katahimikan o katotohanan

20 0 0
                                        

DEVAS

Kung totoo nga Ang iyong sinasabi ay tila napakamali na man ng ginawa sa kanya lalo na't ang kapatid nya ang isa sa mga encantadang labis niyang minahal, wika ni haliya

Ngunit mayroon ring rason ang mga naroon sa pinakamataas kung bakit nila ito ginawa sa kanya, wika ng bathala, ngunit nais ko pa ring alamin kung ano ang katotohanan, kaya aakyat muli ako sa ating tahanan upang makausap ang nasa itaas, pag-dugtong ng bathala

Sasama ako sapagkat nais ko ring matiyak kung mayroon bang  katotohanan ang ating iniisip, wika ni haliya

Kung yan ang iyong nais haliya, wika ng bathala

PUNONG BULWAGAN NG DEVAS

Babalik kayo sa ating tahanan? Tanong ni ether

Oo, sapagkat nais ko ng sagot sa aking mga tanong at doon ko lang mahahap yon, wika ni emre

Ngunit paano sya? hindi natin natitiyak ang kaligatasan nya lalo na ngayon na di nya kilala si casilda, wika ni ether

Tama sya emre, hindi natin matitiyak ang kaligtasan ni cassiopeia dito sa devas, lalo na ngayon at baka di nya rin maaalala kung sino ang mga dati nyang kaaway, sagot rin ni arde

Iiwan ko muna sya sa isla ng capades, ddon sa tahanan nya, doon ay matitiyak kong ligtas sya sapagkat nilagyan ko ito ng malakas na basbas upang walang sino man ang basta bastang makakapasok, wika ni emre

Kung yan ang iyong nais kaibigan ay wala kaming magagawa, wika ni keros

TAHANAN NG MGA BATHALA/LANGIT

Tiyak kong papunta na sila emre upang alamin ang ginawa ko sa inyong anak, wika ng pinakamataas na bathala

Ngunit di nya pa rin ba batid na nasabi nya na ang totoo sa kanyang isipan? Wika ng ina ni Cassiopeia

Oo, ngunit isa si emre sa mga bathalang hindi basta bastang maniniwala lao na at hindi nya ito narinig mula sa akin, wika ng pinaka mataas na bathala

Sa kanilang pag uusap ay biglang naglaho si emre sa kanilang harapan kasama si haliya, nagbigay pugay ang dalawa at iniwan sila ng ina ni Cassiopeia

Emre batid ko kung bakit ka narito, at sasabihin ko na ang kadahilanan, wika ng bathala

Kung ganon ay maaari na tayong mag usap, wika ni emre

Bakit ganon sya? Ni kakambal nya ay di nya maalala? Tanong ni haliya

Dahil sa usapan namin, noong narito sya ay binigyan ko sya ng gantimpala dahil sa kabutihan at sakripisyo nya, ngunit sa kondisyon na hindi nya maalala si casilda at ang nakaraan nila, wika ng bathala

Ngunit si zhakilo ay buhay pa, sa pagkakataon na ito, karapat dapat na alam nya ang lakas at kapangyarihan ng kalaban, wika ni emre

Hindi nawala ang alaala nya sa lakas nila, alam nya pa rin ito ngunit ang koneksyon nya sa kanila ay di nya na dapat pang malaman sapagkat itoy wala nang halaga, noon na pa man ay dapat hindi na nabuhay si zhakilo dahil sa galit, wika ng bathala

Ang iyong sinasabi ay hindi pa rin sya ligtas hanggang ngayon? Tanong ni haliya

Ligtas na ang bathaluman ngunit hindi ko isinisigurado ang tadhana ng kanyang luntei, wika ng pinakamataas na bathala

Alam ko na, ngunit hindi ko batid kung nakita nya na ito, wika ni emre na tila dismayado

Labis na masasaktan si Cassiopeia pag nakita nya yon, ngunit alam nyang wala na syang magagawa hindi ba?, tanong ni haliya

Wala syang magagawa sapagkat hindi ito itinadhana sa kanyang luntei, wika ng bathala

Kung ganoon ay magpapaalam na kami avisala eshma, wika ni emre, at silay naglaho pabalik ng devas

HABANG SA LIREO

Hindi ko maintindihan kung bakit tila di maalala ng bathaluman ang kanyang kakambal, wika ni amihan

Iyan lang ba ang iyong narinig amihan?, tanong ni danaya

Oo, syang tunay, tila hindi nga alam ng bathaluman ang nangyari sa kanilang dalawa, wika ni amihan

Ano kaya ang naganap at tila di na pabor ang tadhana sa kasiyahan ng bathaluman, wika ni danaya

sacrificeWhere stories live. Discover now