Kabanata 28

119 8 0
                                    

Kabanata 28

Busy ang lahat sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. May dalawang pulis sa magkabilang gilid ni Shander. He looks so devastated. Nakauyo lang siya at parang wala nang ganang lumaban pa.

Tiningnan ko ang relo ko. Sana mabilis lang itong matapos. Pinapunta ko rin kasi si Ariana sa bahay para masukatan narin siya mamaya. Excited rin ang isa iyon.

Together with my family, we were both sitting here inside the court room. Mataas ang noo ni Mama at ayaw man lang sulyapan ang nasa kabilang panig. Katabi ko si Rix habang ang kapatid niyang si Monique ay na kabilang upuan.

Kung totoong may problema ngayon sa pag iisip si Shander, siguro ay mas malala ang kay Monique. Hindi niya ba naiisip na hindi siya gusto ng lalaking ipinag lalaban niya? Baliw rin siya kung hindi niya nakikita iyon.

Sinulyapan ko ang gawi nila habang nag sasalita sa harapan ang judge. Shander's parents are both here. Sumulyap kanina sa akin ang Mommy niya at panay ang irap. Nang makita nila si Rix ay hindi na ulit sumulyap pa.

Naisip ko lang, Shander became my boyfriend before, but He never even introduced me to them. Mukang si Monique ang ipinakilala niya. Ano nga bang aasahan ko. Kabet niya lang ako noon. Pinag laruan at niloko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagka ganito siya ngayon.

I shifted my gaze to Rix and remembered, I still doesn't even met his Father. Siguro nakakatakot makilala iyon. Ano kayang pakiramdam na makaharap ang Daddy niya. Ngayon palang kinakabahan na ako. Francisco Steve Delgado, is a powerful businessman. He is also well known and looked up to in the business industry. He's so popular even outside the Philippines.

Bigla akong nakaramdam ng panliliit, do I deserve Rix? Noon palang alam kong mataas ang pangarap niya kahit nasa taas na siya. Monique offer her shares to Rix way back then, noong may plano siyang masama sa akin. Para mapasunod noon si Rix ay shares niya ang in-offer niya.

Shares din ng kompanya ang dahilan para muntik nang magpakasal si Rix kay Jenny. Ngunit dahil sa akin, handa siyang iwan iyon.

"What are you thinking?" Rix snapped.

Ngumiti ako at umiling. Napatingin ako sa aking kamay nang hawakan niya iyon ng mahigpit.

"Ayos ka lang ba? Sabihin mo kung hindi ka komportable. Aalis tayo dito kung ayaw mong—

"Okay lang ako." Mahinahon kong sagot. Gusto kong malaman niya na ayos ako. Dahil iyon ang totoo. I smiled at him. Kitang kita parin sa kaniya ang pag aalala kahit sinabi ko nang ayos ako.

Napatingin ako kay Mama na hindi mapakali ngayon. Hinapit ni papa ang Baywang niya. I know her past and it was also a traumatic experience for her, that's why I understand kung hindi sila makakapunta dito. Pero nandito sila ngayon para samahan at suportahan ako. Doon palang ay masaya na ako.

Si kuya lang ang wala dahil bukod sa pag hahanap niya sa girlfriend niya, ay wala rin siyang alam sa nangyaring ito. Muka nang lolo ang kapatid ko dahil sa stress kaya ayoko nang dumagdag pa sa intindihin niya.

Ininterview ng attorney si Shander sa harapan naming lahat. And to my surprise, inamin niya ang kasalanan niya. He even said sorry to me. Napag alaman rin namin na lulong siya sa bawal na gamot.

Iyak ng iyak ang mommy ni Shander nang mag bigay ng desisyon ang Judge. Si Shander ay hinatulan ng korte ng apat na taong pagkaka kulong. Nakatulong rin siguro ang pag amin niya agad.

Naunang umalis si mama at papa nang masiguradong ayos lang ako. Gusto sana nilang bukas nalang umuwi, kaya lang maraming trabaho si papa.

Naglalakad kami ni Rix papunta sa parking kung nasaan ang sasakyan niya nang may magsalita sa likod.

Hold Me Tight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon