Kabanata 1

420 20 0
                                    

Kabanata 1

"Be careful, Sofia!" Bawal ko sa aking anak dahil patakbo itong pumapanik sa hagdanan ng aming bahay...dito sa Pilipinas. Hinihingal pang humahabol sa kanya si Lorna, ang anak ni Manang Loti na dati rin naming katulong.

"Siya na ang kunin mong yaya ni Sofia, anak. Muka namang mahilig rin sa bata, sasabihin kong full time na sya sa pagiging yaya ng apo ko. Wag na syang tutulong rito sa bahay, nang sa gayon ay matutukan nya si Sofia, muka pa namang malikot." Natatawang mungkahi sa akin ni mama habang nauupo kami sa aming sofa. Nag lapag si aling Rowena ng juice at cake sa lamesa na nasa aming harap. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice para maka inom.

"Oo nga, Ela. Kaya na namin ni Carol ang gawain rito, mukang sobrang likot ng anak mo. Hindi ka naman ganyan kalikot nang bata ka. Mukang nag mana sa ama." Natatawang wika ni Aling Rowena. Bigla akong nasamid.

"Ay sorry, may aasikasuhin pa yata ako sa kusina," aniya na agad na umalis sa aming harap ni mama.

Agad akong tiningnan ni mama habang nanliliit ang kanyang mata. Kung balak nyang mag tanong, huwag na nyang subukan dahil wala naman akong maisasagot. At mukang alam na rin naman nya iyon.

Kababalik lang namin ngayon rito sa Pilipinas. Medyo nahihilo pa rin ako sa byahe. Si Kuya ay naiwan doon sa America kaya kaming dalawa lang ni Sofia ang bumyahe pauwi.

Apat na taon na ang lumipas simula nang pumunta kami ni kuya sa America. Akala ko ay isang taon lang kaming tatagal doon ngunit nang nalaman kong buntis ako ay binalot ako ng matinding takot.

Iyak ako nang iyak noon kay kuya habang galit na galit naman siya kay Shander. Akala niya kasi ay si Shander ang naka buntis sa akin. Ngunit nang sinabi kong hindi si Shander ang ama ng dinadala ko at sinabi kong hindi ko kilala kung sino iyon ay lalo s'yang nag puyos sa galit.

Akala niya noong una ay ayaw ko lang sabihin, ngunit kahit anong piga at pag pupumilit n'yang malaman kung sino talaga ang ama ng anak ko ay wala talaga akong maisagot sa kaniya. Doon, sumuko na sya. Wala naman na kaming magagawa. Nandito na to.

Hindi sya makapaniwalang nabuo ang anak ko sa isang one night stand. My parents immediately rushed to America when my brother informed them that I was pregnant. Iyak ng iyak si mama habang si papa ay dismayado sa akin.

Hiyang hiya ako sa kanila. Alam kong nasaktan ko ng sobra si mama. I also chose to give birth in America, I was afraid to return here because of the shame. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan ko noong college? Na disgrasyada ako? Halos ang iba pa naman sa kanila ay nag tatrabaho sa company namin.

Pinilit kong maging maganda ang image ko noong nag aaral pa ako dahil gustong gusto ko ang lahat nang papuri na binabato nila sa akin noon; na mayaman, maganda, mabait at matalino.

Pero nang makapag tapos ay naging bobo. Naloko na nga ng boyfriend, naanakan pa ng hindi kilalang lalaki.

Ngayon na nga lang yata ako naglakas loob na umuwi. Ngayon nalang nag sink-in sa utak ko na, tapos na ang kabanata ng buhay ko, kung saan isa akong perpektong tao sa mata ng iba.

Because the truth is, I am not perfect. Punong puno ako ng kakulangan. Puno ng kasalanan.

Ngayon ay gusto ko nang itama ang lahat. Para makabawi kila mama, para sa sarili ko at para sa anak ko. Iyon nga lang wala akong plano na hanapin pa kung sino ang ama ng anak ko.

Hindi ko naman sya kailangan sa buhay ko ngayon. Masaya ako ngayon kahit single ako, dahil kasama ko ang anak ko.

Dahil rin sa anak ko ay mabilis akong naka move on kay Shander. Simula palang nang malaman ko na buntis ako ay nabura sa isip ko ang gagong iyon.

Hold Me Tight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon