Kabanata 8

86 7 0
                                    

Wala masyadong nangyari sa aking araw ngayon, mostly puro basa at aral lang ang ginawa ko. After kasing umalis ng aking mga kaibigan ay naging tahimik na ulit ang bahay. Nakarating na din sila Mama at ang dalawa kong kapatid.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay may nag notif sa phone ko, tinignan ko kung ano yun. Sa GC lang pala binasa ko at announcement lang naman sya ng aming teacher.

Pinagpatuloy kona ulit ang pagbabasa at pag-aaral. Lumabas lang ako ng kwarto ng makaramdam ako ng gutom. It's almost 2PM na din kasi, kumain ako ng niluto ni Mama na caldereta.

Mabilis lang naman akong natapos kumain at naligo na rin ako pagtapos ko. Nakita ko naman na busy ang dalawa kaya hindi ko na sila pinansin pero nagulat ako ng magtanong si Josia.

"Kuya asan po si Kuya Zachiro." Tanong sakin ng kapatid ko.

"Umuwi na sakanila kasi may importante pa syang gagawin." Hindi na naman nagtanong pa ang bata dahil busy sila sakanilang pinapanood na cartoon movie.

Pumasok na ako sa kwarto para mag ayos para kahit pa-pano ay malinis pa rin. Nagpatuyo lang ako ng buhok bago ako matulog dahil nakakarandam ako ng antok.

Nagising na ako mga around 6:30PM kaya agad akong bumangon dahil baka wala na akong itulog mamaya, may pasok pa naman ako. Paglabas ko ay saktong kumakain na sila.

"Anak sumabay kana dito samin." sabi ng aking Mama, kaya umupo na ako sa may tabi nya.

Lima kaming nasa lamesa Ako, si Papa, Mama, at yung dalawang bata. Si Ate Mia lang ang wala samin. Habang nasa hapag kami ay nagtatanong si Papa kung kamusta naman daw ang pag-aaral ko.

"Anak, baka naman pinapagod mona ang sarili mo sa pag-aaral? hindi ka naman nami prine-pressure ng Papa mo." My Mom said.

"Ma alam ko po yan, nag aaral lang po talaga ako ng mabuti para sa magandang kinabukasan nating lahat." Sabi ko.

Nagtinginan silang dalawa ni Papa at parehas ngumiti.

"Laking pasasalamat namin sa Diyos na may anak kaming may mabuting puso." sabi ni Papa.

"Ako po ang dapat magpasalamat kay God dahil binigyan nila ako ng magandang pamilya." I said.

After nun ay nagpatuloy pa din kami sa pag-uusap si Ate Mia daw ay bihira nalang tumawag sakanila kaya kinakabahan na daw sila sa Ate ko. Pagkatapos kumain ay si Mama na ang naghugas ng mga pinagkainan. Pumasok na ako sa kwarto para magpahinga at ipagpatuloy ang tulog. Dahil bukas ay Friday hindi ko alam kung ako ang mangyayari.

Nakatulog na ako habang nagbabasa ng libro at maaga akong nagising kinabukasan. Mga around 5AM gising na ako. Nag handa na ako ng mga kailangan kong gamitin, Friday ngayon kaya PE ang suot ko may dala din akong extra t-shirt. Kulay red ang pants ng PE uniform namin at kulang red and white naman ang t-shirt. Pagkatapos kong mag gayak ay naligo na ako.

Hindi na ako naka paghanda ng pang tanghalian ko kaya sa school nalang ako kakain hindi rin ako nakapag agahan kaya sa cafe nalang ako kakain. Saktong 6AM ay nakaalis na ako sa bahay at dumating ako sa school mga 6:25 na. Pag pasok ko sa school ay marami ng studyante, some of them is looking at me. And I know why they are staring at me because of me and Zachiro.

Pag pasok ko sa room ay maunti palang kami. Si Giselle at Jamaica ay naabutan kong nag-aayos ng buhok at ng makita ako ni Jamaica ay agad naman ngumiti sya ng nakakaloka.

"Ano na naman?" tanong ko sakanya kaya napatingin sakin si Giselle na busy mag ayos ng buhok ni Jamaica.

"Hoy Alestair! ano itong kumakalat na couple pictures nyo ni Zachiro, saan kayo nag date?" Si Giselle habang inaayosan ng buhok si Jamaica, kaya some of our classmates look at me.

Burning Desire (Desire#1)Where stories live. Discover now