Kabanata 25

145 9 0
                                    

Kabanata 25

Nanginginig pa akong bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa bahay. Bumaba si Rix at hinalikan ako sa noo bago nagpa alam.

" Ikaw na doon sa likod, ako na ang nag babantay dito."
Naabutan kong nag uusap ang dalawang lalaki. Tauhan rin siguro ito ni Rix.

Hindi ko na sila nilingon. May sinabi pa si Rix sa kanila na hindi ko na masyadong maintindihan dahil nag mamadali na akong pumasok sa bahay at makita si Sofia.

Sa loob ng bahay ay nakita ko siya kasama si Lorna at ang dalawa pang tauhan.

"Sofia, anak." Nanghihina kong sambit. Napalingon siya sa akin at agad ring tinakbo ang direksyon ko.

"Mommy?" aniya. Nagtataka siguro dahil sa itsura ko ngayon.

Wala akong ibang nasabi. Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol doon.

"Mommy what's wrong? Nag away kayo ni Daddy?" Nag aalalang tanong niya. Agad akong umiling at hinarap siya habang nag pupunas ng sariling luha.

"No anak."

Luminga linga siya. "Where is Dad?"

"May pinuntahan lang. babalik 'yon mamaya." I assured her.

"Then why are you crying? Is everything alright mom? Bakit po ang daming guards?" Nag tataka niyang tiningnan ang bawat lalaking nagbabantay sa amin.

Ginaya ko ang ginawa niya. Tiningnan ko rin sila isa-isa. Lahat sila ay alerto at tumitingin rin sa paligid na parang ano mang oras ay may panganib na dadating.

I don't like this feeling. Lalo akong natatakot. Hindi pa ba tapos? Nahuli na si Shander. At bakit ang dami dami nila?
Kung bibilangin ang mga nakikita ko.

Tatlo kanina sa gate. Dalawa dito sa sala at dalawa sa pinto. Ang sabi ay meron pang nag babantay sa gate. Siguro dalawa rin iyon o tatlo?

"Yes baby, okay lang lahat. Sama ka muna kay Lorna sa taas anak. Kakausapin ko lang sila." Uttos ko kay Sofia at binalingan ang mga tauhan ni Rix.

Hindi siya gumalaw saglit at nagdalawang isip pa kung susundin ang utos ko. Nag tataka man ay tumingin siya kay Lorna na handa nang pumanik kasama siya.

Nang masigurado na naka akyat na si Sofia at Lorna ay nilingon ko ang isa sa tauhan at nilapitan iyon.

"Can you tell me what's happening? Bakit may nag babantay?" Tanong ko at naalala rin ang sinabi ni shander kanina na noon pa rin daw ay may nag babantay na sa akin. Sila rin kaya iyon? Para saan? Alam na ba nila na mangyayari ito?

"Kayo rin ba ang nag babantay sa akin noon? Bakit?"

Hindi ko na alam kung ano ang una kong tatanungin. I wish Rix is here beside me. Mamaya kami mag tutuos kapag natapos na siya sa police station.

Nag dalawang isip pa ang lalaki bago sumagot. "Opo Ma'am. Utos po ni Sir." Aniya.

"Bakit? Kailan pa?"

Nagkatinginan ang dalawang guard at nag isip ulit kung sasagutin ba ang tanong ko kaya inulit ko ang tanong.

"Kailan pa at bakit ninyo ako binabantayan!?" Tumaas ng kaunti ang boses ko dahil parang ayaw nilang sabihin ang totoo.

Hold Me Tight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon