Kabanata 34

118 10 4
                                    

Kabanata 34

Akala ko masaya na lahat. After we went home, ibinalita naman sa amin na nagtangkang magpakamatay ni Jenny. Mabuti nalang at naagapan at nadala agad sa hospital. She really wanted to die because she can't bear the truth. Hindi siya mahal ni Rix at magpapakasal na ito sa akin.

She really loved him, huh? But I think it's not love. It is an obsession.

Her parents were so furious because of what happened. They wanted Rix to marry their daughter again. I know they only wanted their daughter's happiness. Pero hindi ba nila naiisip na napaka unfair nila? How about Rix happiness.

Naibalita rin sa news ang nangyari. Kung ano-ano ang kumento na sinasabi ng tao. Nakahiga ako sa kama habang binabasa ang mga sinasabi nila.

Kalat na kalat sa media ang nangyari. This is a big scandal for them. Isang sikat na model at isang sikat na artista. Nakakunot ang noo ko habang binabasa ang headline.

A Super Model tried to commit suicide. Is it because of her first fiance?

Narinig ko ang pag bukas ng pinto sa banyo. Katatapos lang maligo ni Rix. Amoy na amoy ko ang bango niya pero hindi ko siya nilingon. Nasa cellphone parin ang tingin ko at nag i-scroll ng mga comments.

"Ipinagpalit daw kasi siya sa may anak na."

"Palagay ko, iyong dating fiancée talaga niya ang ama ng anak ni Jenny. Hindi lang siya gustong panagutan kaya ipinapa ako nila iyon kay Railix! Hustisya naman para sa Railix ko!

"Paano si Railix? Panakip butas lang?"

"Sino naman kaya ang malanding babae na umakit kay Zacharix?"

"May ibang babae siguro si Zacharix."

"Kawawa naman si Jenny! Pinag papasapasahan ng magkapatid!"

"Sino kaya iyong malanding babae na umagaw kay Zacharix?"

"May ari daw ng cafe iyong kabet."

Nanlaki ang mata ko sa huling nabasa. How did they know? Pero teka! Hindi naman ako kabet! Gustong gusto kong mag reply sa lahat ng nag co-comment! Nakaka inis! They don't know anything to make such a comment!

"Hey." Rix called me. Trying to get my attention.

Kitang kita ko ang pag aalala sa kaniya habang pinupunasan niya ang basang buhok. Lumakad siya palapit sa akin kaya napa ahon ako sa kama.

"Don't stress yourself about this. You know I can handle it. Pupunta ako sa hospital kasama si Railix." Paalam niya sa akin.

"Teka sasama ako!" Matapang kong sagot.

He sighed heavily. "We're going to talk to her parents. Hindi pwede ang gusto nilang mangyari."

"Kaya sasama ako? Hindi kita ibibigay sa kanila, ano!"

Tumayo ako sa kama at dumiretso sa kabinet para maghanap ng damit. Mag bibihis na ako. Gabi na at nakapantulog na sana ako, kaya lang kung aalis siya at pupunta roon, hindi ako papayag na maiiwan ako rito.

Nagulat ako nang yumakap siya sa aking likuran. "Damn, you made me fall in love even more."

Napakurap kurap ako bago siya hinarap. He gave me a quick kiss at pinisil ang pisngi ko. He smiled weekly.

"Maraming press doon na nakabantay. I don't want them to make false accusations about you. Ayokong madamay ka rito." Kalmado niyang paliwanag pero hindi ko hahayaan na ako lang ang poprotektahan niya.

Hold Me Tight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon