Kabanata 16

240 13 1
                                    

Kabanata 16

Sa totoo lang natatakot ako. Paano kung kunin niya si Sofia sa akin? Paano kung sa kaniya sumama ang anak ko? Matagal nang nangulila sa ama ang aking anak. Baka iwanan nila ako.

Parang winawasak ang puso ko sa isiping iyon. Hindi ko kakayanin at talaga ikamamatay ko tiyak, kung mangyayari man 'yon.

Tamihik lang si Rix habang byahe. Pinili ko narin na hindi magsalita dahil natatakot akong sumabog siya. Tanging mabibigat na hininga niya lang ang naririnig ko. Ang takbo rin namin ay mabilis na siyang ipinag aalala ko. Mabuti na lang at nakarating kaming ligtas sa bahay.

Gulat na gulat si Mama nang sabay kaming bumaba ni Rix. I know she wants to talk, but she chose not to. She just looked at us, back and forth with questioning eyes.

Dire-diretso ang lakad ni Rix patungo sa loob ng bahay namin na parang kaniya ito.

Sumunod kami ni Mama at kinalabit ako.

"Anong nangyari? Bakit narito 'yan?" tanong niya.

"Alam na niya ma." bulong ko ngunit ang tingin ay nananatili parin sa likuran ni Rix na ngayon ay malalaki ang hakbang.

Huminto si Rix sa aming sala at luminga linga.

"Where is she?"

Tumingin ako kay mama. "Te-teka tatawagin ko lang. nag na-night swimming sa pool at naiinitan kanina." aniya.

Naupo si Rix at sofa at pinagtaklob ang dalawang kamay habang nakayuko. Nangangatog ang binti at mukang hindi na makapag hintay.

Ilang saglit pa ay narinig ko si Mama at ang mga yapak na mabilis ni Sofia.

"Dahan-dahan, Sofia! Basa kapa! Madulas ang sahig hija!" sigaw ni Mama na mukang hindi pinakinggan ng aking anak.

Tumulo ang luha ko nang makita siyang tumatakbo palapit sa amin at umiiyak. Tumayo si Rix at sinalubong ang aming anak.

Napatakip ang aking mga palad sa aking muka habang umiiyak. Pinag masdan ko silang nagyakapan. Lumakas ang iyak ng anak ko na ikinadurog lalo ng puso ko.

"Da...dy! Daddy! Bakit ngayon ka lang! Daddy!" hiyaw ng anak ko habang umiiyak.

Nakita kong umiiyak rin si mama. Tinawag niya ang kasambahay namin at narinig kong nagpakuha siya ng tuwalya at tubig.

Ilang minutong ganoon ang ayos ng mag ama ko. Umiiyak rin si Rix kahit sinusubukang aluin si Sofia.

Nang bumitaw sila sa isa't-isa at iniabot ni mama kay Sofia ang tubig. Ikinuha naman ni Rix ang tuwalya sa kamay ni mama at siya na ang nag punas sa aking anak habang umiinom ito. Humihikbi pa si Sofia at saglit lang na uminom at yumakap muli sa kaniyang ama.

Gabi na at narinig ko ang pag bukas ng pinto at nalingunan ko ang pag pasok ni Papa.

Kumunot ang noo nito at siryosong pinanood ang pwesto ni Rix at Sofia. Lumapit si papa kay mama at si mama naman ay kinuha ang nga dalang gamit ni papa. Mukang galing pa s'yang office.

Lumapit ang kasambahay kila mama ay sila na ang kumuha ng ibang gamit kay papa. Dahan dahan kumalas ng yakap si Rix kay Sofia at maingat na tumayo at tumingin sa aking ama.

Hold Me Tight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon