Lireo
Nang dumating ng araw ng piging ay bumaba Ang lahat ng mga bathala at bathaluman kasama ang mga ivtre upang makipag saya
Ngunit sa di inaasahan ay biglang tumakbo ang Isang encantado sa piging at sumigaw
Mahal na emre tulungan nyo po ako, biglang hinarap ng lahat ang encantado
Anong nangyari sa iyo encantado? Tanong ng bathala
Habang si cassiopeia naman ay binasa ang isip nito,
Tila mayroong nakatakas na ivtre sa balaak emre, wika ng bathaluman,
Mukhang tama ay iyong bathaluman emre, wika ni arde,
Cassiopeia,emre at mga hara paalam muna sapagkat bababa kami ni arde upang siguraduhin na Hindi ito mauulit, wika ni ether at naglaho ang dalawang bathala,
Hays si kuya panira ng moment, wika ni lira at agad naman itong sinuway ni mira
Bumalik naman sa kasiyahan ang lahat matapos gamutin ni cassiopeia ang encantado
Agad naman bumalik ang dalawang bathala at nakisaya na rin, matapos ay nagsayawan ang mga diwata, ngunit lumabas lamang si evades na agad ay sinundan ni cassiopeia
evades bakit narito ka habang nagsasaya ang iba? Tanong bathaluman
Sapagkat hindi kinakaya ng aking sariling magsaya lalo na't mayroon pa ring katanungan sa iyong isipan cassiopeia, wika ni evades
Bago magsalita ang bathaluman ay biglang sumulpot si lira,
Lola Cassy, Mr. Sibuyas Este evades pinapapasok na po kayo ni emre upang magpasalamat sa lahat, wika ng sanggre
Susunod lamang ako lira, wika ni evades habang si cassiopeia ay nagpaalam na lamang at pumasok na sa loob, agad na nagsalita si hara alena
Sa pagkakataon na ito ay may nais na sabihin ang bathalumang cassiopeia sa inyong lahat, wika ni alena at agad tinignan ng lahat si cassiopeia,
Avisala eshma alena, nais ko lamang sabihin na maraming salamat sa inyo lalo na sa lahat ng mga tumulong sa amin upang mapaslang ang mga masasama lalo na ang aking noo'y matalik na kaibigan na si casilda, avisala eshma at ivo live encantadia, wika ng bathaluman at agad nyang nakita ang pagtataka sa mukha ng lahat,
Lola cassy anong ibig nyong sabihin na matalik na kaibigan? Tanong ni lira,
Hindi bat dati kong matalik na kaibigan si casilda ngunit trinaydor nya ako? Nagtatakang wika ni cassiopeia at bago sagutin ni lira ang tanong ay sumulpot si emre,
Poltre ngunit kailangang magpahinga ni cassiopeia lira, paalam muna, wika ng bathala bago maglaho kasama sina haliya, habang sina lira naman ay nagtataka kung bakit ganon ang bathaluman
Devas
Emre maaari ba tayong mag usap? Tanong ni ether,
Hindi ko rin alam ether at hindi ko rin makita ang kanyang nakaraan, ngunit batid kong may kinalaman ang pinakamataas na bathala sa mga nangyayari sa kanya at mayroon syang dahilan rito kung kaya't wag na nating ipilit ang pagtataka ether, wika ni emre at sumang ayon na lamang ang bathaluman
Lumipas ang mga oras ay di pa rin nawawala ang pagtataka nina lira sa mga nangyare sa bathaluman
YOU ARE READING
sacrifice
Fanfictionwhat would happen if cassiopeia had to choose between her life and encantadia