Kabanata 11

194 9 1
                                    

Kabanata 11

Patalon talon pa si Sofia nang pumasok kami ng restaurant. Alam kong masaya ang anak ko, pero ako? Hindi.

Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa pinag halong kaba at takot. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Gusto kong umatras sa gagawin kong ito. But I already made a promise to my daughter. Hindi ko rin magagawang sirain ang saya niya.

Tama nga ako, umaga palang narito na siya. Nagkakape at siryosong nagbabasa ng kung ano sa kaniyang cellphone. He looks so dangerous. Like a guard in a castle, steady but fearless.

Kasama ni Sofia ang yaya niya at nauna akong pumasok sa loob, naramdaman ko rin ang pag sunod ng aking anak. Dire-diretso ako sa counter at naupo sa dating pwesto.

Sofia looks shocked nang binalingan ko ng tingin, nakapako ang mga mata sa lalaking hindi man lang siya kilala. Pinasuot ko ng sumblero ang aking anak, para kahit papaano ay hindi makita ng buo ang kaniyang muka.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang pangingilid ng luha sa mata ng aking anak. Even her breathing was restrained as if she didn't want those little tears to continue to fall.

Parang pinitik ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang pag tulo nang luha ko habang pinag mamasdan ang anak na nakatingin sa kaniyang ama at tila hindi makapaniwala. Hindi maialis ang tingin sa ama na parang nakakita ng artistang kinahumalingan.

Mabilis akong nag iwas ng tingin. Tumalikod muna at pinunasan palihim ang mga tumakas na luha. This is all my fault. I wipe the tiny tears off my face ngunit parang hindi ito matatapos. Huminga ako ng malalim nang nagawa ko nang ihinto ang pag iyak.

Hindi ko na namalayan ang pag lapit ni Rix sa akin. Laking gulat ko nang nasa harapan ko na siya nang ibaling ko na ang tingin sa harap.

"What's the problem? Umiiyak ka?"

His forehead was furrowed as he seriously examined me. I swallowed hard and looked away. I heard a loud bang in my chest and I didn't liked it. Hindi ko dapat ito nararamdaman.

"Napuwing lang ako. Bakit ka lumapit? Magbabayad kana ba?"

Sinubukan kong ibahin ang usapan dahil hindi ko gustong nagtatanong sya sa kung anong problema ko ngayon. Masyado pa akong tensyonado dahil alam kong nakatingin sa amin si Sofia.

"I want to order Yaya!"

Narinig kong sabi ni Sofia sa kaniyang yaya kaya alam ko nang lalapit siya. Lalo akong kinabahan.

"Bakit sarado kayo kahapon?" He asked. Hindi pinansin ang sinabi ko.

"May okasyon lang. libre nalang ang inorder mo today. Bayad na iyan sa pag tulong sa akin noong isang araw."

"What's the occasion then?"

"B-birthday." Nautal pa ako habang sinasabi iyon.

"Yesterday is not your birthday." akusa niya.

I bit my lips. Bakit ba ang dami niyang tanong at alam niya ba ang birthday ko? Bakit alam niyang hindi ko naman birthday kahapon.

Huminga ako ng malalim at binalingan nalang ng tingin ang papalapit na si Lorna.

"Maam isang strawberry shake with cheese saka isang chocolate shake po." Order ni Lorna.

Hold Me Tight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon