong paslangin ang mga kaanib natin ay trinato ko nang patay ang aking kambal! Sigaw ng Cassiopeia

Tangnakreshna! sigaw ng casilda

Agad na binato ni casilda si cassiopeia ng kapangyarihan, sa lakas nito ay nawalan ng malay ang bathaluman

Cassiopeia!! Sigaw ni haliya at ether

Lapastangan! Anong karapatan mo upang saktan ang isang bathaluman, sigaw ni ether

Binato ng enerhiya ni haliya si casilda na agad namang naglaho, habang si cassiopeia ay wala pa ring malay ngunit agad namang sinaklolohan nina ether

Haliya ikaw muna ang mag alaga kay cassiopeia sapagkat may patutunguhan pa ako, Galit na sambit ni emre

Susundan ko muna sya haliya sapagkat masama ang aking kutob, sambit ni ether

Agad naman naglaho sina ether at emre

Sa kagubatan malapit sa kakariang yelo

Casilda magpakita ka!! Galit na sigaw ni emre

Emre huminahon ka, sabi ni ether

Paano ako hihinahon?! Sigaw ni emre

Alam kong galit ka ngunit hindi ito sapat na rason upang isumpa mo sya, sa digmaan mo na sya parusahan emre,  at sa ngayon ay unahin muna natin si cassiopeia, sabi ni ether

sacrificeWhere stories live. Discover now