Nagising ako sa isang kalabog sa bahay, ano kaya yun?
Lumabas ako para makita kong ano yun, pero laking gulat ko na may dalang maleta si Ate! Saan naman siya pupunta?
"Ate saan ka pupunta? At bakit may maleta dito?" Tanong ko sakanya.
"May pupuntahan lang si Ate na trabaho siguro isang buwan akong mawawala." She said, one month lang! Really one month lang.
"Alam ba nila mama at papa to?" I asked her.
I cut her off. "Of course hindi siguro?"
"Alam nila nung isang araw pa," tumango ako. "Magpapadala pa din naman ako ng pera at hindi naman na tayo gaano kahirap."
Well true naman siya, pero yung pag alis nya kasi ang main point dito, I know na para sa amin din to pero bakit kasi sa malayo pa?
"Okay." I said bago ako pumunta sa kitchen para kumain, nakita ko pa sa sala yung dalawang bata na tulog, sa gitna nila si Misky.
It's almost 10:00 in the evening, and hinayaan lang nila mama na matulog yung dalawa sa sala, kahit na may latag.
Kumain nalang ako at sinawalang bahala nalang ang aking mga iniisip, maliban nalang sa mga inaral, makalimutan ko na ang lahat wag lang ang mga inaral ko.
Bumalik na din ako sa kwarto para ipagpatuloy ang naudlot na tulog at hinayaan ko na bukas ang ilaw, dahil baka biglang magising yung dalawang bata sa sala. Sinigurado ko na din na naka-lock ang pinto at bintana.
Maaga akong nagising dahil Miyerkules na at maraming activity ang gagawin ngayon. 6AM palang ay nasa school na ako bago ako umalis sa bahay ay nag pa-baby muna si Misky. Siya nalang kasi yung naiwan sa sala, siguro yung dalawa ay bumalik na sa kwarto.
English ang first sub namin ngayon at siguro kailangan kong makinig ng mabuti, kasi nakita ko sa aklat na may groupings and debate. Tahimik lang akong nagbabasa kahit na maingay ang aking paligid.
Jamaica sit beside me and she whispered something.
"Alam mo ba na ngayon ang announcement para sa color coding sa Foundation Day at kung anong team." She said. Hindi ko alam, at hindi naman ako chismosa kagaya nya.
"Kaya walang first sub and second sub ngayon, advicer time tapos mamaya pupunta tayong gymnasium para ma-meet ang ka-team natin." Tumango ako sa sinabi ni Jamaica, well good for us na walang klase sa dalawang sub.
Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay, hanggang sa nakaramdam ako ng gutom, what the?! Wala pa nga pala akong almusal.
"Maiwan muna kita, punta lang ako ng cafeteria. Wala pa kasi akong almusal." I said.
Umalis na ako at pumunta na ako sa cafeteria, nakikita na yung ibang kailangan para sa Foundation Day ay ready, maybe half lang hindi pa talaga totally naka applied yung iba.
Maraming estudyante ang nasa labas, nag ta-takbohan, nagbabasa, nag chi-chikahan, at may nag ho-holding hands pa. But I don't mind it, anyway, gutom ako kaya ito ang priority ko ngayon. Malapit na ako sa cafeteria ng matanaw ko si Kane. May kasama siyang dalawang babae at parang tinatarayan niya ang mga ito. Lumapit ako sakanya para awatin siya.
"Kayong dalawa sa susunod mag-ingat kayo, thesis namin yung nabasa niyo, tapos a-akto kayong nothing happens?!" rinig kong angaw nya.
"Nag sorry na kami diba? And hindi ba obvious na hindi nga namin yun sinasadya, at sinong tanga kasi ang gagawa ng thesis sa cafeteria. Anong ginagawa nung library diba?" Mataray na saad nung babae, the heck?! Yung babae pa ang may gana na magtaray. Nakalapit na ako sa pwesto ni Kane at kitang kita ko na namumula na siya sa galit.
YOU ARE READING
Burning Desire (Desire#1)
Roman d'amourAlestair Jayle Velasco is a consistent student who always wants to be on top but he can't seem to do it because of his problem. Not until Zachiro Immanuel Mendoza and Alestair Jayle Velasco cross paths, a student from Senior High who always give him...