Hahahaha surprise naka update na naman ako, nakapag me time kasi
Lahat na lamang ay ginawa nya para sa encantadia, kahit masasaktan sya ay pilit nya paring nililigtas ang lupaing tinuturing nyang tahanan, wika ni emre
Emre batid Kong masakit ngunit kailangan nating tanggapin na namaalam na nga ang bathaluman at hara durie ng mga diwata, wika ni ether
Bago mayakap ni ether ang kanyang kaibigan ay biglang naglaho si emre, habang sa devas ay nagpapaalam na si lira upang bumalik na muna sya ng lireo
Alira naswen, Khalil, inay paalam muna bababa na kasi ako ng encantadia, wika ni lira
Paalam sanggre, wika nina Khalil
Paalam anak, wika ni amihan
Naglaho na si lira pabalik ng lireo, at si emre ay pumunta muna sa Isla ng capades, nang marating nya ito ay agad syang nagtungo sa silid ni cassiopeia sa Isla, doon ay nakita nya ang kabilan ng bathaluman at agad syang umupo sa higaan nito
Tila hindi naging patas ang Tadhana mahal ko, parang pinasabik lamang ang aking puso sapagkat nabuhay ka nga ulit sa kamatayan noon at nakasama pa kita ngunit agad kang binawi sa akin, wika ni emre habang pinagmamasdan ang sandata ng bathaluman
Sa langit naman ay nagising na ang bathaluman
Nasaan ako? wika ng bathaluman habang pinagmamasdan ang kapaligirang napaka tingkad
Mabuti at gising ka na aking anak, wika ng pamilyar na boses
Ina! Masayang wika ni cassiopeia at agad nya itong niyakap
Halika na at mayroong nais kumausap sa iyo, wika ng kanyang Ina
Sino Ina?, Tanong ng bathaluman
Wag mo nang i tanong anak sapagkat makikilala mo rin sya, wika ng kanyang Ina
Agad silang naglakad patungo sa Isang silid kung nasaan napakaraming mga kawal ngunit binibigyan pugay sya ng mga ito, habang nagmamasid ang merong biglang nagsalita
Cassiopeia, mabuti at narito kana, wika ng nilalang
Poltre ngunit sino ka? tanong ng bathaluman na nagtataka
Ako Ang tinatawag nilang, pinakamataas na bathala, wika ng nilalang
Agad namang nag bigay pugay si cassiopeia
Cassiopeia bilang Isang bathaluman ay hindi mo na kailangan pang magbigay pugay, natatawang wika ng pinakamataas na bathala
Poltre ngunit hindi ako kasing pantay nyo mas nakakataas kayo kung kaya't karapat dapat lamang na akoy magbigay pugay sa iyo, wika ni cassiopeia
Hindi nga ako nagkamaling bigyan ka ng aking dugo, sapagkat isa kang karapat dapat na diwata, wika ng bathala
Poltre, ngunit ang ibig nyong sabihin?, Nagtatakang tanong ni cassiopeia
Maaari nyo na kaming iwan, wika nito sa mga kawal at agad silang umalis habang lumapit ang bathala kay cassiopeia
Cassiopeia nang kayo ay nabuo sa sinapupunan pa lamang ay kailangan kong pumili sa iyo at iyong kakambal kung sino ang karapat dapat na bigyan ng aking dugo sapagkat nakita ko na isa sa inyo ay magiging bathaluman, hindi na ako nagduda at ikaw Ang aking pinili, wika ng bathala
Avisala eshma at akoy iyong pinagkatiwalaan, wika ni cassiopeia
Cassiopeia batid kong masakit ang iyong naging desisyon ngunit pinili mo pa rin ang nararapat para sa encantadia, kung kaya't mayroon akong gantimpala para sa iyo, wika ng bathala
Ngunit meron itong kondisyon, pagdugtong nito
Ano iyon bathala? Tanong ni cassiopeia
Maibibigay ko Ang iyong buhay ulit ngunit kakalimutan mo na Ang iyong nakaraan at ang iyong kapatid, wika ng bathala
Ngunit silay aking pamilya? Wika ni cassiopeia, maaari bang pag isispan ko muna ang iyong Alok bathala? Wika ni cassiopeia
Oo,maaari na kitang Iwan sapagkat meron pa akong mga suliranin na tatapusin, pagpapaalam ng bathala
Habang naglalakad ay biglang nakita ni cassiopeia ang kanyang Ina at ama na napakasayang sumasayaw at ngumiti sya
Panahon na ba upang bumalik ako? Tanong nito sa kanyang sarili
YOU ARE READING
sacrifice
Fanfictionwhat would happen if cassiopeia had to choose between her life and encantadia