7PM na ako nagising at ang dalawa ay tulog na tulog pa din. Ginising ko na sila parehas dahil baka hindi matuloy ang plano nitong mga to.
"Ano ba! natutulog yung tao eh!" Si Jamaica ng gisingin ko sya, ay wow!
"Hoy gaga ka! Anong oras na ano? Wala kayong balak ituloy?" Tanong ko sakanya.
Sinipa nya si Kane kaya ito ay nagising. "Piste! Ano ba?!"
Tinignan ko sila parehas dahil parehas pa silang galit. Grabe na talaga ang mundo.
"Hoy anong ano ba ka dyan! aba aber 8PM na oh!" Saad ko sakanya.
Hindi nya ako pinansin at nagtaklob lang sya ng mukha nya. Shuta! Sinusubok talaga ako ng mundo.
"Gigising kayo or papauwiin ko kayo?" Saad ko sakanila at sabay pa silang bumangon.
"Ito naman si Alestair alam mo namang gising na ako kanina pa, ito kayang si Jamaica ang tulog pa." Kane said.
"Hoy! For your information ako ang nauna satin."
Hindi ko na sila pinansin dahil alam kong magtatalo na naman yan.
"Basta bumangon na kayo."
Kumuha ako ng damit para maglinis ng katawan. Paglabas ko ng kwarto ay wala ng tao sa labas, siguro ay tulog na sila Mama at Papa. Chineck ko ang ref kung nandun ang ulam para i-initin nalang. Pagbukas ko ay meron, kare-kare ang ulam.
Pumunta na ako sa cr at naglinis ng katawan paglabas ko ay iniinit na ni Jamaica ang pagkain at si Kane naman ang sumunod sakin. Pumunta mona ako sa kwarto para mag ayos at para tignan na din kung may chat na galing kay Zachiro, but I expected wala na naman.
Hindi ko alam kung bakit ko ba hinihintay? Kung ayaw nya bahala sya. Pumasok si Jamaica sa kwarto at naabutan nya akong masama ang tingin sa salamin."Oh bakit naman para ka dyang pinagbagsakan ng langit at lupa." Saad nya.
I sighed. "Nothing may iniisip lang."
"Sino naman aber ang iniisip mo?" Tanong naman nya.
Tumingin ako sakanya bago tumayo. "Wala."
Lumabas na ako ng kwarto at si Kane ay nauuna ng kumain, wala talaga itong awa sa kasama nya.
"Hoy hindi ka manlang dyan nagtatawag." Saad ko.
Tinignan nya ako inalok sakin ang kinakain. "May nag-aya ba sakin kanina?"
Nagtataka naman akong tinignan sya.
"Sinasabi mo dyan."
"Itanong mo dyan sa kaibigan mo na nauna pang kumain."
Tumingin ako sa lababo at may nakita akong pinagkainan dun. Tinignan ko si Jamaica na kakalabas lang ng kwarto at nagpatay malisya pa.
"Oh ayan! ayan na si madam." turo ni Kane kay Jamaica.
Hindi sya pinansin ni Jamaica at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Iimik na sana ako pero nakapasok na sya sa cr.
Napatingin nalang ako kay Kane. "Attitude ni Ate mo mukha namang garapata."
Natawa ako sa biro ni Kane.
"May sinasabi ka Kane!" Rinig naming sigaw ni Jamaica.
Hindi nalang namin sya pinansin at kumain nalang kaming dalawa, at syempre dahil si Kane ang kasama ko puro chika ang pag-uusapan namin.
"Nakita ko post ni Zach, diko alam kung para saan yun." Kane said tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Do you know what is that?" Tanong naman nya sakin.
YOU ARE READING
Burning Desire (Desire#1)
RomanceAlestair Jayle Velasco is a consistent student who always wants to be on top but he can't seem to do it because of his problem. Not until Zachiro Immanuel Mendoza and Alestair Jayle Velasco cross paths, a student from Senior High who always give him...