Naalimpungatan ako dahil parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa aking kama, kaya dahan dahan kong minulat ang aking mata, at laking gulat ko na nakahiga si Zachiro sa aking kama. Mahimbing syang natutulog habang si Misky ay nasa kanyang tabi.
What the heck!!? Paano? Bakit? yan andito ngayon, hindi ba sya umuwi sakanila. Pinayagan talaga sya ni Mama na dito matulog sa aking kwarto. I check the time and it's almost 8:00 in the evening.
Bumangon na ako at nagpalit ng aking damit, ngayon ko lang din napansin na parang damit ko ulit yung suot nya, but nevermind wala ata syang extra.
Lumabas na ako ng kwarto at saktong andun si Mama at si Kyler.
"Ma? Hindi ba umuwi si Zachiro? Yung kasama ko, bakit nasa kwarto ko din?" Tanong ko.
"Hindi sya umuwi nak, pagod din ata yan kaya pinagpahinga ko mona sa kwarto mo. Naka kwentohan ko nga yang bata na yan ang bait nya, ang gaan ng loob ko sakanya, boyfriend mo na nak?" Napanganga ako sa huling sinabi ng aking ina.
"Ma naman hindi ko yun boyfriend." Sabi ko, totoo naman kasi. And actually alam ng family ko na I'm not straight and they support me. I remember na sila mismo ang nagsabi sakin na tanggap nila ako kung ano ang tunay kong kasarian. I'm so lucky that time na nagkaron ako ng magulang na nagmamahal sakin ng lubos.
"Hindi mo pa po ba sya boyfriend kuya?" Tanong naman ni Josia. Itong batang ito.
"Ikaw ang bata bata mo pa saan mo natutunan yang boyfriend boyfriend?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay.
"Narinig ko kay Mama dimo po ba narinig?" Pilosopong sagot sakin. Aba! ginaganto ganto nalang ako ng mga kapatid ko.
"Ah talaga! Mama asan ba si Kyler at bibigyan ko ng pasalubong at hindi ko bibigyan yang si Josia blee!" sabay asar ko sa kapatid ko, nakita kong paiyak na kaya dali-dali na akong tumakbo sa cr. Pero bago ko isara ang pinto narinig ko pa ang tawa ni Mama.
"Ikaw talaga Alestair patahanin mo ito."
Ta-tawa tawa akong pumasok sa cr. Mabilis lang din akong natapos at paglabas ko ng cr ay naiyak pa din si Josia. Tinignan nya ako ng masama at tumakbo sa kwarto nila at dun pinagpatuloy ang iyak, feel ko ang sama kong kapatid, pero I feel satisfied pag napaiyak ko ang bata.
Si Mama ay nagluluto ng hapunan pero sabi ko sa labas nalang kami kakain ni Zachiro. Kaya para sakanila nalang yun ni Papa. Pumasok na ako sa kwarto at mahimbing pa din na natutulog si Zachiro so I took my phone and I pictured him. I take more than 10 shoot.
Nag-ayos lang ako ng aking sarili atsaka sya ginising.
"Zachiro wake up, it's almost 8:30 baka wala kanang maitulog nyan mamaya." Tinapik-tapik ko pa sya, nagising rin naman sya at umupo para umunat.
"I'm sorry nakatulog ako."
"It's fine."
Inabot ko sakanya ang extra toothbrush ko at mouthwash dahil hindi ito nawawala sakin, every 2 weeks nagpapalit kasi ako ng toothbrush kaya may stock ako.
"Maghilamos ka sa cr at mag ayos sa labas nalang tayo kumain." I said at inabot sakanya ng towel na pamunas ng katawan at mukha nya. Inabot ko din sakanya ang isang black na pajama at t-shirt.
"Okay." Kinuha na nya ang mga gagamitin nya pero bago yun ay hinigit nya ang aking kamay at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Ano ba! ang hilig mo namang mang-higit, bakit mo din pati ako niyayakap." naiinis kong sambit sakanya pero parang wala lang sakanya.
"So smooth and gentle." sabi nya habang yakap-yakap pa din ako.
"Maglinis kana dun at baka wala na tayong makainan sa labas." tinulak ko na sya at hinigit patayo.
YOU ARE READING
Burning Desire (Desire#1)
RomanceAlestair Jayle Velasco is a consistent student who always wants to be on top but he can't seem to do it because of his problem. Not until Zachiro Immanuel Mendoza and Alestair Jayle Velasco cross paths, a student from Senior High who always give him...