Kasulatan at katotohanan

32 4 0
                                    

Nang ibigay na ni alira naswen ang kasulatan ay tila iniwasan ni lira ang pagbasa nito lalo na't ang gumawa ng kasulatan ay ang taong kapapaalam lamang sakanya

Hindi ko kaya, pwede po bang ikaw magbasa nito?, Wika ni lira na mukhang maiiyak

Maaari ho sanggre, wika ni alira naswen at inumpisahan nya na ang pagbasa nito

Aking mahal na luntei,

sa panahong itoy iyong nababasa ay namaalam na ako, nais kong malaman mo na hindi mo ito kasalanan, ang nais ko at nais ng aking puso ay ayusin ko ang aking mahal na tahanan kung kaya't ayokong tumatangis kayo sa aking pagpapaalam, nais kong malaman mo na ang aking engkantasyon ay  nagagamit lamang kung tama na ang panahon, at nung mahanap mo ako na hawak² ito ay alam kong malapit na ang panahong  yon, kaya wag kang tumangis mahal kong luntei sapagkat lahat ng ito ay may rason. Alagaan mo ang aking tahanan at ang aking mga pashneya, wag kang maging sutil tun go sa iyong mga ashti, ngunit wag mong pigilan ang iyong sarili sa paggawa ng karapat dapat na gawin, nais kong kalimutan mo ang aking engkantasyon sapagkat ang engkantasyon na iyon ay kikitil ng buhay ng karapat dapat lamang, kaya babalik ito kung malapit na iyon, sa ngayon ay alagaan mo ang iyong sarili, paalam mahal kong luntei

Nang matapos ang pagbabasa ay agad na nagtaka ang bathala, sapagkat wala syang kaalam alam sa kanyang narinig

Alam mo ang engkantasyon na iyon lira? Tanong ng bathala

Opo mahal na emre, sagot ni lira habang tumatangis

Paano? Tanong niya ulit kaya kinuwento na ito ni lira sa lahat

Pumunta ng silid aklatan ang diwani upang magbasa nang makita niya ang isang nilalang na may kinuhang libro, agad niya itong nilapitan, lola cassy anong ginagawa mo dito? Tanong ng sanggre, meron lamang akong kinuha na libro lira, sagot ng bathaluman, ngayon ay magpapaalam muna ako lira sapagkat meron pa akong mga gawain na tatapusin, at agad itong naglaho, naiwan namang nagtataka ang sanggre sapagkat hindi basta bastang kumukuha ang bathaluman ng libro kung hindi ito makakapahamak kung kaya't sinundan niya ito at bigla niyang nakita na binabalot ni cassiopeia ng mahika na di nya alam para saan, lira alam kong nariyan ka, pagtawag sakanya ng bathaluman, hi great grandmother cassiopeia, wika ni lira at agad syang nabasa ng bathaluman, lira alam kong nagtataka ka ngunit wala kang dapat ipag alala sapagkat tinatago ko lamang ang libro na ito upang Hindi ito magamit laban sa atin, wika ni cassiopeia, pero paano po ba ito magagamit laban sa atin lola cassy?, tanong ng sanggre, sa pamamagitan ng engkantasyon lira, ang librong ito ay ginawa ko noon upang isulat ang aking mga engkantasyon na ginawa ngunit isa sa mga engkantasyon na iyon ay aksidenteng nalaman ng Isang nilalang at balak niyang gamitin laban sa akin kaya akin itong hinanap at tinggalan ng alaala tungkol sa librong ito, wika ni cassiopeia, ngunit ano ba ang nagagawa ng engkantasyon na ito mata? Tanong niya ulit, ang engkantasyon na iyon ay binabasa ang nais ng iyong sarili at nang iyong puso at kung mapasakamay ng maling nilalang ay maaari itong ikawasak ng encantadia, at itong libro na ito ay aking pinrotektahan sa kahit sino kung kaya't binabalot ito ng mahikang itinatago ito sa kahit sino kahit sa mga bathala at bathaluman, ngunit nagamit ko na itong engkantasyon na ito sa etheria at sa tulong ng bathalumang ether ay nadaig namin ito, sagot ni mata, pero diba ang etheria ang nagsasamba kay ether?, Wika ni lira, oo ngunit alam niya na Hindi makakabuti ang mga etherian sa encantadia Lalo nat sa simula pa lamang ay nais na nitong sakupin ang encantadia, kaya napagpasyahan ni ether na tulongan ako upang madaig ito, wika ni cassiopeia

Ibig mong sabihin ay matagal na yang engkantasyon na ginawa nya ngunit sinira nya? Tanong ni emre

Opo, umiiyak na sabi ni lira

Lira mas makakabuti muna kung tayo lamang ang nakakaalam sa sulat, wika ni emre

Opo hindi ko to ipagsasabi, wika ni lira

Naglaho si emre upang basahin ang sulat ni cassiopeia para sa kanya

E correi,

Alam kong marami kang tanong ngunit hindi na ako ang makakasagot nun, ngunit isa sa ating mga kaibigan lamang ang makakasagot nun mahal ko, alam mo na ang kanyang ngalan, sa kanya mo lang ito malalaman, mahal ko salamat at pinaranas mo ako ng pagmamahal kahit namaalam na ako ay pinamalas mo sa akin na meron pang nagmamahal sakin, mahal ko sana hindi mo na ako alalahanin lalo na ngayon, at sana hindi ka na tumangis pa lalo't ayokong nakikita na ikay tumatangis, paalam mahal ko alagaan mo ang iyong sarili at ang encantadia para sa akin, e correi diu emre

Matapos basahin ay niyakap ni emre ang kasulatan, e correi diu mahal ko, tumatangis na wika niya, at matapos pahiran ang kanyang luha ay nagtungo ito ng balaak,

Balaak

Naglaho ang bathala at nakita ang kanyang mga kaibigan

Emre mabuti at narito ka, alam ko na Ang iyong pakay kaya halika na, wika ni ether

Naglaho ang dalawa at nag usap

Wag ka nang mgapligoyligoy pa ether sabihin mo na sa akin, wika ni emre

Flashback

Ether maaari ba kitang kausapin, tanong ni cassiopeia

Oo naman, ano ang nais mong pag usapan? Tanong ni ether

Batid mo ang tungkol sa engkantasyon na aking itinago Hindi ba? Tanong ni cassiopeia

Oo, at batid ko rin na itoy sinira mo na, wika ni ether

Nagpakita na ulit ang kasulatan ether, ngunit Hindi sa karaniwang paraan, pinapipili na ako ng kasulatan kung sino ang aking isasakripisyo, wika ni ether

At sa aking nakikita ay dalawa lamang ang iyong mapagpipilian, ang iyong sarili o ang iyong luntei, wika ni ether, ngunit bakit Hindi ko Makita ang mangyayare sa hinaharap?, Dugtong na tanong nito

Sapagkat pinigilan ko Ang iyong kapangyarihan, wika ni cassiopeia

Cassiopeia, sino ang iyong pipiliin?, Alalang tanong ng bathaluman

Ether, poltre ngunit Hindi kakayanin ng aking diwa kung si lira ang magsasakripisyo dahil sa aking kakambal, wika nito

Cassiopeia! palagi na lamang sila ang iyong iniisip, paano ka? Paano si emre? kami? Cassiopeia tadhana na lamang ang iyong panigan, lalo na't sisiguraduhin namin na mananalo tayo! Wika ni ether

Kaibigan poltre ngunit nang maging hara ako ay tanging kabutihan lamang ang aking nais na mangyari para sa encantadia, Hindi ko kakayanin kung isa sa kanila ang mawawala ng dahil Hindi ako gumawa ng paraan, at Hindi nyo mapapanalo ang labanan kung Hindi ako magsasakripisyo, wika niya

Cassiopeia poltre rin lalo na't Hindi ako papayag sa iyong gagawin batid Kong nais mo lamang matahimik ang encantadia ngunit paano naman kami cassiopeia Hindi namin kakayanin na wala ka, lalo na si emre masasaktan ito ng labis sa iyong desisyon at tiyak Kong pipigilan ka nito, wika ni ether

Kaya hindi mo ito sasabihin sa kanya, wika ni cassiopeia

Cassiopeia, wika ni ether nang maiiyak

Ether, pakiusap wag mo itong ibabanggit sakanya, huling pakiusap ko na ito ether, wika ni cassiopeia na pinipigilan ang kanyang luha

Niyakap lamang ni ether ang bathaluman habang tumatangis

Avisala meiste cassiopeia bulong nito

Avisala meiste ether, wika ni cassiopeia

Flashback ends

sacrificeWhere stories live. Discover now