pangitaing di mapigil

19 0 0
                                    


ISLA NG CAPADES

Habang nagpapahinga ang bathaluman ay bigla itong dinalaw ng isang pangitain

Sa pangitain

Tumitingin ang bathaluman sa paligid at nakita ang isang nilalang

Sino ka? At ano ang iyong nais sa akin? Tanong ng bathaluman

Avisala cassiopeia, wika ng nilalang

Minea? Ano at tila hindi maganda ang aking nararamdaman? Wika ni cassiopeia

Mayroong magaganap na pagta traydor sa inyo, at di na ito mapipigilan mata, wika ni minea na may hawak na libro

End

Hindi! Sigaw ng bathaluman ng syay magising

Ano ang ibig sabihin mo minea, tanong niya sa kanyang isip. Upang kumalma ay nagtungo muna sya sa devas kung saan naroon sina ether at arde, nang syay maglaho sa kanilang harapan ay rila alam na ni ether ang nangyari

DEVAS

Wala tayong magagawa cassiopeia, sa sinabi ni minea ay nasa tadhana na ito ng munting encantada, wika ni ether

Ngunit hindi ito maaari, isa akong bathaluman ngunit di ko kayang protektahan ang mga enkantado? Ano pa't binuhay ako ulit?, tanong ng bathaluman na tila galit na

Sapagkat iba ang dahilan ng nasa itaas kung kaya't ikay narito ulit, wika ni emre na kakabalik lamang

Hindi nyo ako na iintindihan, hindi ito isang walang kwentang suliranin, isa itong buhay emre, BUHAY NG PAG ASA NG ENCANTADIA, ANO PA BA'T NARITO AKO MULI KUNG HINDI KO RIN NAMAN ITO MA ILIGTAS!, sigaw ng bathaluman

Cassiopeia tama na, wala tayo sa kapangyarihan at estado upang makialam sa tadhana ng iba, wika ni haliya

Ngunit sa tinding galit ay umalis ang bathaluman, habang ang iba ay tila nawalan ng gana, ngunit sinira ito ng may magsalita

Mahal na emre, pasensya na ho at ako'y narito ngunit nais ko hong malaman ang katotohanan, wika ng nilalang

Mira, alam ba ni lira na ikay narito? At ano ang iyong nais na malaman? Wika ng bathala na alam na ang tanong sa isipan ng diwani

Bakit tila hindi matahimik si mata? Tanong ni mira

Sapagkat mayroon kaming hindi maprotektahan na pangyayari, wika ng bathala

Avisala eshma mahal na emre, yan lamang ho at aalis na ako, avisala meiste, paalam ng diwani ng maglaho ito

Akin munang pupuntahan si cassiopeia, wika ni haliya at sabay naglaho

Habang si cassiopeia naman ay pumunta malapit sa kanyang dating tahanan, at linabas lahat ng galit nya

ANO BAT TILA HINDI NYO AKO KINAKAAWAAN?! BAKIT TILA PALAGI NYO NA LAMANG AKONG PINAPASLANG SA SAKIT?! GANITO BA TALAGA LAHAT?! ANO BA ANG AKING MALING GINAWA? NAG SAKRIPISYO NA AKO AT INALAY KO ANG BUHAY KO PARA SA ENCANTADIA NGUNIT LAGI PA RIN AKONG NASASAKTAN SA MGA PANGITAIN AT TADHANA NA INYONG GINAGAWA!, sigaw ng bathaluman na ngayon ay tumatangis na lamang sa sakit na kanyang nadadama

Ano bat tila hindi pa rin sapat lahat ng nagawa ko? Bakit tila di nyo pa rin ako binibigyan ng katahimikan? Sino pa ba ang karapat dapat na mawala? Wika nito sa kanyang isipan

Di pa rin tumitigil sa pag iyak ang bathaluman ng may biglang naglaho sa kanyang harapan, at syay nilapitan at niyakap

Bakit ba to nangyayari emre? Ano pa bang kailangan nila at sinasaktan pa rin nila ako? Para akong nasasakal at pinapaslang sa sakit, mahinang sabi nito

sacrificeWhere stories live. Discover now