Kabanata 2

88 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa maliit na boses ni Kyler.

"Kuya, why po dark sa labas?" tanong niya habang nakayakap sakin ng mahigpit. Oo nga pala hindi ko hinayaan na bukas ang ilaw.

"Ah, hindi ko kasi nabuhay kanina." Tumayo na ako para buksan ang ilaw sa kuwarto pati na rin sa labas. Nagtatalon naman ang bata sa kama at tuwang tuwa pa. I can't stop to smile too ang cute kasi.

"Gutom kana ba?" Tanong ko sakanya sabay tingin ko sa aking wristwatch 6:15 palang naman. Tumango lang siya at lumabas na ako ng kuwarto para makapag handa na, sumunod din naman sya na may pagtataka pag ka labas.

"Kuya, asan po sila Mama?" Tanong niya ng makalapit siya sakin.

"Nasa hospital pinapagamot si Josia." Sabi ko.

"Bad talaga si Josia! Sabi niya po sakin kagabi nung nakala tita kami maglalaro na kami ngayon." Maktol niya.

"Anong bad dun? Wala namang bad dun diba, atsaka kailangan pa din na gumaling ni Josia, sige mawawalan ka ng kalaro." Pananakot ko sakanya.

"Kuya pero paa—" agad ko namang pinutol ang kanyang sasabihin.

"Wag ng maraming tanong Kyler, kumain kanalang d’yan."

Kumain nalang siya ng tahimik nagluto lang ako ng adobo dahil may karne naman sa ref at hindi ko naman nilahat. Mabilis din naman natapos kumain ang bata at sinabihan ko na maglinis ng katawan at mag sipilyo.

Nilinis ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga pinag-gamitan. Pag katapos ay tinulungan ko na ding bihisan ang aking kapatid at nanood nalang ng T.V sa sala. Ako naman ay nagtungo sa kwarto para mag online at manood.

*Jamaica Sent you a message.

Basa ko ng pag ka open ko ng data. Ano naman kaya yun?

Jamaica: Sis! Alam mo ba si Zachiro at Kia spotted na nag kiss sa likod ng room.

So? Hindi lang ako ang nakakita nun?

Me: Wala akong pake dyan.

At nag scroll nalang sa fb at hinayaan ko ang pag pop ng message.
Wala naman nangyayaring maganda sa newsfeed ko, puro post ni Jamaica at Kane ang laging dumadaan dahil kasi kahit walang kwentang bagay, auto share.

"Kuya, antok na." Sabi ni Kyler pag kapasok nya sa aking kwarto, agad ko din naman siyang pinahiga sa kama at lumabas para patayin ang ilaw.

Maaga rin akong nakatulog at pag gising ko ay nakabalik na si Mama at naiwan daw si Papa upang mag bantay kay Josia at maayos na daw ang pakiramdam baka bukas ay makauwi na. Para dito ipagpatuloy ang pag papagaling.

Ang bilis lang ng araw at linggo na agad wala namang nangyari masyado nung sabado, at ngayon na rin lalabas sa hospital ang aking kapatid. Kaya naman naglinis kami ng bahay ni Kyler na masaya dahil uuwi ng ang kanyang kapatid.

"Kyler yung paalala ko sayo ha?" Paalala ko ulit sakanya.

"Opo." Sagot nya. Very good talaga napalaki ng maayos ni Mama at Papa na masunurin.

Maya maya lang ay dumating na rin sila at agad akong lumapit sa kapatid ko na si Josia, kawawa naman ang aking kapatid hindi niya deserve ang gantong sakit.

"Kamusta ka Josia? Maayos naba ang lagay mo?" Tanong ko.

"Okay na po ako Kuya, papagaling na po ako." Ngumiti siya ng pilit. Kahit papano ay nabawasan ang pangamba ko.

Pinasok na ni Papa si Josia sa kwarto at nagpapahinga din si Ate Mia naman ay hindi pa rin umuuwi. Siguro ay nagbabad na naman sa trabaho. Proud talaga ako sa aking Ate na napaka hard working. Namana nya kay Papa, ang Papa ko kasi ngayon ay isang construction worker at ang Mama ay mananahi.

Burning Desire (Desire#1)Where stories live. Discover now