Kabanata 1

91 6 0
                                    

Tapos na ang first sub namin at hinihintay lang namin ang susunod na teacher para sa aming MAPEH sub. Hindi ko alam kung meron kaming art work ngayon kung meron man wala akong dalang material. Ngunit tapos na ang isang oras ay wala pa din.

"So Rence saang school ka galing?" Tanong ko sakanya kasi palatingin lang siya sa aming kaklase. Bumaling siya sa puwesto ko at ngumiti, ngiting nakaka inlove kung iba yung makakakita nito, nangisay na siguro sa kilig.

"Sa Saint Paul High School." Simple niyang sagot.

"Wow ang mahal ng tuition fee dyan diba, tapos ang ganda ng school para kang nasa anime, yung mga suot kakaiba din, pero bakit pinili mo na lumipat?" Hindi ko mapigilan mag tanong dahil dream school ko ang Saint Paul bukod sa maganda ang learning dun ay breathtaking pa ang view.

"Ahm... Actually it's my parents decision, sumunod lang ako sa gusto nilang mangyari." He said. Sometimes parents talaga natin ang nag de-decide para sa atin kahit na yung bagay na gusto nila ay hindi natin gusto at hindi tayo masaya.

"Ah kaya pala." Hindi ko na siya kinausap pa at nanood nalang ako sa phone ko ng about sa mga taong may problem sa mental health.

Ewan ko ba kung bakit naging hobby ko rin ang panonood tungkol sa mga taong may problem sa health tapos kung paano pagalingin ng mga Psychology. I want to be a psychology someday.

"Mahilig ka sa ganyang video?" Tanong nalang bigla ni Rence.

"Ah yes, sometimes pag may time ako nanonood ako ng ganto. Mas prefer ko pa nga ang panonood nito kesa sa mga romance movie. Kasi I can't find any related things about study pag sa romance, even though na meron dun love. Love na kung saan kung kailan nag commit kana sa isang tao, tsaka darating sa point na mawawalan ng spark sa pagitan ng tao. Kaya ayun hindi ko gusto ang panonood ng mga romance, because love is like a choosing between heart and our brain. Diba sabi nila kung ano ang nasa puso sundin mo pero paano yung iniisip mong pangyayari diba?"

"Wow ano yan hugot." Sabay tawa nya, anong nakakatawa sa sinabi ko? Buang din siguro to.

"Well Alestair alam ko naman na may opinion ka about love pero para sakin, love is everywhere hindi mo alam at hindi ko din naman alam kung kailan darating ang taong magmamahal satin. Diba nga sabi ng iba pag nag mahal ka, sumugal kana. Andyan yung risk na kung saan ay hindi maiiwasan pag dating sa relationship. And yung consequences. Kaya for me love can wait, we need to wait on a right time." Well tama naman din sya, hindi kagaya ng mga kabataan ngayon na kay ba-bata pa ay makikita muna may mga kasintahan na agad. Sabagay puppy love lang naman yun at wala pa talaga silang alam sa pagmamahal.

"Bakit napunta sa love ang topic natin?" Tanong namin parehas kaya sabay kaming napa-halakhak. Pero ang ma-issue ko na kaibigan na si Jamaica ay agad na naki-chismis.

"Ano yan Alestair bakit tumatawa ka dyan? Ano nagkaka developan naba kayo? Siya naba ang Mr.Right mo este Mr.Rence." napa-iling nalang ako sa sinasabi nitong si Jamaica luag-luag din ‘to eh.

"Ano kaba Jamaica ano yang mga pinagsasabi mo dyan na nonsense, ano? bawal makipag tawanan kay Rence?"

"Ito naman nagagalit agad." Hinampas niya pa ako bago siya umalis, tamo bwesit talaga.

"Kabahan kana sakin Alestair nasa top 6 ako, baka sa susunod ako na ang top 1." Pananakot niya pa.

"Dapat naba akong kabahan? Ano yan death treat mo sakin? Ipapa kidnap mo ako ganon?" Humalakhak lang ang gaga sa aking sinabi. What a crazy girl.

"Hayaan mo na yun si Jamaica ha! Baliw baliwin lang talaga yun minsan, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko yun."

"Actually it's fine for me, no need to worry I encounter so many people like her. Sometimes yung iba kagaya ng mga kaibigan ko din ba baliw baliwin." Napa ngiti nalang ako sa sinabi niya, napapahaba na ang aking pakikipag usap kailangan ko ng magbasa ulit sa libro.

Burning Desire (Desire#1)Where stories live. Discover now