Kabanata 31

167 7 2
                                    

Kabanata 31

"Sinaktan niya ako Rix! Nababaliw na siya!" Sigaw ni Jenny at lalong lumakas ang iyak. Gusto kong matawa.
Sa aming dalawa, ako pa talaga abg nababaliw? Kumukulo ang dugo ko at gusto ko siyang sugurin ulit.

"What did you do to her? Bakit ka nananakit?" Sigaw niya sa akin habang hawak ang braso ko. Mahigpit iyon  kaya hindi ko mapigilan ang pag ngiwi.

Bakit ako nananakit? I can't believe him! Sinisigawan niya ako ngayon na parang aping api si Jenny? Hindi niya ba nakikita ang itsura ko ngayon? Hindi niya ba nakikita nanasasaktan rin ako?

Sinubukan ni Jenny na tumayo ngunit umarte siyang pilay. Sa pag kaka alala ko muka niya ang pinag sasapak ko.

Bumitaw si Rix sa akin at dinaluhan agad si Jenny. My eyes blurred more. Nanginig ang labi ko. My breathing became heavier, failing to breathe properly. I don't want to make the noise at mag mukang nag papa awa rin but I can't stop my sobbing. Why does it have to be this way, why does it have to be this painful?

Hindi ko sila kayang panoorin. I took that opportunity to leave. I walked away, bawat hakbang ay mabigat. Tinawag ako ni Rix ngunit narinig ko rin ang malakas na iyak ni Jenny. Trying to get Rix sympathy. Magsama silang dalawa!

Pag labas ng green house ay nakita kong may naka park na golf cart. Siguro sinakyan ni Rix kanina. Sinakyan ko iyon pabalik ng mansyon.
Malabong malabo ang mata ko dahil sa pag iyak habang natatanaw ko ang mansyon.

Agad akong pumasok sa loob at pinag papasalamat ko na nakita ko agad sila Sofia sa sala. Masaya ang anak ko kaya pinilit kong punasan ang luha ko.

"Aalis na po kami. Pasensya na po." Sabi ko nang makalapit doon.

Nagkatinginan sila doon lahat pati ang mga kasambahay. Nasulyapan ko rin ang isang kasambahay na napagtanungan ko. She looks so guilty. Agad siyang nag iwas ng tingin sa akin at bumalik sa trabaho niya.

"Mommy? What's wrong?" Tanong ni Sofia.

Lahat sila ay nag tataka sa itsura ko. Kinuha ko ang kamay ni Sofia at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko ang pag sunod nila habang nalilito.

"What the hell is happening?" Amanda asked.

"Uuwi na po kami. Hindi ko napo itutuloy ang kasal!" Sigaw ko at hindi na nag isip pa.

Parang aatakihin sa puso si Mr. Delgado at agad siyang dinaluhan ni Amanda.

May mga sinabi sila at sinubukan pang pigilan kami pero wala na silang nagawa at hindi ko na rin naman naintindihan ang iba nilang sinabi dahil lutang ang isip ko. At nag kakagulo na sila doon. Hindi na rin sumunod pa.

Mabuti nalang at pag labas ng kalsada ay may mga taxi na nag dadaan kaya nakasakay kami ulit.

"Mommy? Where's Daddy? Bakit tayo aalis?" Nagtatakang tanong ng anak ko. Hindi ko siya matingnan. Nahihiya ako. Natatakot.

Pag pasok ng taxi ay umiyak ako ng umiyak. Malakas ang hagulgol ko. Walang pakeelam sa sasabihin ng Driver.

"Miss, sa-saan po tayo?" Nag aalinlangan pang tanong ni Manong Driver.

Saan nga ba kami? Lalayo ba kami ulit? Tatakas kami ulit ni Sofia? Pag tataguan ba namin ulit ang Daddy niya? Sa huli, sinabi ko ang address ng condo ni Richard.

Sila lang ang naisip ko. Hindi naman ako mag tatago katulad noon. Gusto ko lang magpahinga na walang mang gugulo sa amin.

Pag dating sa condo ay kinailangan ko pang magpahintay kay manong dahil wala akong dalawang pera at cellphone. Naiwan ko sa mansyon sa pag mamadali.

Hold Me Tight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon